One: Winter Soul

7 0 0
                                    

SEIRA POINT OF VIEW

Mag-isa akong naglalakad sa mahabang hallway ng paaralan namin nang biglang may umakbay sakin. Napairap nalang ako dahil I'm 100% sure na kukulitin na naman ako nito.

Tumigil ako sa paglalakad para makaharap ko. Matagal kaming nagtitigan ngunit agad akong nagsalita.

"What do you need Serena?" naiiritang tanong ko sa babaeng 'to.

Mas lalo pa akong nainis dahil ngumisi lang siya sa akin. Hindi ko na talaga alam kung anong problema niya.

"You just have to eat with us. Kahit isang beses lang then we'll stop disturbing you. I promise," sabi niya at tinaas pa ang kanang kamay na tila nanunumpa.

As if I believe in what just she says. 'Nung nag-sabog siguro ng kakulitan, nakuha niya lahat.

I rolled my eyes at her. "Please lang tigilan mo na ang kaka-kulit sakin dahil wala kang mapapala."

Tumalikod na ako at naglakad pero hindi pa ako nakakalayo nang madulas ako. What the heck? Sinong lapastangan ang nag-tapon ng balat ng saging sa daanan?

Agad-agad akong tumayo, mabuti nalang at walang tao dito ngayon. Well except me and Serena na mamamatay na ata sa kaka-tawa tsk.

Humarap ulit ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin, nag peace lang siya sakin at dumila sabay takbo. What an annoying brat.

Iika-ika akong umakyat ng hagdanan, kainis ang sakit ng pwetan ko. Lagot talaga sakin kung sino mang nilalang ang nagkalat sa hallway grr.

Binuksan ko ang pintuan at nakalikha yun ng kakaibang ingay. Ang creepy talaga ng door na yun, mabuti at sanay na ako kaya hindi na ako masyadong natatakot kapag binubuksan ko 'to.

Dumiretso ako sa railings ng rooftop at tinaas ang mga dalawa kong kamay habang nakatingala at naka-pikit. Kapag may naka-kita sakin, iisipin agad na nababaliw na ako. Oh well as if I care.

Bumaba ako at umupo sa medyo mainit na semento. Hindi naman masyado kainitan dito sa taas kaya di ako pinag-papawisan. At isa pa, malakas naman ang hangin.

Kinuha ko ang baunan ko at nag-simulang kumain.

Sanay na akong mag-isa. Ayokong makisalamuha sa iba dahil ayokong makipag plastikan sa kanila.

Okay na ako sa ganto, atleast kapag mag-isa ako napapakita ko yung totoong ako.

Pagkatapos kong kumain kinuha ko naman ang cellphone ko at tiningnan ang update tungkol sa paborito kong banda.

Winter Soul

Walang nakaka-alam kung bakit 'yan ang pangalan ng banda, dahil kapag tinatanong sa mga interviews nila ay hindi sila sumasagot.

Pero isa 'yun sa mga hinahangaan ko sa kanila. Ang pagiging misteryoso.

Tinignan ko ulit ang band profiles nila. Hindi talaga akong nagsasawang tingnan 'to lagi. Ewan ko ba sa sarili ko.

Winter Soul

They are under Starry Entertainment (South Korea), Fox Music (Japan) and Huo Entertainment (China)

They are under Starry Entertainment (South Korea), Fox Music (Japan) and Huo Entertainment (China)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Life of Being a FangirlWhere stories live. Discover now