HLIF 04

4 0 0
                                    

" Woah!" manghang saad ni Liam at tinaas ang kamay niya sa Ere. Mas mabilis pa kay flash akong kumawala at inayos ang damit kong nalukot.

Seryoso siyang nakatitig sakin. Agad akong napaiwas ng tingin.

" Andito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap." ani ni Carolyn na kararating lang. Nabaling ang atensyon ni Andrei kay Carolyn. Agad namang pinalupot ni Liam ang kanyang braso kay Carolyn. I smirked. Pffft ang possessive.

" Oh Mr. Samonte ikaw pala." ani ni Carolyn tapos nginitian si Andrei.

" Nice seeing you again, Carolyn." ani naman ni Andrei. Palipat lipat ang paningin ni Liam kay Andrei at Carolyn. So magkakilala pala sila.

" Kung may kailangan or problema sa photoshoot puntahan niyo lang ang secretarya ko, may aasikasuhin pa ako sa cebu kaya hindi ko kayo maaasikaso ngayon. I hope that the photoshoot is going well." ani ni Coralyn. Gusto kong umalis sa harapan nila at umuwi nalang pero ang rude ko naman kung gagawin ko yun. So i decided to stay kahit naa-out of place na ako.

" Maraming salamat Mr. Samonte." ani ni Carolyn pagkatapos ng maikling paguusap nila.

" Liam, ihatid mo naman sa City si Miss Sandoval oh. " ani ni Carolyn kay Liam. Agad akong umiling. Kaya ko namang magtaxi eh.

" Wag na, magtataxi nalang ako."

" Ihahatid na kita, mailap ang taxi dito. " ani ni Liam. May hinugot siya sa kanyang bulsa, winagayway niya ang mga keys sa aking mukha.

" Lets go-- " hindi napatapos ni Liam ang sasabihin niya ng biglang hilain na naman ako ni Andrei. Kumunot ang noo ni Liam pero agad naman siyang napangisi. Si carolyn namay ay palipat-lipat ang tingin samin ni Andrei.

" Ako na ang maghahatid sa kanya." diin niya at hinila ako palayo kina Carolyn at Liam. Wala akong nagawa kundi mag-wave nalang sa kanila. Tangina ang higpit ng pagkakawak niya sa braso ko, hindi niya ba alam na nakakasakit na siya ng tao!?

" Ano ba!?" ani ko at marahas na inalis ang kamay niya. Namumula ito kaya agad kong tinakpan. His face softened. Kung kanina ay mukha siyang leon na nakakatakot ngayon naman ay parang isaang maamong tupa.

" Sorry"

" Bumalik kana dun, mukhang hindi pa tapos ang photoshoot niyo. Kaya ko namang magcommute." aniko. Natanaw ko sina Carolyn at Liam na pinapanood ang photoshoot. Gusto ko sanag mag paalam ng maayos pero baka pilitin lang nila akong ihatid sa city.

" I'll drive you home and its final." aniya at hinila na naman ako. This time ay mismong palad ko na ang hinawakan niya. His hand is so soft. Mukhang mas malambot pa ang kamay niya sakin.

" Hindi na talaga kailangan, Andrei." paika-ika ako habang naglalakad. Hindi ko rin alam kung anong meron dun sa flat shoes ko dahil medyo nakakaramdam ako ng hapdi. Hindi ko naman magawang tignan dahil hila hila ako ni Andrei.

When he noticed na medyo hirap akong maglakad ay huminto siya.

" What's wrong?" seryosong saad niya. Imbis na sagutin siya ay yumuko ako pero inunahan niya ako. Nag-squat siya at inalis ang flat shoes ko. Kaya naman pala! May matulis na bagay sa loob ng flat shoes ko, nabiyak na shell.

Inilagay niya iyun sa malapit na flower pot para masiguradong walang ibang makaapak nito.

Kumunot ang noo ko nang umupo siya ng patalikod. Wow? So may plano pa siyang tumambay?

" Sakay " ha? Saan naman ako sasakay? Wala namang malapit na kotse dito.

" Ayaw mo nang piggy back ride, okay." mabilis niya akong binuhat into bridal style. Hindi agad ako nakapagreact dahil sa pagkabigla.

Hinayaan ko nalang siya na buhatin ako hanggang makarating kami sa kanyang kotse. Pinagtitignan kami ng mga tao. Nakaramdam ako ng hiya pero siya parang walang pake. Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang aking mga palad. Hindi man lang siya natatakot na pagchismisan kaming dalawa. For godsake he's a model! Maraming nakakilala sa kanya dito!

Sa harap ako umupo kase nakakahiya naman kung sa likod ako dahil magmumukha siyang driver. Seryoso lang ang mukha niya habang pinapaandar ang makina. Pasulyap-sulyap siya sakin pero diretso lang ang tingin ko sa daan.

" Ano nga pala ginagawa mo dun?" i flinched ng bigla siyang nagsalita. Mabuti naman at nagsalita siya, sobrang awkward namin kanina dahil napakatahimik.

" Ako ang designer ng wedding gown niya." sagot ko. Hindi naman gaano ka layo ang city dito pero feeling ko tumagal ang byahe. Hindi naman traffic pero sobrang bagal niyang mag maneho.

Hindi na naman siya nagsalita. Nakakunot ang noo niya habang nagmamaneho. I wonder kung ano ang iniisip niya at kailangan talaga nakakunot ang noo. Well he is a business man slash a model. Mahirap pagsabay-sabayin yun. Pano niya kaya nahandle iyun no? Siguro billions na ang pera niya sa bangko.

Huminto ang kotse sa tapat ng seven eleven. Medyo madilim na pero malapit na naman kami sa city. Siguro may bibilhin lang siya.

Umikot siya ang pinagbuksan ako ng pinto. Ano? Dito niya ako ibaba? Kingina di dapat sumakay nalang ako ng taxi dun kanina!? Aiissh! Puro puno at fish pond ang nasa paligid. Parang walang katao-tao tapos may seven eleven dito? Sino ang mga bumibili dito? Isda!?

Bumaba ako ng kotse niya kahit labag sa aking kalooban. Medyo masakit parin ang sugat ko pero hindi ko pinahalata. Baka kaawaan niya pa ako at pasakyin ulit. No way!

Binuhat na naman ako ng peste ay ipinasok sa seven eleven. Ano ba talaga ang plano niya ha!? Akala ko ba hanggang dito nalang siya? Syempre hindi pa tapos ang photo shoot nila at kailangan niya pang bumalik doon!

Iniwan niya akong nakasimangot sa table. Lumapit siya sa counter ay may kung ano na sinabi. Binaling ko ang atensyon sa labas ng convinience store. Walang katao-tao. Ni isang motor ay wala pang dumadaan, taxi pa kaya? Jeep! Yeah, there must be a jeepney somewhere.

" Yung paa mo." aniya. May isang supot siyang dala. Inilabas niya ang alcohol, cotton at kung ano ano pa.

Hinila niya ang isang upuan at ipinuwesto sa harapan ko. Marahan niyang itinaas ang paa ko at ipinatong sa kanyang hita. Nagsimula siyang gamutin ang sugat ko. Hindi na ako naginarte pa. Kung ako lang ay lalagyan ko lang yan ng band aid. Takot akong humawak ng dugo, medyo nahihilo rin ako tuwing nakakakita ako ng dugo pero atleast nakakaya ko.

Naalala ko naman ang mga panahon na ginagamot niya ako. Naalala ko na naman siya. Sobrang childish ko daw noon at kahit playground na dinadaanan namin ay hindi ko pinapalampas. Ang careless ko din kaya madalas akong magkaroon ng sugat sa tuhod.

" Do you want to eat something?" aniya habang nilalagyan ng band aid ang sugat ko. Umiling ako bilang sagot.

Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko ay nagtungo ulit siya sa counter. Pagbalik niya ay may bitbit siyang drinks.

" Thanks." aniko pagkatapos niyang iabot sakin ang isang coke in can.

Pinagmasdan ko siya habang iniinum ang softdrinks. His facial features are perfect. Matangos na ilong, thin lips, deep blue eyes at pamatay niyang panga! Gosh! He look so damn perfect! Ang--- ehem.

" Staring is Rude." aniya habang binabalik ang takip ng plastic bottle. Napaubo ako at tinignan siya ng masama.

" Im not staring at you!" kala mo naman ang gwapo mo! 😑 Oo na, inaamin ko ang gwapo mo.

How Long is Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon