Ang istorya ni Nik Ty.

16 0 0
                                    

Zon Calaluan Isidro is now in a relationship with David Gomez Ty.

Pagbukas ko ng facebook, ito agad ang nakita ko sa news feed. Napahigpit ang hawak ko sa mouse. Ilang minuto kong tiningnan ang relationship status na yon bago ako umalis sa harap ng computer.

Sila na?

Pffft. Di ba obvious Nik? Pinaglandakan na nga diba? Tsss.

Akala ko talaga mali lang yung hinala ko. Akala ko may pag-asa pa ako. Mukhang nagkaron na ng lakas ang David na yon. Tsss. I hate the fact that he's my cousin.

I like her. So much. And it hurts. So bad.

"Pare sila na pala. Nako nahuli ka na. Naunahan ka na ng pinsan mo. Iniwan ka na ng asawa mo haha."

Uminit agad ang ulo ko at hindi ko na napigilan at sinuntok ko sya. Hindi nya na kailangang ipaalala sa akin.

"Anong problema mo ha?" Kinuwelyuhan nya ko at agad kong inalis yon at tinulak sya.

Inawat kami ng barkada ko. Pakshet nasuntok ako ng isa!

Late na kong pumasok sa room. Nakita ko sya. Iba ang aura nya ngayon. Halatang masaya sya at kuntento. Nag-iwas agad ako ng tingin.

Nang magbreak time na, pinagmasdan ko si Corazon. Akala ko katulad ng dati pero mali pala ako. Akala same scenario pero pakshet talaga.

Lumapit si David sa kanya at kinuha ang bag nya. Sabay silang lumabas ng room kasama yung madaldal nyang bestfriend. Holding hands pa kainis!

Fuck. Sila na nga talaga.

Ilang linggo akong parang tanga. Hindi ako makakain ng maayos at hindi din ako sumasama sa mga barkada ko. Siguro pagmomove on ang ginagawa ko. Ganito pala yon. Pucha naman.

May nagrereport pala sa unahan. Ah Science na pala ngayon. Hindi ko namalayan. Sino ba to? Ah yung madaldal. Yung bestfriend ni Corazon. Si Cypel. Hindi Cybel ata. Oo yun nga ata.

"So any questions?" Tsss. Magreport ka na lang. Add more info at wag ka ng magtanong.

"Yes, Nik Ty?" Huh?

"Hindi ako tumaas ng kamay." Nalilitong sabi ko.

"Oo nga pero halatang wala kang naintindihan sa nireport ko."

"Oh? Anong pakialam mo? Problema ko na yon."

"May quiz ako mamaya. Eh wala kang naintindihan. Pano ka magsasagot. Kaya ask me now." Urgh. Sobrang daldal pala talaga nito. Buti na lang hindi nahahawa si Corazon sa kanya.

"Again. It's my problem to handle." Sagot ko.

"But Nik--"

"Don't focus on me. Hindi lang ako ang kaklase mo. Marami iba dyan na gustong magtanong." I know I've been harsh  with my words but I really don't give a damn.

I saw her eyes watered. Tsss. Madaldal na iyakin.

Dismissal na. Tsss. Inaya ako ng mga barkada ko na magbasketball pero tumanggi ako. Hindi pa ko tapos magmove on.

"Ano ba kasi yon?" Napatigil ako sa paglalakad. That soft voice. Napangiti ako. Si Corazon yon. Nagtago ako sa gilid.

"Eh kasi si Nik pinahiya ako kanina. Nakakainis sya!" Si Daldal. Tsss. Sinisiraan ako kay Corazon. Humanda ka sa kin. Wala kasi si Corazon kanina dahil may inutos si Mam sa kanya.

Ang Istorya Ni Nik Ty (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon