"Puprotektahan kita kahit anong mangyari. Kahit anong mangyari..."
Ilang gabi ko ng napapanaginipan ang magkakatulad na pangyayari. Binabalik ang aking pagkabata kasabay ang isang misteryo ng isang pangako. Makatalinghaga. Makahulugan. Mahirap matandaan. Mga panaginip na nagbibigay ng palaisipan. Pagbibigyan ng solusyon o hahayaan na lamang ibulid sa karimlan. Parang isang problema sa calculus na kahit pinag- aralan ng ilang ulit ay hindi pa rin mabibigyan ng tamang sagot o kaya ang pag gawa ng mga unang talata sa isang nobela. Nakakasakit ng ulo. Nakakaasar.
Hindi ko maaninag ang mukha niya sa panaginip ko. Isa siyang mahinang babaeng kailangan ng tagapagtanggol mula sa kapahamakan. Nangangailangang ilayo sa tiyak na kapahamakan at sakit galing sa kapaligiran. Mahina. Mahinhin. Iyakin. Tanging ang mahaba at maganda niyang buho ang tanging nakakapagbigay ng pisikal na pagkakakilanlan sa kanya. At ang tanging nag- uugnay sa amin ng babaeng ito ay ang isang pangakong binitiwan ko.
"Tulala ka na naman, mongoloid ka talaga!"
"Epal ka talaga kahit kailan, Tim. Basag trip ka parati. HAHAHA"
"Tara, food trip. Nagyayaya si Isabella. Libre daw niya dahil ginawan mo siya ng paper ng libre."
"Sige, kayo na lang. Wala ako sa mood kumain."
"Ulupong, di pwedeng wala ka. Ikaw nga ang rason para manlibre. Tsaka, trip mo siya diba?Chance mo na 'to."
"Tsss..."
"Tara na amp."
Si Isabella, isang pangarap, isang kahibangan.
YOU ARE READING
Morpheus Complex
Teen FictionMorpheus, god of dreams. The sandman. Anong misteryo ang nakabalot sa mga panaginip ni Nate? Anong relasyon nito sa kanyang nakaraan? Paano ito makakaimpluwensya sa kanyang kasalukuyan? Ano ang naghihintay sa inaasam na pag- ibig niya kay Isabella...