Napasulyap ang mga tumatambay sa pagdating namin ni Tim. Napadako ang tingin ko kay Isabella na may kausap sa kanyang cellphone. Tumama ang aming paningin. Nababatid kong natatangi ang kagandahan ng kanyang mata. Lalo akong nahumaling. Para itong hindi pangkaraniwang hiyas, maganda sa lahat at nakakahumaling. Wala na akong maisip na diskripsyon sa mga mata ni Isabella,naubos lahat ng salita sa bokabularyo ko. Hindi ko alam kung gaano katagal tumigil ang mundo ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nawala ang sense ng oras, ang pag- iisip ko, basta lahat- lahat. Nakakatakot. Nakakakaba. Nakakaalarma. Sa pagkatagal- tagal ng pagkagusto ko kay Isabella ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Tumitinding mga damdamin.
"Hoy! Matutunaw yan!", sigaw ni Dionne, bestfriend ni Isabella at president ng block namin sa college.
"Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee....!!!", sigawan lahat.
Basag ang trip. Out sa lalaland, back to reality.
Nakakahiya ang nangyari. Alam naman ng mga blockmates namin na may gusto ako kay Isabella dati pa pero ni minsan hindi ako nagpahalata ng aking nararamdaman. Ngayon lang at sa tingin ko magiging hindi na kumportable ang lahat sa akin. Namumula ako at gusto kong sumabog. Sa torpe kong 'to, tiyak na maglalaho na lang ako sa karimlan. Tuloy ang hiyawan ng grupo, panay tukso at pang- aasar. Maingay. Nakakaasar. Gusto kong kumawala, umalis na lang at maglaho.
"Tama na nga yan at baka pati si Nate matunaw na din gaya ko. Hehehe. Ayan na si Manong oh, dala ang food. "
Saved by the bell ni Isabella. Sa lahat, siya pa. At ano ang ibig niyang sabihin ng "matunaw na din gaya ko" ? Tama na muna ang pag- iisip, mas lalo lang nakakagutom, balik dapat sa dating sarili at eenjoy ang pagkaing libre. Dapat maging conjusive pa rin ang atmosphere sa aming lahat, walang tension at discomfort. Mga simpleng bagay na dapat nama'y hindi nagiging kumplikado. Napangiti ako at nauna na sa kumuha ng slice ng pizza. At nabatid nga nilang balik to reality na nga ako.
Sa dako ng aking mga mata, alam kong magkakaroon pa ng kasunod ang mga pangyayaring 'to.
YOU ARE READING
Morpheus Complex
Teen FictionMorpheus, god of dreams. The sandman. Anong misteryo ang nakabalot sa mga panaginip ni Nate? Anong relasyon nito sa kanyang nakaraan? Paano ito makakaimpluwensya sa kanyang kasalukuyan? Ano ang naghihintay sa inaasam na pag- ibig niya kay Isabella...