HLIF 03

5 0 0
                                    

Mapait akong napangiti ng marinig ang mahabang speach ni Cora sa gitna. She seems happy with her husband. Isang taon palang silang mag-on pero nagpakasal na sila agad. Sa tatlong taong pakikipagrelasyon ko kay Vincent ay never akong nagplanong magpakasal. Nasa tamang edad na kami magpakasal pero gusto ko munang i-enjoy ang aking teenage life.

Pinatunog nila ang kanilang wine glass. Ako lang ata ang hindi gumagalaw dito. Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa ingay na dulot nito. I know, hindi dapat ako magpaka-bitter pero i can't help it. Lalo na at tanaw na tanaw ko si Vincent at si Chaerin na magkasama sa hindi kalayuang table. Im trying to pretend na wala akong pake pero minsan ay hindi namamalayan na halos saksakin ko na sila sa sobrang paninitig ko. Mabuti nalang at hindi iyun napansin ni Kuya, Mommy at ni Dad. Alam nila na me and Vincent are done pero hindi nila alam na hindi parin ako nakapagmove-on.

Mas lalo akong nainis nang namataan si Andrei na lumapit sa table nina Vincent. Eric and Nathan are there too. Mukhang magkakakilala sila, kahit si Chaerin ay mukhang close kina Andrei. Tatanungin ko pa sana si Kuya pero paglingon ko ay wala na siya. Napairap nalang ako ng namataan ko siyang may dalawang chicks na kasama sa kabilang table, pati kasal hindi pinalagpas. Ang parents ko ay wala narin sa table, kausap nila ang mga magulang ni Cora ngayon.

Nagmumukha akong loner dito, gusto kong lumapit sa table nila pero may something na pumipigil sakin. Baka pagusapan pa kami, everyone knows na past kami ni Vincent lalo nat magkasosyo lang ang parents namin ni Vincent.

Seeing her na kasama ang circle of friends ni Vincent makes me jealous. Naalala ko ang mga araw na ako ang kasama niya tuwing may gala siya ng kanilang tropa. Kahit ayaw ko dahil magmumukha akong out of place pero sasama parin ako sa kanya. Dahil hindi rin naman siya sasama if wala ako. Because of him natuto akong maging Friendly. Without him hindi kami ganito ka close ng mga cousins ko na friends niya rin. Luckily, kahit hindi na kami hindi lumalayo ang loob ng friends niya sakin.

Nakita kong tumayo si Chaerin at nagtungo sa CR. Sinigurado kong nakalayo na siya at lumapit sa table nila. Malayo palang ay nahuli ko siyang nihead to foot ako. Do i look Fabulous? I know right.

Direkta ang paningin ko kay Vincent pero nadidistract ako dahil sa paninitig ni Andrei. Medyo nakaramdam ako ng hiya, last time na nagkita kami ay yung nalasing ako at natulog sa bahay niya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya last time.

Umupo ako sa pwesto ni Chaerin. Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Eric.

" Ang ganda mo, Seron. " saad niya. Unique ang wedding kase Floral ang designs. Floral gown ang suot ng Bride at ng mga brides maid. Bawat lalake at may bulaklak na dala. Puno din ng bulaklak ang simbahan at venue. Pati mga pagkain ay nakaform ng mga bulaklak o di kaya bulaklak ang design.

Isang floral wrap maxi dress ang suot ko. Ang bagsak na bagsak kong buhok ay inipit ko sa aking tenga at nilugay sa likod, nilagyan ko ito ng clip para hindi magulo. Nakahati sa gitna ang itim kong buhok. I look Mature in this hairstyle. Hindi lang naman ako ang nagsasabi, marami.

" So you and Chaerin are together?" hindi ko pinansin ang sinabi ni Eric. Napasinghap si Ethan sa diretsuhang tanong ko. Binaling ko ang atensyon ko sa kanya at sa katabi niya. Ang katabi ni Ethan ay si Andrei Van Samonte na nakasmirk na ngayon.

" Fortunately" saad niya. Nanlamig ako sa kanyang sinagot. Yes, im expecting na yun ang sagot niya pero hindi ko maalis sa aking isipan na ang aming relasyon ay Unfortunate para sa kanya.

" Ikaw? May bago ka naba?" Tanong niya. I frozed. I wasnt expecting this question! Do you think na makakahanap ako ng ganun kadali!? Fvck! Nasa moving on process palang ako! Ang galing mo nga eh! It only takes 3 seconds for you to move on! Mamatay na sana ang lahat ng playboy tulad mo!

How Long is Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon