May 9,2017 8:02 PM
Kamusta ka? Anong ginagawa mo ngayon? Kumain ka na ba? Siguro akala mo tumigil na ako noh? Pero gaya nang sabi ko sayo hindi ako titigil dhil ito lang ata kse nagpapasaya sakin hahahaha ang mais ko.
Alam mo ReaNadz hindi ko talaga alam kung bakit naisipan ko na gumawa nito sa totoo lang
Kase alam mo yun? Parang nung isang linggo lang ata? Nagbabasa lang ako nang stories mo sa Wattpad tapos ngayon ginagawa ko na toh. Nung isang linggo lang nagsimula akong magkaroon nang kakaibang feelings sayo. Tapos nung kailan lang ginawa ko to.
Tapos ito ako ngayon sumusulat nanaman sayo.
Na isip ko na..
Bakit ko pa nga ba ginagawa toh kung wala rin namang patutunguhan? Imposible namang magustuhan mo ako diba? Naisip ko na bakit ko pa nga bang tinutuloy na magsulat pa dito kahit na hindi mo na nga ako pinapansin? Na kahit alam kong galit ka na? Naisip ko na nga na tumigil na pero bakit ganun? Hindi ko matigilan eh. Ayaw ko.. Ayaw kong tumigil eh.
Para na ba akong tanga? Hahahaha siguro oo dahil hindi mo na nga ako pinapansin which means na hindi ka interesado at hindi naman talaga, pero bakit ginagawa ko parin ito?
Hindi ko din alam eh.
Pero itutuloy ko nalang siguro to hanggang sa mapagdesisyonan ko na na tumigil? Itutuloy ko nalang to sa abot nang makakaya ko
Andrea kung nababasa mo ito. Huwag ka mag-alala ha? Titigil na rin ako kapag napag-desisyunan ko na nang buong-buo ha?
Andrea Nadine Pagatpatan, mahal kita.
BINABASA MO ANG
Message for Her
RandomHello Author AndreaNadz01, I know it sounds crazy but.. I think I fall for you. :)