Two: Roommate

7 0 0
                                    

SEIRA POINT OF VIEW

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa oras na'to. I guess my emotions all mixed up. Pain. Anger. Sadness. Frustration. Hindi ko na alam kung ano ang nangingibabaw. I bit my lower lip and sighed heavily to control my emotions. Hindi dapat ako magpadalos dalos lalo na't siya ang may kontrol sa pamamahay na iniwan magulang ko. I gritted my teeth with that thought.

"Anong ginawa mo sa mga gamit ko tita?" madiin at nagtitimping tanong ko sa babaeng 'to.

"Uhm ginawa kong abo?" nakangisi pa siya na tila nasisiyahan sa reaksyon ko. Damn this woman.

"HINAHAYAAN KO NA NGA KAYO KUNG ANO MAN ANG GUSTO NYONG GAWIN SA PERA NG MAGULANG KO TAPOS ETO PA MAPAPAPALA KO SA INYO?!" Hindi ko na napigilan na sigawan siya. Bahala kung ano ang mangyari sa akin pagkatapos nito.

"Wala kang kwenta Tita, sana hind--" Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sampal niya.

I glare at her but I grin quickly. I cannot let her see my weak side dahil baka magsaya pa ang bruha.

"Dahil diyan sa mga walang kwentang posters at pictures ng mga Koreano na yan nagawa mo akong bastusin! Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo ha?!" galit na galit siya habang nagsasalita, pero hindi 'nun mapapantayan ang galit na nararamdaman ko.

"Sila na lang ang nagpapasaya sakin dahil wala kang ibang ginawa kundi pahirapan ako! Sabihin mo nga sakin Tita, paano kita magagawang respetuhin kung pati mga magulang ko di mo na nirespeto?" Nanahimik siya. Tsk masyadong guilty. "Nagpapakahirap ang magulang ko sa ibang bansa para makapag aral ako pero ikaw, ikaw na kadugo ni Mama, walang pakialam. Bakit? Dahil sarili mo lang ang iniisip mo!" Dinuro ko siya. "Wala kang pakialam sa paghihirap ng kapatid mo dahil gusto mo mga luho mo lang masusunod. Lahat ng perang pinapadala ni Mama para sa pag aaral ko yun pera wala ni piso ang nahawakan ko dahil nasa iyo lahat! Hindi nila alam na lahat ng pagod nila napupunta sa wala, nagtatrabaho ako para mabuhay at para sa pag aaral, may pake ka ba? Wala, dahil selfish ka!" Tumulo ang luha ko kahit anong pag pigil kong lumabas 'to.

Nakayuko lang si Tita, umiiyak na din. Fake tears to be exact.

"S-sorry Rayne, a-alam ko masyadong akong n-nabulag ng mga mamahaling bagay, p-pasensya na. A-alis nalang ako dito," nanginginig na sabi niya. As if maniniwala ako sa pinagsasabi niya.

"Hindi na, ako nalang ang aalis," malamig kong tugon at pumasok na sa loob ng bahay para magimpake ng gamit ko.

Naramdaman ko namang sumunod si Tita. See? Hindi man lang siya tumutol na umalis ako dito sa bahay, dahil gusto naman talaga niya 'yon. Ibang klase talaga.

Padabog kong kinuha ang maleta ko sa ilalim ng kama, nakahanda na'to kung sakaling palayasin niya ako. Pero ako na ang kusang aalis. Nakakababa ng pride kapag pinalayas ka noh. Kinuha ko din sa ilalim ng kama ko lahat ng merchandises ko. mabuti nalang talaga at tinago ko at iilan lang ang dinikit ko sa kwarto ko.

Lumabas na ako ng bahay, hila hila ang maleta ko at bitbit ang isang bag.

Hinarap ko si Tita at ngitian. "Magpakasaya ka sa pera ng magulang ko. Don't worry, karma is real so good luck kung sakaling makita mo siya." Ngitian ko pa siya ng matamis bago hinawi ang buhok ko at tumalikod. Huh, walang sino man ang pwedeng umapi kay Seira Rayne Seige. 

Pagtingin ko sa cellphone ko ay napag alaman kong alas syete na rin pala ng gabi. Mabuti nalang at medyo marami pa ang natitira kong pera dahil kakasahod ko lang sa trabaho ko. Yes, I'm a working student. Part timer ako sa isang coffee shop malapit sa school ko. Day off ngayon dahil Friday. Hindi ko naman masyadong nagagastos yung sweldo ko dahil scholar naman ako sa KENA Institute. Hindi ko pwedeng pabayaan ang pag aaral ko dahil di ko na alam kung ako ano ang gagawin ko kapag natanggalan ako ng scholarship. Medyo weird 'yung school ko pero keri na, atleast nakakapag-aral.

Pumasok muna ako sa 7/11 para kumain. 

Matapos kong bayaran ang cup noodles at isang coke in can sa counter, naglagay na ako ng mainit na tubig.

Habang hinihintay kong maluto yung noodles at napatingin ako sa labas. Kitang kita ko ang mga batang lansangan, mga nagtitinda sa daan, at mga sasakyang dumadaan. Ibang iba talaga dito sa Manila kaysa sa kinalakihan kong probinsya.

Laking Bicol ako pero nang makakuha si Papa ng trabaho sa Manila ay lumipat na kami dito. Hanggang sa di na sapat ang kinikinita ni Papa kaya napilitan si Mama na mag-ibang bansa. Matapos ang dalawang taon, sumunod na rin si Papa kay Mama. Kukuhanin nalang daw nila ako kapag nakapagtapos na ako ng pag aaral dito. But I doubt it, tingin ko kasi bumuo na sila ng sarili nilang pamilya 'don pero di lang nila sinasabi sakin. Napangiti ako ng pilit at di nalang nag isip.

Pagkatapos kong kumain ay naghintay ako sa waiting shed para maghintay ng masasakyan.

8:30 na rin ng gabi, napatagal ata ang pag stay ko sa store.

Napasabunot ako sa buhok ko nang mapagtanto kong wala akong ibang mapupuntahan. Hay nako Seira, dapat bago ka naglayas nag isip ka muna ng pwedeng puntahan! Ang malas ko nga naman talaga oh.

Napatitig nalang ako sa five-storey building na nasa harapan ko. Or should I say isang apartment. Nakaisip ako ng ideya kaya dali dali akong tumawid. Napansin ko naman agad ang isang bond paper na nakadikit sa pader na nagsasabing may isa pang room na pwedeng upahan. 

Napatalon ako sa saya. "Yes! May swerte din pala ako kahit papaano," tumatawa kong sabi sa sarili ko.

Dumiretso ako sa loob at agad naman akong napansin ng isang babaeng may katandaan na, mga nasa forty plus na ganun. I bet she's the landlady.

Ngumiti ako sa kanya. "Good evening po, naghahanap po kasi ako ng malilipatan at swerte naman pong nabasa ko na may isa pang room na bakante."

"Magandang gabi din Ineng, sakto nga at may isa pang room na pwede mong matirahan pero kakayanin mo ba ang presyo?" Nangunot ang noo ko. "Bakit po magkano po ba? Baka naman po kaya ko."

"Fifteen thousand a month." Nanlaki naman ang mata ko, ang mahal! Pang dalawang buwan ko na yun.

"Ang mahal naman po Ate!"

"Ganon talaga Ineng kasi maganda ang kwartong 'yon at may aircon kaya mahal talaga." Pagpapaliwanag niya kaya napatango nalang ako. No choice kundi maghanap ulit. 

"Hi Ate Rose! Hi din sayo Seira, anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Serena na nakapang bahay. Dito pala siya naka-tira.

"Naghahanap kasi ako ng bahay." Kahit ayaw ko ay sumagot ako sa kanya dahil nakatingin si Ate Rose sa amin.

"Talaga? Gusto mo roommate nalang us?" parang bata niyang saad. 

No way!

"Aba oo nga Ineng, five thousand ang kwartong inuupahan nitong si Serena kaya pwede kayong mag-hati, wala naman 'yang kasama. Makakatipid pa kayo. Mukha namang magkakilala kayo kaya walang magiging problema." Saad ni Ate Rose.

"Oo nga Seira! Bestfriend tayo dibaaa?" sabi niya at inakbayan pa ako. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natatawa niyang inalis ang kanyang braso sa balikat ko.

Sa totoo lang nagdadalawang isip ako. Mura nalang at babayaran ko pero ayoko namang makasama ang makulit na'to. Baka tumanda ako ng maaga, wag nalang.

Naghihintay sila sa sagot ko kay napatango nalang ako. No choice, ayoko rin namang lumayo dito dahil mas lalaki pa ang magagastos ko.

Tumalon ng tumalon si Serena kay napailing nalang kaming dalawa ni Ate Rose. "Oh siya mauuna na ako, sa huling araw nalang ng buwan na'to kayo magbayad ng upa. Serena, ikaw na bahala dyan sa kaibigan mo ha?" Tumango naman agad siya. "Mauuna na ako at kailangan ko ng magbeauty rest kahit walang beauty hahaha." Natawa naman kami ni Serena sa sinabi niya kaya nagpaalam na rin kami.

Dali dali akong hinila ni Serena papuntang 3rd floor. Pinabayaan ko nalang siya dahil masyado na akong pagod para magprotesta. 

Sana lang talaga hindi ako mabaliw sa babaeng 'to.

***

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 07, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Life of Being a FangirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang