Tanga

4 0 0
                                    

"Roeznina Anak. Nais ko sanang magpatulong sa iyo" sabi ni Niña ay este mama Niña.

Klaro naman kung saan nakuha ang Nina sa pangalan ko diba? Ako ang bunsong anak nina Rueluzio Montefalco at Niña Ara Yu. Half Intsik ang lolo ko kaya Yu ang apilyedo nito. May kambal akong kapatid at ito ay sina Ate Ranaya a.k.a Ate Raya at kuya Runiko aka Kuya Ruko/Ruks. Nasa ibang bansa sila ngayon. Doon kasi sila nag aaral. Last year na rin nila sa kolehiyo ngayong opening. Si Ate ay isang designer at si kuya naman ay mag aarchitect . Bakit ako andito? Mas gusto ko kasi dito mag aral malapit sa pamilya ko. Available din naman dito ang korsong kukunin ko, Bs Bio. Medyo gipit na rin kasi si Mama kasi nasa Ospital pa si Papa, may problema kasi ka mga buto nito.

"Hoy! Roe!!"

"Po Ma?"

"Alam mo bang may kaibigan akong manager ng isang artista?"

"Oh tapos?" Diba mukhang tropa ko lang siya

"Naghahanap siya ng P.A para sa alaga niya."
Ano kayang ibig sabihin nito. Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"Ah kasi Anak ganito kasi yan, Alam mo namang malaki ang tuition ng mga kapatid mo diba tapos allowance pa nila . Tapos tatay mo nasa ospital. Alam mo kaya ko naman pamahalaang mag isa ang coffee shop natin eh. Sigurado ako mas malaki kita natin pag ikaw may sideline rin, alam mo na katulad ng P.A . 40 thousand daw ang monthly tapos alam mo anong mas maganda?"

"Ma naman."

"Anak!"

"Oh sige ano?"

"Kung nagustuhan niya ang trabaho mo maaaring dadagdagan niya ang sweldo mo. Ayos diba anak?"

"Ma alam mo naman---"

"Please sige na anak.  " at nagpacute pa ito

"Ayaw ko po"

"Sige na anak . Ikaw pa naman ang paborito ko. Pagkatapos ng mga kapatid mo sa pag aaral , ikaw nalang ang aatupagin---"

"Aissh! Pag iisipin ko muna ma. Ang ingay mo eh"

"Yes. Salamat anak. Mwah, mwah"

"Okey ma tama na okey. Matulog na tayo" umayos ito ng tayo at nagseryoso . Tinuro niya ako, yumuko ako at kinamot ko ang ulo ko.

"Pag isipan mo na tatanggapin mo ba ang trabaho mo o tatanggapin mo" tumango ako nang walang kamalay malay. Agad itong pumanhik sa kwarto niya.
Tanggapin ko daw o tanggapin. Ok , tanggapin o tanggap----? Ano??!! Wala akong ibang choice, pareho lang yun diba. Tanga tanga Roe. Tanga tanga. Matulog na nga ako ng kahit papano makalimutan ko ang katangahan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon