Isa siyang school figure. Sikat. Maimpluwensya. Maganda. Mapera. Panaginip. Kahibangan. Si Isabella ang maituturing na celebrity at every man's dream ng university simula pa nung freshman kami. Lahat ng year levels ay may manliligaw, admirer at baka stalker nga meron siya. Hindi lang sa campus ang variety ng humahanga sa kanya, even outside and from other campuses and universities. May sariling fan page siya sa facebook na may libu- libong likes. Pati kababaihan hindi pahuhuli sa paghanga sa kanya. Fashion. Fame. Beauty. Wit. Fantasy. At hindi ako naiiba sa lahat ng tagahanga niya, simula pa ng freshman kami, hibang na ako. Patago at malayo. Gaya ng mga sinaunang taong pilit na inaabot ang buwan. Imposible at malabo.
"Ang tahimik mo pare... may sakit ka ba?", pagbabasag ng katihimikan ni Tim habang papunta sa tambayan ng block namin. Doon daw magpapadeliver ng pagkain si Isabella.
"May sakit ka ata eh. Ang tahimik mo ngayon. Hahaha?", dagdag pa niya sabay tapik sa balikat ko.
Umiling na lang ako bilang pagtugon sa katanungan niya. Hindi ko maintidihan ang aking nararamdaman, nagpapakadepress- depressan dahil sa misteryosong panaginip na 'yan. Simpleng bagay na masyadong pinagtuunan ng pansin. Baliw nga ako siguro. Nabubuhay nga ako sa pantasya ko kay Isabella at hindi na dapat pang dagdagan ng isa pa.
Napangiti ako kay Tim at pilit na ibalik ang dating sigla. Tinungo namin ang tambayan para punuan ang uhaw kong kahibangan.
YOU ARE READING
Morpheus Complex
Teen FictionMorpheus, god of dreams. The sandman. Anong misteryo ang nakabalot sa mga panaginip ni Nate? Anong relasyon nito sa kanyang nakaraan? Paano ito makakaimpluwensya sa kanyang kasalukuyan? Ano ang naghihintay sa inaasam na pag- ibig niya kay Isabella...