Tut tut tut tut tut tut tut...
Sfx: Clack!
11:30 A.M
@_@
Mabuti na lang 1 pa ang pasok ko ngayon. Kundi panigurado absent ako. Bumangon naman na ako mula sa pagkakahiga at dumiretso ng kusina. Kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na ako kaya nagluto na lang ako ng hotdog. Habang kumakain naman ako, nakaramdam naman ako ng uhaw kaya binuksan ko yung ref. at nakita ko yung milk tea. Naalala ko nanaman yung taong hindi ko inaasahang makikita kagabi.
Axton Neil Salazar
Ang lalaking humanap lang pala ng butas para magkaroon siya ng dahilan na makipaghiwalay sa akin. Siya na ang pinakaduwag na kilala ko sa buong mundo. I mean, kung wala na pala siyang nararamdaman sa akin noon, sana sinabi niya na lang sa akin diba? Hindi yung hahanap pa siya ng mairarason. Sa lahat ng lalakeng kilala ko, siya na ang walang b*y*g. Bumalik naman yung ulirat ko nang makarinig ng katok sa apartment ko. Kinuha ko muna yung milk tea at inilapag sa mesa tsaka pumunta sa pintuan. Baka ito na yung sinasabi sa akin ni Tita Belinda na magiging roommate ko. May extra kasing kwarto sa apartment na ito. Bed spacer lang naman ako kaya ayun.
"Excuse me dito ba yung kwartong sinasabi ni Aling Belinda?"
O.O
-_-
O.O
"Hm... Z-zach? Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ako makapaniwala sa mga nasasaksihan ng mga mata ko. Si....
"J-jazziel? Ako nga dapat nagtatanong sayo niyan e. A-anong ginagawa mo dito?" Anong ginagawa niya dito? Hindi kaya baka nagkamali lang siya ng apartment?
"Oh magkakilala naman na pala kayo. Mabuti kung ganun. Eto nga pala yung sinasabi kong available na space sayo hijo." Singit ni Tita Belinda na biglang sumulpot. Tiningnan naman niya si Jazziel na katulad ko ding hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.
"Hijo? Uy! Hijo? Ayos lang ba sayo ito? Kilala ko naman itong batang ito eh. Mabait siya." Sabi ulit niya ng may pagkukumbinsi sa pananalita. Baliktad ata itong pinagsasabihan niya. Hindi ba dapat sa akin niya sinasabi yun dahil ako ang babae? Minsan talaga itong matanda na to haaaaaaaay!
"Ayos lang naman po sa akin. Pero mukha pong hindi okay sa kanya. Ayos lang po, hahanap na lang po ako ng ibang malilipatan." Sabi nito. Hindi naman sa hindi ayos sa akin e. Ayos nga lang e. Hindi lang talaga ako makaget over na sa dinami dami ng magiging roommate ko, yung ex crush ko pa na nabusted ako. Minsan ang sarap talagang gulpihin ni tadhana e. Samantala, akma na sana siyang tatalikod ng hawakan ko yung braso niya.
"T-teka lang saglit! Wa-wala naman akong sinabing hindi okay sakin. Ayos na ayos lang nga sa akin e." Wala sa sarili kong sabi. Sh*t! Did i just say na ayos na ayos?!
BINABASA MO ANG
Sweet Vanilla And Cold Ice Cream
Teen FictionHindi lahat ng gusto natin gusto tayo. Minsan kahit anong gawin nating effort para lang iparamdam sa kanila yung nararamdaman natin para sa kanila. Its just that they're so hard to approach. Will Iris Zach Sebrano reach out to Jazziel Mark Gabriel A...