Kasalukuyan kaming nandito ni Hannah sa classroom. Tapos na kasi ang recess. Hindi padin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Noong narinig ko yung boses ni Jazziel sa cafeteria, paglingon ko sa likod ko, wala naman siya doon. Baka kaboses niya lang siguro yun. Dulot na din siguro ito ng pag-iisip ko sa kanya.
"Okay class. Itigil muna ninyo ang inyong ginagawa. Let's welcome your new classmate-halika hijo pumasok ka at magpakilala." Ani nung teacher namin. Tulad naman ng sinabi niya, itinigil muna namin pansamantala yung ginagawa namin. Bumukas naman yung pinto.
"Jazziel Mark Gabriel Agustin. I just transferred here from Edo National High School." Nag bow pa siya pagkatapos niyang sabihin ang mga yun. Samantala ako-
OoO
He's here?!!! B-bakit??? E samantalang siya pa yung isa sa mga dahilan bakit ako nagtransfer!
"Sige hijo you can now take your seat." Tumango naman siya bilang tugon sa teacher namin. Lumingon lingon siya sa palibot ng classroom. Nagulat ako nang natigil yung paningin niya sa gawi ko. Naalala kong absent pala yung katabi ko. Baka dito siya umupo. Nagsimula naman na siyang maglakad sa gawi kung saan bakante ang katabi kong upuan. At habang siya ay papalapit ng papalapit.....
*tibok
*tibok
*tibok
*tibok
*tibok
H-ha??? Ba-bakit siya lumagpas sakin??? Sinundan ko naman ng tingin kung saan siya uupo. Nagulat ako nang nasa mismong likuran ko siya umupo. Kasabay ng pag-upo niya ang biglang pagtama ng mga mata namin. O//////O Kaagad ko namang iniwas yun at bumalik na sa gawain.
How long has it been? Ganun padin siya. :) The same old Jazzy na nakilala ko back then. Mahiyain padin siya hanggang ngayon. Tahimik. Pero bakit parang may bago? Parang may kaiba sa mga mata niya nung nagtama ang mga paningin namin. Nakapaloob sa mga ito ang lungkot.
Kung nagtataka kayo kung sino nga ba talaga si Jazziel sa buhay ni Iris. Eto na para maliwanagan kayo- bellafeelingera
Grade 9 pa lamang sila noon. Nag transfer itong si Jazziel sa school kung saan nandoon si Iris. Jolly person si Iris. Kahit na may pinagdadaanan itong mabigat, nagagawa niya padin tumawa at magbiro. Para sa kanya walang magagawa ang pag-iyak sa problema. Kaya noong nagbreak sila ni Axton, nakaya niya. Kahit nga minsan na nadadaan siya sa hallway at nakikita niya itong nakikipaglandian sa iba, wala lang sa kanya. At sa pag transfer ni Jazziel, nalingat ang atensyon niya sa ex niya. Habang tumatagal nang tumatagal, nahuhulog na yung loob niya dito. She admires him so much. Sa paggitara, pagbasketball, at ang galing nito sa math. Akala niya noong una, paghanga lang lahat nang yun. Hanggang sa tumagal, nahulog na siya ng tuluyan. Umabot pa nga sa puntong umamin siya dito. Pero pagkatapos nun hindi na niya hinintay sagot ni Jazziel. Alam naman niyang wala din siyang pag-asa dito. Loner type si Jazziel. Madami rin nagkakagusto dito dahil sa mahahalintulad mo na ito sa isang prinsipe. Hindi lang si Iris ang nag iisang babae na umamin dito. Madami naman itong kasama pero kahit isa wala siyang naituring na best friend. Hindi siya abot kamay ni Iris kaya napagdesisyonan niyang mag transfer na lang. Para bagong environment naman at less stress. Kung anu-ano pa ngang nirason niya para lang payagan siyang magtransfer. At eto siya ngayon. Yung inaakala niyang matatahimik na ng buhay niya pero hindi parin pala.
Nabalik naman sa ulirat si Iris nung naramdaman niyang may kumalbit sa balikat niya. Tinignan niya kung sino ito.
"H-ha? Ano hm.. Wal-wala na yung nangyari dati. Kalimutan mo na yun. Haha ^_^!" Tatalikod na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Vanilla And Cold Ice Cream
Fiksi RemajaHindi lahat ng gusto natin gusto tayo. Minsan kahit anong gawin nating effort para lang iparamdam sa kanila yung nararamdaman natin para sa kanila. Its just that they're so hard to approach. Will Iris Zach Sebrano reach out to Jazziel Mark Gabriel A...