Twinkle Twinkle Shooting Star

11 0 0
                                    

"Haay. Bakasyon na naman at paniguradong boring na naman ang buhay ko. Kailan kaya 'to magiging kagaya ng mga napapanood o nababasa ko?" nasabi ko na lamang dahil sa sobrang pagkabagot. Tsk. Ang boring ng buhay ko, walang kaexci-excitement. Kailan kaya magkakathrill ito?

"Hahaha...malabong mangyari ang hinihiling mo Maja. Hinding hindi matutulad ang buhay mo sa mga napapanood o nababasa mo. This is reality Maj, not fantasy," napatingin ako kay Macy sa aking kanan. Prente itong nakaupo sa kanyang upuan at nakatingin sa kanyang phone. Malamang nagbabasa na naman ito ng stories sa wattpad o kaya nanonood ng anime o KDrama.

Ganito naman madalas ang ginagawa namin tuwing break o kaya walang teacher.

Napairap naman ako sa sinabi nya. "Tsk. 'To naman panira ng moment eh. Di ba pwedeng managinip ng gising?" busangot kong sabi sa kanya. Palibhasa ang saya saya ng buhay nito dahil mayaman at nagagawa ang lahat ng gustong gawin.

"Alam ko'ng iniisip mo!" bigla itong humarap sa akin at nakaturo pa ang kanyang hintuturo sa akin.

"Ano?" hamon ko rito sabay ngisi.

"Na nasasabi ko lang ito dahil maganda ang buhay ko. Dahil mayaman ako at nagagawa ko ang lahat ng gusto ko. Tama?" nakangiti ito ng malawak na para bang siguradong sigurado sya sa isinagot nya sa akin.

Napakunot ako ng noo. Teka. Mind reader ba 'tong isang 'to at kuhang kuha ang iniisip ko? O baka naman obvious sa hitsura ko?

"Paano mo naman nalaman? At saka yup. Palibhasa mayaman ka at nagagawa mo ang gusto mo," kunot ang noo ko pa ring tanong sa kanya.

Umiling ito na para bang may sinabi akong malaking katangahan.

"Para sa unang tanong mo. Halata naman kasi sa hilatsa ng mukha mo. At sa ikalawa. Hindi mo alam ang sinasabi mo Maj," nang banggitin nya ang huling sentence ay seryosong seryoso ang mukha nito na nakatitig pa sa akin ang mga mata.

"Ano namang ibig mong sabihin sa hindi ko alam ang sinasabi ko?" curious kong tanong sa kanya dahil para bang may malalim syang pakahulugan sa sinabi nya.

"Alam mo Maj, kung ako sa iyo. Enjoyin mo na lang 'yang buhay mo. Simple man 'yan pero sigurado namang hindi 'yan boring. Masyado ka lang naaattach sa  fantsay dahil sa mga nababasa't napapanood mo to the point na hindi mo na makita ang linya," makahulugang saad nito sa akin.

"Ano namang linya 'yang sinasabi mo?" tss. May palinya linya pa syang nalalaman. Ano namang kinalaman nun sa pinag-uusapan namin?

"The line that separates reality from fantasy. Manipis lang ang linyang iyon kaya naman may mga tao na hindi na malaman ang pagkakaiba ng dalawang mundo. Kagaya mo. You are so fed up with the things you have read and watched that you even wished to have the same realm. Tsk. Trust me. Been there done that," kumindat pa ang loka sa akin.

"Alam mo namang hindi ako naniniwala basta basta. Lalo na sa isang kagaya mo," mataray kong sambit sa kanya.

"Bahala ka. Buti pa ako. Lesson learned. Hindi na ako kasing hibang mo," tumawa ito na para bang baliw kaya napatingin sa amin ang iba naming classmates na may kanya kanyang ginagawa kanina. Ngayon, sino mas mukhang baliw sa amin?

"Tss. Ewan ko sa'yo," 'yon na lamang ang nasabi ko sa kanya dahil sa sobrang inis. Tsk. Palibhasa hindi nya nararamdaman ang nararamdaman ko dahil hindi naman sya ako.

Marahil napansin nya ang attention na ipinupukol sa kanya ng mga kaklase namin kaya naman tumigil na ito sa pagtawa at tumikhim bago bumalik muli sa pagbabasa sa phone nya.

Para naman mabawasan ang pagkainip ay kinuha ko na rin ang phone at earphones ko. Isasalpak ko na sana ito nang biglang may sumigaw sa unahan na nakapukaw ng atensyon ng lahat.

GaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon