FLINT PSALM'S POVTahimik ang buong paligid. Walang kahit na anong ingay na maririnig. Tanging huni ng mga ibon na masayang nagliliparan sa himpapawid. Langhap ko ang sariwang hangin na humahaplos sa aking balat.
Kay sarap sa pakiramdam ng ganito. Andito ako sa lugar kung saan payapa at walang hikbing nagmumula sa bibig ng aking ina.Andito ako sa isang lugar na ako lamang ang nakakaalam. Isa itong tagong parte sa loob ng aming eskwelahan. Dito ako lagi sa lugar na ito upang mag-isip at takasan ang masalimuot na reyalidad. Gabi-gabi ay naririnig ko ang paghikbi ng aking ina sa tuwing uuwi ito galing sa trabaho. Hindi parin kasi umuuwi ang aking ama. Nadestino ito sa Cebu. Sa tuwing nandito ako sa lugar na ito ay nakakalimutan ko ang problema sa bahay.
Maaga pa kaya't mahaba pa ang oras na ilalagi ko dito. Maingat kong pinagmasdan ang mga bulaklak at halaman sa paligid. Andito ako sa ilalim ng malaking puno at mag-isang nakaupo habang nagbabasa ng libro na may kinalaman sa tatalakayin ng aming guro mamaya sa klase. Nakasanayan ko na ito para handa ako sakali mang magtanong ang aming guro.
Unti-unti ng tumataas ang sikat ng araw. Senyales na malapit na ang flag ceremony. At hindi nga ako nagkamali dahil ilang sandali lang ay tumunog na ang bell. Inayos ko ang mga gamit ko at pinagpag ang uniporme ko. Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon at pumila na.
Pagkatapos ng flag ceremony ay nagpunta na ang mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan, kabilang na ako.
Maingay, tawanan, biruan at sigawan. Iyan ang nadatnan ko pagpasok ko sa aming classroom. Hindi na ako nagulat dahil araw-araw ay ganito ang nadadatnan ko sa umaga. Pabagsak akong umupo sa aking upuan at nagpasak ng earphones sa tainga. Mas gusto ko ang ingay ng musika kaysa sa ingay ng aking mga kaklase.
Ilang sandali pa ay dumating na ang aming guro na may dalang makapal na libro. Sa dating palang nito ay istrikta na. Idagdag pa ang makapal nitong salamin at lipstick na ubod ng pula.
"Good Morning, Class!" bati nito habang nakataas ang isang kilay sa amin.
"Good Morning, Ms. Sevilla" pabalik naming bati habang ang iba ay bumubulong-bulong pa.
Si Ms. Sevilla ang pinaka-istriktong guro dito. Terror kung tawagin. Palibhasa ay matandang dalga. At ang pinaka ayaw niya sa lahat ay late.
"Good Morning Ma'am! Sorry I'm late!" biglang pumasok ang isang lalaking humahangos at tila galing sa isang karera.
"You know my policy, Mister." anito sa matigas na tono.
"Yes, Maam. I'm sorry." sabi ng lalaki at napayuko habang nagkakamot ito ng batok. Paniguradong guidance office ang deretso mamaya.
Kalahating oras na nagdiscuss si Ms. Sevilla at gaya ng inaasahan ko ay nagpa-quiz siya pagkatapos. Mabuti na lamang ay nakagawian ko ang magbasa. Samut-saring reklamo naman ang maririnig mula sa aking mga kaklase.
"Ano ba yan, quiz agad."
"Ma'am bukas nalang."
"Ang hirap naman."
"Haayy.."
"LAST TEN MINUTES!" sabi ni ma'am kaya't nagmadali ang mga ito sa pagsagot.
Mabilis na lumipas ang oras at lunch break na. Naglakad ako papunta sa canteen at umorder kay Ate Joy. Absent ngayon ang kaibigan kong si Reiyah kaya wala akong kasabay kumain.
"Oh ano sayo, Psalm?" magiliw na tanong sakin ni ate joy.
"Gaya ng dati, ate joy." pagkasabi ko ay agad niya itong iniabot sa akin ng may ngiti sa labi. Agad ko naman siyang sinuklian ng tipid na ngiti.
BINABASA MO ANG
That Should Be Me
Teen FictionEven if you don't like me, I promise you're the only one I like. Even if you don't want to see me, I promise you're the only one I want to see everyday. Even if you hate me for chasing you, I promise I will never stop. Even if you don't love me, I p...