Chapter 1: Arrival

14 1 2
                                    

New place, new school, new faces. Buong gabi ko na tong iniisip pero hanggang ngayon ay prinoproblema ko parin. Pumasok na ako sa gate ng bagong school na papasukan ko, Maxwell University. Inilibot ko ang mga mata ko at pag pasok palang sa gate ay kitang kita na kung gaano kalawak ang school na ito. May apat na buildings. Isa sa harap, isa sa bandang likuran, isa sa kanan at isa sa kaliwa. This is the new world I'll live in. Iniwan ko muna sa guard ang mga bagahe ko dahil kagagaling ko lang sa byahe at pinili kong dumeretso na ng school.

I dialed my father's number and he immediately answered it.

"Hey son, so how was the entrance exam?" He said and I sensed that he's a little worried but tries to sound like excited. I smiled after hearing his voice. Kung kanina ay kinakabahan ako, ngayon ay nawala iyon lahat. Oo na, daddy's boy na kung daddy's boy.

"It's fine I guess, medyo mahirap kasi eh. Pero kinaya ko naman" sabi ko sa kanya. Well, the reality, hindi ko talaga kinaya, yung iba ay hula nalang dahil sobrang drained na yung utak ko kanina.

"That's my boy (pa pakausap ako!) Sandali lang nak kausapin ko muna si bunso (sigi na please?) Fine, Ice gusto ka daw kausapin ni ate at kuya" Said the voices sa kabilang linya. Natawa nalang ako ng mahina sa kakulitan nila. How the hell can they be damn happy when I am here, suffering?!

"Ice? Hello? Kamusta na?? Maganda ba school na yan?? Ayos lang ba yung tutuluyan mo? May pogi ba dya--aray! (Imbis na tanungin ang kalagayan ni Ice, yan pa ang itinanong mo!) Kuya naman eh!" Sabi nila. Hindi ko alam kung paano sasagutin yung mga tanong nila dahil sa pagiging aso't pusa nila. Tss, when will they grow?

"Oh ano na Ice, kamusta? Nakapag enroll ka na ba? Pumasok ka na ba? Pag may nakilala kang chicks, pakilala mo ak-- ano ba! (Isa ka pa eh! Papansin! Kala mo kung sinong nag aalala eh, pa chicls chiks ka pa dyan!) Pake mo ba! (Wag nga kayong mag away! Ibis na kausapin nyo kapatid nyo, nag aasaran pa kayo!)" Rinig ko sa kanila. Ngayon, si kuya naman ang nakahawak ng phone. Naririnig ko rin na nagsalita si ate at sinaway sila ni dad. Bwiset talaga tong mga to, imbis nga naman na kamustahin ako, puro kalandian.

"Eto naman si papa oh, pinapatawa lang namin si Ice eh! Di nga seryoso, kamusta ka na dyan? Ok na ba yung mga aasikasuhin mo dyan? Pasensya na hindi kita nasamahan papunta dyan, nag aaral din si kuya eh, si ate hale mo naman, may inaasikaso din. Sabi nga pala ni dad, Lazaro daw muna gamitin mong apilyido, naiayos na iyon sa mga papeles mo. Pakabait ah? Bawal mag basag ulo. Chill chill ka lang dyan, pag may nang away sayo, uupakan ko (oy anong uupakan, patayin na yan!) (Oy anong patay-patay na naririnig ko dyan?!) Haha joke lang papa." Sabi nila. Tsk, pagod na nga yung tao, ginugulo pa nila.

"Ok naman dito sa Maxwell University, malaki at mukhang prestihiyosong school naman ito. Hindi naman siguro ako maliligaw dito. Tapos narin akong mag enroll at mag entrance exam." Sagot ko.

"Luuhh! Hulaan ko, nanghula ka no?" Sabi ni ate

"Hindi ah! Sadyang matalino lang ako!" Sabi ko na nag tutunog mayabang

"Hahaha! Kaaga pa para sa joke na yan!" Sabi naman ni ate

"Pero pag nag joke nang gabi, sasabihin nya late na para sa jokes. Tanga rin ni ate mo noh??" Singit naman ni kuya, ayun nagbarahan nanaman sila. Tumawa nalang ako. Ugh, when will this two change? I hope it's soon.

"Sige na, kailangan ko nang pumasok, mag aalas otso na oh, sobrang late ko na" sabi ko sa kanila

"Eh? Hindi ba pwedeng sa monday nalang? Pahinga ka muna." Sabi ni ate na medyo nag aalala base sa boses nya

"Oo nga. Ice, wag abusuhin ang katawan. Mag pahinga, kumain, at matulog sa tamang oras" sabi naman ni kuya. Tss, yung totoo, sino bang mas bata? Ako o sila? Kakukulit eh!

Guns and BadgesWhere stories live. Discover now