CHAPTER 2

2 0 0
                                    


FLINT PSALM'S POV


Mabilis na lumipas ang isang linggo. Isang linggo na rin akong gabing umuuwi dahil sa band rehearsal. Tutugtog kami sa darating na biyernes dahil may gaganaping program.   At ako pa ang emcee dahil ako ang president ng student council. Sumabay pa ang sunod-sunod na quiz ngayon.

Napahinto ako sa paglakad ng maramdaman kong pumitik ang aking sentido. Hindi nagtagal ay nawala rin naman ito kaya't nagpatuloy na ako sa paglakad papasok sa aming classroom.

"Psalm!" masiglang bati ni Reiyah sa akin. Pumasok na ito noong isang araw. Nagkasakit pala ito kaya absent noong isang linggo.

"Oh? Reiyah." pabalik na bati ko naman sa kanya.

"Buti ka pa perfect sa quiz kahapon. Ako wala pa sa kalahati." malungkot na sabi nito sa akin.

"Hindi ka lang kasi nagbasa eh." tugon ko sa kanya. Umupo na ako sa sarili kong upuan at nagpasak ng earphones sa tainga dahil paniguradong hindi ito titigil kakadada.

Paulit-ulit kong pinakinggan ang piyesang kakantahin ko sa biyernes. Hindi naman gaanong mahirap dahil medyo kabisado ko naman na ang kantang ito. Dumukdok muna ako sa armchair ko dahil wala pa naman ang aming guro. Ngunit maya-maya ay may kumalabit sa braso ko.

"Ano nanaman ba iyon, Reiyah?!" nakasimangot na tanong ko dito.

"Eh, kasi naman. Ngayon daw papasok yung gwapong transferee!" kinikilig na sabi nito.

"Oh? Anong gagawin ko?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Eto naman ang sungit sungit mo!" sigaw niya sa akin. At namataan ko naman ang papasok na naming guro.

"Shhh. Wag ka ng maingay. Andyan na si Maam." bawal ko sa kaniya.

"Good Morning, Class! I have a very important announcement today!" magiliw nitong bati sa amin. Tila good mood siya ngayon.

"Good Morning, Ma'am." bati namin pabalik sa kanya.

"Today, I will introduce to you our new student. He studied in California, USA." masiglang anunsyo nito sa lahat.

"Mr. Hale, come here in front and introduce yourself to your new classmates."  magiliw na pagtawag ng aming guro sa lalaking nakatalikod sa gawi namin.

Bumaling ito paharap at naglakad papunta sa tabi ng aming guro. Nag-angat ako ng tingin at doon ay napatunayan kong tama nga ang sinasabi ng mga kaklase kong nag-uusap sa canteen noon. Gwapo nga ito. Matangkad, maputi, may mapula at manipis na labi, makinis. Parang babae. Mas mukha pa yata itong babae kaysa sa akin.

"Good Morning, classmates. I'm Ashton Verse Hale. Huwag kayong magtaka sa pangalan ko. Sadyang makadiyos lang ang mga magulang ko kaya ganoon."  nagtawanan naman ang iba kong kaklase dahil sa sinabi nito.

"Oh? Edi parehas pala kayo ni Psalm?"  sigaw ni Cj. Isa sa mga kaklase kong lalaki.

"Oo nga sakto magkatabi pa kayo. Bakante sa tabi niya oh." dagdag pa ng isa kong kaklase.

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon