Mapanghusga

10 0 0
                                    

"Roe, pasensya pero hindi ako makakapunta mamaya sa bonding natin"-Alex

"Ok lang, ano ka ba. Hindi rin daw makakapunta si Lara dahil may date sila ng jowa niya"

"Ahm, actually yan din kasi ang dahilan kaya di ako makakapunta mamaya yots. Hay naku paano ba to. Maghanap ka na kasi ng boyfriend. Hello? Kahit di ka pa 20 dapat may karanasan ka na sa love"

"Ano ka ba yots, alam mo naman na hindi pa ako handa para diyan atsaka kung para sa akin ay para sa akin , hahayaan ko nalang si Destiny ang maghanap ng paraan na pagtagpuin kami ni The one"

"Ayan ka na naman eh. Yots, alam mo namang iba na ang henerasyon natin ngayon. Sige ka baka tatanda kang virgin niyan"

"Grabe ka naman yots, bata bata pa natin tapos ganyan ka na makapagsalita. Basta alam kung dadating si The one para sa akin. All I need is to wait"

"Char, sige na nga. Yots, mauna na ako ha? Nagtext na kasi si Jerome sa akin. Babush"

"Sige Ingat!"

At tuluyan ng umalis si Alex. Kasalukuyan akong nasa Coffee shop ng mama ko ngayon. Summer rin kasi, wala akong magawa kaya tumulong nalang ako dito.  Malay natin dadagdagan niya ang allowance ko. Umupo muna ako at ininom ang tinimpla kong kape ng may nakita akong lalaki na nakasuot ng Leather Jacket na naka sombrero at naka face mask pa. Di kaya holdapper tong isang to. Hay naku wala pa naman kaming security guard . Ang tangkad pa naman din nito . Paano nato?

Pumasok na nga ang lalaki at agad akong tumayo

"Opps! Mister kung plano mong mangholdap dito pasensya ka na pero wala kaming kita ngayon kasi kakaopen palang namin dito. Ang aga mo naman kasi"  bakit kaya umaga siyang pumunta dito pwede naman sa hapon kasi for sure malaki laki na ang kita namin. Bobo talaga tong isa to.

Lumingo lingo ang lalaki at nang nalinawan siya na siya ang kinausap ko, agad niyang tinuro ang sarili niya na para bang nagtatanong na ako?

"Oo syempre ikaw, tayo lang naman dalawa ang tao dito diba?"

"I'm sorry miss. I don't know what you're talking about"

"Anong you don't know you don't know ka dyan. Alam ko na plano mo, wa mo akong maenglish english di bagay sa yo"

Hinubad nito ang face mask . Hala ba't ang gwapo nito? Familiar ang mukha. Ashhh! Roe concentrate holdapper yan.

"Ok miss, I am in hurry. Pumunta lang ako dito to buy coffee--"

"Yots!!! Yung cellphone ko naiwan---" biglang dumating si Alex at napalingon sa Lalaking holdapper . Lumaki ang mata nito at namula.

"Oh my Gosh North Garcia!!! Wahh papicture papicture!!!" So North ang pangalan ng lalaking ito. Wait what?

"Yots, magpapapicture ka sa isang holdapper?"

"Ahemm"-North

"Yots, di mo ito kilala? OMG! Siya si North. Ang pinakasikat na Artista at Businessman dito sa buong Asya, ano ka ba yots. Akala ko sa lovelife kalang nganga" pasigaw na sabi ni Alex

"Ah, I'm sorry to intrude but Hmm Miss?" Tumingin ito sa akin

" To make it clear to you, I am not a Holdapper. I need to go."
Umalis ito agad at sumakay sa...
Wahhh ang gara ng sasakyan. Napahiya ako ngayon ha? Oh my gosh talaga sana mamatay na ako , joke.
"Oh my gosh talaga yots. Kaya pala kaya pala. Kaya pala naiwan ko ang cellophone ko para makabalik ako dito at? Tadaaa! Andito ang nag iisang North Hughuan Garcia. Pwede na akong mamatay."

"Gaga ka yots, anong mamatay ka dyan . Pero bes may problema ako."

"Oh ano yun?"

"Pinagkamalan ko siyang holdapper. Like woooah???!!! Bakit ba kasi ang dami niyang takip sa mukha. Mukha siyang City Hunter!! Nakakahiya!!"

"Nakakahiya talaga yun yots. For sure di na papatok itong negosyo niyo dahil sa ginawa mo."

"Grabe ka naman yots. Wag naman ganyan. Kita mo ngang kakaopen lang namin , ipapaclose mo na agad?"

"We don't know yots . That 21 year-old man is so powerful, we don't know what he'll do since you embarrassed him in front of me"

"Char, para ka namang VIP makaasta"

"Opps! Correction! VIF. Very Important Friend. Btw, andito na cellphone ko babush! "

Kumaway ako sa kanya at umupo na rin . Napahawak ako sa ulo ko. Nako paano nato . Paano kung papabagsakin niya ang negosyo naming ito. Lagot talaga ako mama nito, baka patay pa. Mapanghusga ka kasi Roeznina  , yan tuloy.


----
Daghan nag mali. Pasensyahe.

Chasing DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon