1

11 0 0
                                    

Shannon POV

"Bye ma!" Sigaw ko bago lumabas ng bahay. First day of school ngayon, Grade 11 na ako at Accountancy ang kinuha kong track. Yun kasi ang sabi sakin ni mommy, since hindi ko pa rin naman alam kung anong gusto ko ay sinunod ko nalang kung anong gusto nya.

Pagpasok ko ng ENHS (EN Highschool) ay hinanap ko muna yung bestfriend ko. Si Ann at Gael naging kaklase ko sila noong Grade 10. Karamihan sa kaibigan ko lumipat ng school kaya sila lang ang kasama ko ngayon.

Si Ann at Gael ICT ang kinuha. Naging magkaklase sila samantalang ako naging kaklase ko pala yung ibang pinsan ko.

Pinapila sa kanya kanyang section yung mga estudyante. Nung nakita ko yung pila nila Ann may pamilyar akong namukhaan. Si Jom, naging ex ko nung Grade 7 palang ako, landi ko diba? Haha mas matanda sya ng 1 yr saamin. Hindi siguro sya nakapagcollege kaya mas ginusto nalang na mag-Grade 11.

Pagtingin ko sa gawi ni Gael nakita ko naman si Marvin, my current and last ex. Naging kami noong Grade 9 ako. Oo landi landi ko wag nyo na sabihin! Haha Pinagdadaanan naman ng lahat ng kabataan yan ngayon its just up to you kung paano mo ihahandle. Pero para saakin nakamove on na ko. Matagal na yun, nasanay na akong walang boyfriend. Malalaman mong nagmature kana kapag ang mas mahalaga na sayo ay ang pagaaral kesa sa lovelife haha Sanay na rin akong  walang katext, at walang nagkecare. Ngayon, para sakin hindi mahalaga ang lovelife kayang kaya ko mabuhay ng wala non.

As usual pagpasok namin sa room isa isa kaming nagpakilala. Paulit ulit lang naman. Hanggang sa matapos yung buong araw na puro ganon lang, actually buong 1 week. Medyo nakakatamad pero siguro mas okay narin yun para makapagadjust mga students sa mga bagong classmates lalo na at maraming bumalik ng pagaaral ngayon dahil sa voucher na makukuha sa K-12.

Nakatabi ko sa upuan si Marj. Kaklase ko rin sya noon kaya sya na talaga pinakaclose ko sa lahat ng kaklase ko ngayon. Buti nalang rin at hindi na uso yung alphabetical at hindi na namin kaylangan pang lumipat ng pwesto. Medyo okay naman ako sa mga classmate ko, sobrang saya dahil 13 lang yung boys namin at kalahati nila ay bakla. Hahaha palaging okrayan sa loob ng classroom.

(Months passed)

Papunta ako ngayon sa kabilang building. Yung senior high kasi ng ENHS may two buildings. Aayain kong magbreaktime si Gael at Ann, kasama ko rin si Marj ngayon. Oo may sarisarili na kaming group of friends pero hindi parin namin nakakalimutan yung isat isa. Hindi naman maiiwasan yon lalo na at hindi na kami magkakaklase ngayon.

Kung kaylan nasa pintuan na ako ng room nila saka ko lang naalala na classmate nga pala nila yung dalawa sa ex ko. My gash di ko alam kung magbaback out ako o hindi. But in the end bakit nga ba ako aatras eh nakamove on naman na ko? Pagtapat ko ng pinto nila sobrang ingay. Halos lalaki pala sakanila kung may babae man maingay rin.

Nung natanaw ko si Ann tinaas ko yung kamay ko para senyasan sya na lapitan ako.

"Tara sabay na tayo magbreak?" Medyo hinila ko sya sa gilid ng pinto para hindi kami masyadong kita ng mga nasa loob ng room nila.

"O sige wala pa rin naman akong kasama"-Ann

"Eh si Gael ba di sasama?" Tanong ko, saglit sumilip sa loob ng magulong room nila si Ann at saka sinabi saking,

"Wala sa loob eh, baka nagmiryenda na kasama nila Paul"-Ann

"Yaan mo na tara"

Habang naglalakad kami papuntang canteen ay nagtatanungan kami ng mga lessons na itinuturo saamin. Halos magkapareho lang naman kahit magkaiba kami ng track mayroon lang kaming mga teachers na hindi nila naging teacher.

Promise (Short Story)Where stories live. Discover now