I was in the middle of dancing when someone grabbed my waist and started grinding his body to mine, tch, manyak.
"Kung mang babastos ka, i'm telling you, wag ako. Dahil hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin." Agad naman itong huminto sa ginagawa nya pero naka hawak padin sa bewang ko.
"Hmmmm, violent and fierce. Pano mo nalaman na ganyan mga type ko?" May pa lip bite at kindat pa syang nalalaman kala nya naman kinagwapo nya.
"Hmmmm, siraulo at manyak. Pano mo nalaman na ganyan mga gusto ko patayin?" And with that I pinned him on the floor at tinapak ang isa kong paa sa dibdib nya.
"Sabi ko naman sayo eh, wag ako." At sinipa sya sa... alam nyo na yun, at agad na nag walk out.
"Hey girl, okay ka lang?" Medyo nagulat pa ko sa biglang pagsulpot ng mga kaibigan ko, nakita pala nila.
"Kathrina Maxine, are you really asking me kung okay ako? Baka nagkakamali ka ng tinatanong." Sabi ko at agad na lumabas ng bar, masyado ng masakit sa ulo yung ingay at amoy.
"Hehe joke lang naman, Skye. Triny ko lang." Sabi ni Max at nag peace sign pa. Tch, hindi ka cute.
"So, san tayo?" Biglang tanong naman ni Zoe. Ngumisi lang ako sakanila at alam na nila agad ang ibig kong sabihin.
"Ohhhh, on fire nanaman si bebe--" Agad napatigil si Max sa sasabihin nya ng titigan ko sya ng masama.
"May sinasabi ka?" Nag peace sign sya ulit at sinabing, "Oo nga sabi ko nga tatawagan ko na eh. Hehe." Sabi nya at agad na lumayo samin ni Zoe para tawagan si Big Bird.
"Same place." Pagka sabi nun ni Max agad akong sumakay sa sasakyan ko at napa smirk, easy money nanaman ako neto.
Pag dating namin sa isang familiar na hi-way agad akong napangiti, my second home. Drag racing.
Agad kaming lumabas ng sasakyan nila Zoe at Max pag dating namin dahil nag sasalita na si Big Bird.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Sa mga hindi nakakakilala, ako si Big Bird, wag na kayo mag tanong kung bakit Big Bird. Ngayong madaling araw maiiba ng konti lang naman ang karera natin, one representative per team. Alam nyo na ang drill." Sabi nya at pumito. First pito means, get ready. Second, pwesto na.
"Oh wala nang tanong tanong, go Skye. Galingan mo." Agad akong napa smirk sa sinabi ni Zoe
"Kelan pa ko naging hindi magaling?" Napairap naman si Zoe. Pasalamat sya kaibigan ko sya kundi nadukot ko na yang mga matang yan. Hanep.
"MORIZELLA SKYE!!!!" Ano nanaman problema nitong si Max? Tiningnan ko lang sya ng parang 'what' look. "May kalaban kang pogi!! Wag ka mag papadistract ah! Baka kiligin ka mas--" Hindi na natuloy ni Max dahil pumito na ulit si Big Bird, at buti nalang at pumito na sya kasi ang non-sense lang ng sinasabi ni Max. Ako kikiligin? Eh ang panget naman nun, puro yabang lang.
Agad kong pwinesto ang sasakyan ko sa starting line at bago mag umpisa tumingin ako sa katabi kong kotse, katabi ko yung gwapong tinutukoy ni Max na hindi naman gwapo. Inirapan ko sya nung nakita kong ngumisi sya sakin, panget mo qaqo.
Pumunta na yung babaeng mukhang kinulang ang tela ng damit sa sobrang ikli.
Nang ibaba nya na ang hawak nyang maliit na flag agad ko nang pinaharurot ang sasakyan ko. Never pa kong natalo sa Drag Racing, that's why I am called Queen, Queen of fcking everything.
Malayo na ang agwat ko sa kanilang lahat, well sabi ko naman sa--- what the heck?? Pano naka habol to?? Nung magtapat ang kotse naming dalawa ay nag tinginan kami, si boy yabang, ngumis sya sakin and then there... I was beaten.
Pagbaba ko ng kotse ko agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko at halata ang gulat sa mga mukha nila.
"Omg!!! I can't believe na natalo ka ng isang first timer? Ngayon ko lang sya nakita dito eh, pati yung team nya." Napairap naman agad ako sa sinabi ni Max. Minsan talaga gugustuhin mo nalang na tahiin yung bunganga neto eh.
"Skye!!" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko kay Max dahil tinawag ako ni Big Bird.
"What?" Tinawanan lang ako nito at tinuro ang katabi nyang hindi ko kilala na naka talo sakin.
"Skye I would like you to meet, Alexander Axel Alcarez. Matagal na din syang nag ddrag racing like you, pero ngayon lang kayo nag sabay ng punta. At mukhang nahanap mo na ang katapat mo Skye." Ngumisi ito at tinuro naman ako ni Big Bird dito sa AAA na to, puro A, "And Ax, sya naman si Morizella Skye Dela Vega, you're lucky na natalo mo sya agad sa unang laban nyo dahil wala pang nakakatalo sakanya." Napairap lang ako sa sinabi ni Big Bird, napaka daming satsat.
"It won't happen again, i guess it's your night Mr. Alcarez, lasapin mo na kasi hindi ka na mananalo sakin ulit." Sabi ko at nag walk out na.
Hindi na ko lumapit kila Zoe dahil alam kong nakita naman nila ang nangyari kaya sumakay nalang ako sa kotse ko at nag drive na pa uwi. Hindi ko na sila inantay kasi sa isang bahay lang naman kami naka tira, susunod naman yan.
Pag dating ko ng Condo tiningnan ko ang oras, 3am. Wow, tapos may pasok pa kami bukas. Nice, late nanaman. Agad na kong pumasok ng kwarto, naligo at nag palit na ng pantulog.
Hindi ko na aantayin sila Max, malalaki na sila kaya na nila sarili nila.
---
"MORIZELLA SKYE!!!!!" Napayakap naman ako ng mahigpit ng marinig ko ang malalakas na katok at sigaw ni Max, what now?!Tumayo ako ng kama ko at binuksan ang pinto pero agad ding bumalik sa pagkakahiga, pinapasok ko lang si Max.
"Ano ba yun? Inaantok pa ko." Sabi ko at nagtakip pa ng unan sa mukha ko.
"Ay aba ateng may klase ka pa po ng 8am at 7:30 na, baka gusto mong kumilos?" Sabi ni Max ng naka pa mewang pa, kala ko tuloy nanay ko.
"Oo nga Skye, sabi din ng dean bawal daw malate dahil may assembly ang mga seniors today." First day na first day assembly agad? Kung kelan senior tsaka pa sila may assembly na nalalaman. Tch.
"Pake ko? Inaantok pa ko, mamaya na ko papasok. Labas." Rinig ko naman ang pag labas nila ng malalim na hininga, sign of defeat. Sunog ko nadin narinig ang paglabas nila ng kwarto ko, takot sila sakin pag antok ako.
Hay sleep, we'll meet again.
----
10am na ng maka dating ako sa school at third class ko na ng 10:30 kaya dun nalang ako papasok. Dumiretso ako ng Cafeteria dahil hindi naman ako iniwan nila Zoe nga pagkain, wow friends.Nabasa ko din naman ang text nila na mag kakasama kami sa 3rd and last class so hindi ko na sila itetext kung asan ako pareho lang naman kami ng sunod na klase.
Habang naglalakad ako sa Cafeteria may nakabunggo sakin na hinayupak---
"IKAW NANAMAN?!" Pati ba naman sa school makikita ko tong mukhang to? Badtrip.
"Ganun ka ba ka-adik sakin na hanggang sa school sinusundan mo ko, Ms. Dela Vega?" Mahangin na sabi nito at ngumisi pa.
"Excuse me, Mr. Alvarez, the last time I checked matagal na kong nagaaral dito at ikaw? Lumipat ka pa talaga para makita ako? Ang effort mo naman. Tch." Sabi ko at inirapan sya at tsaka na ko nag walk out, aga agang panira ng araw.
Alexander Axel Alvarez, if i were you hindi ko na kakalabanin ang isang Morizella Skye, because no one can mess up with me, no one can mess up with the queen.
------
Kung inabutan nyo po ang unang chapter obviously binago ko po ito. Kung new reader ka then you're lucky, hindi lame na version ng chapter 1 ang nabasa mo. Yun lang hehe. ILY!!
BINABASA MO ANG
Catastrophe (KathNiel)
Romanceca·tas·tro·phe /kəˈtastrəfē/ noun - an event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster Sya si Kathryn Kate, ang babaeng parang lalaki lang sa sobrang angas, but no hindi sya tomboy or anything. Let's just say na... Sya ay nasak...