| Chapter four |
OUR GUARDIANNang nakarating kami sa mall ni Harley ay kwinento ko lahat ng nangyari. Kay Mackenzie man o kay baby Brayson, syempre summarized. Sa una ay hindi siya naniwala, sabi niya hindi daw umiiyak ang nag-iisang Mackenzie Tan at wala daw itong puso. Sa part naman ni Brayson baby ay binalaan niya ako. Ewan ko ba sa nanay kong ito. Balaan ba naman ako sa fallen angel ko, baby ko kaya yun si Brayson. Hmp!
Nagpasama ako sa kanya kasi may bibilhin akong regalo para kay kuya bantot. Next week na ang birthday niya. Ibibili ko siya ng t-shirt, may nakasulat na 'Greetings Human, Im a lunatic. Nice to meet you'
Which suits him perfectly for he is my kuya luns. Mura lang ang shirt, kinuha ko ang pambili sa ipon ko. Sigurado akong magrereklamo si kuya pag bumili ako ng mamahaling regalo.
Nagbayad ako sa cashier at lumabas na kami ni Harley ng boutique. Maaga pa naman, pagkalabas kasi namin sa school ay dumiretso na kami dito. Yung bakl- I mean tunay na lalaki kong besty ay hindi ko alam kung nasaan. Actually, hindi NAMIN alam kung nasaan man galaxy siya pumunta or nagkita ba sila ni Darla sa planet uknown.
Ako naman ay may hangover pa rin sa mga matatamis na ngiti ng fallen angel ko.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya mawala sa isip ko.
(yuck. Medyo corny)
"Huy! Nakikinig ka ba?" she waved at me. Biglang nagsnap back ako sa realidad, kasi kanina pa nga ako nananaginip ng gising.
"Ha? Ano nga yun ulit?" kumamot ako sa ulo. Naglalakad lang kami ngayon ni Harley, not knowing where to go or what to do. I mean we're just chilling
"Ang sabi ko nasan na kaya si Jonathan"
She crossed her arms.
I shrugged "Aba. Malay ko dun sa timawang yun, baka nagda-date sila ni Darla sa planet of the apes. Total muka naman silang unggoy" I laughed
The thing is wala naman talaga akong ekek kay Jonathan. Hindi siya bata na kailangan mong bantayan, he's a grown up na naman. He can handel himself right?
And for pete's sake, isa siyang tunay lalaki.
She smirked "Okay, eh kung meron nga siyang dinidate na girlalu. Tapos maging sila, anong mararamdaman mo?"
Kumunot ang noo ko sa question ni Harley. I definetly didn't see that coming. Is she trying to tell me na may...
I just laugh "what do you mean, anong mararamdaman ko? Syempre magiging masaya ako para sa besty ko"
She nodded while smiling widely. Ang creepy nga ng smile ni nay Harley eh, what is she thinking? At bakit naman kaya niya tinanong yun? She obviously knew the answer.
"Bakit mo nga pala natanong?" I said with a curious tone. Tumigil siya sa paglalakad at syempre tumigil din ako.
"Do you think he's cute?" tanong niya habang nakangiti sa 'kin. It's realy weird.
I gave her a sarcastic laugh "Huwaw. Tanong ko, sagot ko. Tinanong ko na, sinagot ko pa, nagmuka tuloy shunga"
Ginaya ko ang tono ng 'Sila by SUD'
BINABASA MO ANG
If we go down
Teen FictionSimpleng tao lang si Chesca, may simpleng buhay at ang gusto lang niya ay matapos ang huling year sa highschool. Pero paano kung isang araw pagising niya ay ang 'kasimplehan' ng buhay niya ay biglang mawala, dahil sa isang kasalanan na hindi naman t...