"ANAK GISING NA! 7:30 NA MALELATE KA!"Naalimupangatan ako sa lakas ng boses ni mommy. Ni hindi ko na kaylangan ng alarm clock -,- mas effective kapag boses nya.
"Sige po eto naaa"
Lumabas na ako ng kwarto para kumain. Fried rice, sunny side up egg at hotdog ang nakahain. Lahat ng iyon favorite kong kainin kahit hindi breakfast. Pagkatapos kong magbihis ay naglakad na ako papasok ng school.
Pagpasok ko sa loob ng classroom ay marami ng tao, medyo maaga parin ako nito dahil kadalasan naman late ako naaabutan kong nagsisimula ng magturo yung teacher namin sa tuwing dumarating ako.
Pagkatapos ng isang subject ay nagbreaktime na. Dahil wala naman akong balak lumabas para bumili sa canteen ay nag-online nalang muna ako. Binuksan ko yung facebook ko at chineck yung mga notifications at chat. Nakita kong may chat ako mula kay Gael mukhang kani-kanina lang ito.
Gael Magtayog: "Shan pahingi akong number mo? :)"
Nagtaka ako sa chat nya dahil bakit niya hihingin number ko eh binigay ko na yun noon? Magtatype na dapat ako ng reply ng magchat ulit sya.
Gael Magtayog: "Kiel to :)"
WHUT? Okay? Bakit naman hihingin ni Kiel ang number ko???
Shannon Sarmiento: "Tigilan mo nga ako Gael pinagtitripan mo nanaman ako. Tss"
Madalas akong pagtripan ni Gael sa ganito kaya di rin ako agad agad naniniwala. Alam nya rin na mabilis akong mainis lalo na kapag nandadamay pa ng iba.
Gael Magtayog: "Seryoso Shan"
Pagkabasa ko ng chat ay hindi ko na nireplyan. Gets na ni Gael yun. Di ako naniniwala. Isa pa, bakit naman hihingin ng Kiel na yun ang number ko? Di naman kami close.
"Oh ano ba yan? Bakit nakakunot noo mo? Haha" Tanong sakin ni Marj
"Wala, si Gael nagchat hinihingi daw ni Kiel yung number ko. Sus as if naman totoo. Pinagtitripan nanaman ako non"
"Nako hayaan mo na, alam mo naman si Gael ganun talaga yun."
"Kaya nga, tara bili nalang tayo sa labas"
Pagtingin ko sa oras 10min nalang tapos na ang breaktime.
"Magtatime na pala. Wag na lang"
Second floor yung room namin tapos malayo pa yung canteen, lakad palang di pa kami nakakabalik ng room time na.
"Oo nga, malelate tayo. Next time nalang"
Nasa gawing likuran yung upuan namin ni Marj kaya kapag may tao makikita agad. Dalawa yung pintuan ng room. Isa sa unahan tapos isa sa likuran na malapit lang samin. Pagtingin ko sa likod nakita ko si Gael nasa tapat ng pintuan namin na parang nagaabang na mapatingin ako don.
YOU ARE READING
Promise (Short Story)
ContoProlouge Paano kung takot kang masaktan? Paano kung takot ka ng magmahal? Ngunit may isang taong dumating kung kaylan hindi mo inaasahan? Nangako syang hindi ka iiwan at sasaktan. Nangako syang hindi katulad ng ibang mga lalaking nakilala mo. Nanga...