Outro

6 0 0
                                    

"Life is the only game where no one can really cheat"

-dnimretsameht

Third Person

Isinakay nila si Maja sa police mobil na maghahatid sa lilipatan nitong kulungan. Isang linggo matapos ang nangyari. Mabagal ang pag-usad ng kanyang kaso kaya naman pansamantala siyang ililipat ng kulungan at ngayon nga ang araw na iyon.

Tahimik lang si Maja habang nakaupo sa pagitan ng dalawang pulis. Nakaposas ang kanyang dalawang kamay sa kanyang harapan. Diretso lang ang tingin ng dalaga sa daan. Malaki ang ipinagbago nito matapos ang lahat ng kahindik hindik na nangyari sa kanya. Matamlay ito at hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon ang kanyang mukha. Malalalim ang dark circles sa ilalim ng kanyang mga mata senyales na hindi ito nakakatulog ng maayos.

Tahimik ang daan patungo sa paglilipatang kulungan. Napapagitnaan ang sinasakyan niyang sasakyan at naglalaman naman ng mga pulis ang nasa huli at nasa unahang police mobil.

Malamang sa isang provincial jail nila ako balak na ilipat.

Sabi ng dalaga sa kanyang isipan nang mapansing may mga gubat na silang nadadaanan. Makipot ang sementadong daan at may dalawa lamang lane.

Maya maya'y biglang huminto ang sasakyang nasa kanilang harapan. Dahil dito'y napahinto rin ang kanilang sinasakyan.

Makaraa'y nakarinig sila ng mga putok ng baril kaya agad na lumabas ang dalawang pulis na nasa kanyang gilid maging ang driver.

"Dito ka lang," saad ng babaeng pulis sa kanya bago nito isara ang pinto ng sasakyan. Nakita niyang nagtungo ang pulis sa unahan kung nasaan inambush ang unahang police mobil.

Nakarinig siya ng mga putok ng baril mula sa kanyang likuran kaya naman doon natuon ang kanyang atensyon. Nakita niya na pati sa likuran ay inaatake sila ng kung sinuman.

"Aaaaaaaaaaahhhhhh!" Sigaw ni Maja nang bigla na lamang umuga ang lupa at may malakas na pagsabog sa kanyang harapan.

Dahil dito'y bumangga ang sinasakyan niya sa unahang police mobil. Malakas ang naging impact kaya naman nauntog siya sa upuan sa kanyang unahan. Mabuti na lamang at naiharang niya kaagad ang mga nakaposas niyang kamay upang maprotektahan ang kanyang ulo. Ngunit nakaramdam pa rin siya ng kaunting pagkahilo dahil sa nangyari. Inilibot niya ang kanyang paningin at napansing bumukas ng bahagya ang pinto ng sasakyan.

Kahit naguguluhan sa mga nangyayari ay pinilit niyang umayos ng upo at nagawa niya naman ito. Pinagkasiya niya ang maliit na katawan sa bukas na pinto. "Owwww..." nasabi niya na lamang nang mahagip ng nakausling bakal sa pinto ang kanyang kanang braso. Nagkaroon ng maliit na gasgas rito. Nang tuluyan na siyang makalabas ay ginamit niya ang nakausling bakal upang putulin ang posas.

Napayuko si Maja nang makarinig na naman ng mga putok ng baril. Sinamantala niya ang kaguluhan upang makatakas. Dali dali siyang tumakbo sa loob ng masukal na gubat at naghanap ng matataguan. Nakakita siya ng malaking puno at doon nagtago. Malayo man ito sa kalsada ay nakikita niya pa rin ang mga nangyayari.

Akala niya pagkatapos ng lahat ng naranasan niya ay magiging matapang na siya. But she's wrong. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang katawan nang makitang patay na ang mga pulis na kanina lang ay nagbabantay sa kanya. Walang kahirap hirap silang inubos ng grupo ni Blizz.

She felt a shiver ran down her spine when she remembered how she foolishly chased and tried to attack Blizz. Because of that, kuya Roger and Denmar died. She doesn't really know what made her do that stupid move. That guy is undeniably strong.

GaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon