"lutang ka na naman Ms. Montefalcon" yan agad ang binugad na sermon saakin ni Mrs. Tumang. grabe pagpasok na pagpasok nya palang ako na agad ang napansin nya. kota na sakin tong teacher na to ah. Inisnoban ko sya. masyado na bang bitchy? nasanay naman na siguro sya na sa twing pinapansin nya ako, dedma lang ako.
"good morning class" bati nya saaming lahat. We all greeted her back. Nagpray muna kami bago magstart yung klase. aba syempre kabanal kaya naming lahat hahaha de joke lang sadyang plastic lang mga tao dito sa school.
"psst jan" lumingon ako sa likod ko. It's Celine, isa sa mga kaibigan ko.
"ow?" sagot ko pabalik.
"gala tayo mamaya" aya nya saakin.
"sinong kasama?" i asked.
"boyfriend ko at si Elisse syempre" sagot nya.
"bolang ka ne, ithithird wheel mo pa kami ni Elisse, no thanks" i said.
"gurl para namang wala kang boyfriend ah?" she asked.
"busy si Kurt ngayon e" i told her. yup! i have a boyfriend. His name is Kurt Elijah Zablan. He doesn't go to this school pero sikat naman sya kahit papano dito sa school ko. He's a basketball & taekwando player at halos dito sa school namin ginaganap ang mga sport events kaya naman nakilala na sya dito. Siya kasi ang palaging champion sa taekwando at wala pang nakakatalo sakanya sa place na yun.
"ikaw naman kasi, magboboyfriend ka na nga lang yun pang busy palagi sa training" she said.
"pake mo ba? ikaw na ba si Kyjan ngayon?" i asked her. ay kabitchy ko na talaga hahaha normal lang naman sakin to. People sometimes define me as a mean and heartless person. I don't mind them naman kasi totoo naman talaga minsan haha pero mabait naman talaga ako.
"sungit naman nitong babaeng to, red days much atchi?" she asked.
"nahh i just miss my boo" i said. Di ko na maidedeny pa, miss ko na talagang tunay si Kurt. Halos 1 week na din kasi kaming di nagkikita dahil halos gabi na sya kung matapos sa training nya. Pero nakakatampo pa din sya, di na sya tulad ng dati na sa twing late sya umuuwi, dinadaanan nya pa din ako sa bahay to check me out. Iniintindi ko nalang, siguro pagod lang sya sa training ganun pero naguusap pa din naman kami sa phone tuwing gabi and di ko naman nararamdaman na may problema kami.
"Ms. Montefalcon! pay attention please" Seriously? ako na naman ang napansin nya?
- wala na akong ibang nagawa pa kundi ang sundin sya. Ayaw ko na din kasi munang isipin masyado si Kurt. baka magoverthink na naman ako at kung ano ano na naman ang maisip ko. Habang ako'y interesadong interesado sa topic namin ngayon sa History, bigla namang may umepal na estudyante at sinabing pinapatawag daw si Mrs. Tumang ng principal. She excused herself from us at naging wild na naman ang classroom.
"Jaaaannnn!" tawag sakin ni Chandler. Liningunan ko sya.
"ow?" respond ko.
"pengeng pagkain?" pagpopout ni Chandler saakin. Kupal to e, kala mo close kami hahaha pero medyo close naman kami haha nakakausap ko e.
"kapal nito, muka ba akong canteen?" i asked.
"muka kang pagkain hahaha ang sarap mo e" he said and winked.
"bastos" sabi ko sabay hampas sakanya. I know naman na joke joke nya lang yun kaya hindi ko naman masyadong sineryoso. Tumakbo sya at patuloy lang nya akong inaasar hanggang sa nahuli ko na sya at tawa pa din sya ng tawa.