Chapter 2: Unexpected Room mate

8 1 0
                                    

One week na akong nag aaral sa Maxwell. As expected, ang naging kasa kasama ko ay si Myrah at si Karl dahil sila palang ang kakilala ko. Minsan, sumasabay ako sa kanila kapag recess, minsan hindi ako nag re recess. May nahanap kasi akong lugar na pwede kong tambayan ng hindi na iistorbo, hindi na bo bored, at may katahimikan.

"Mga bata! Library ito, hindi play ground. Wag kayo ditong mag laro." Sabi ng librarian sa malambing na tono. Sumunod naman ang mga batang kanina pa takbo ng takbo sa library. Oo, library ang gusto kong tambayan. Marami kasing mga iba't ibang libro, kasama na ang mga libro ni Nancy Drew at iilang Sherlock Holmes. Meron ding Diary of a Whimpy kid, na kasisimula ko lang basahin. Dati kasi wala akong interes sa isang libro kung hindi Detective story o kaya reference books gaya ng mga Dictionary, thesaurus, atlas, and my most favorite, encyclopedia. Well, it's worth a try, I guess. Narinig ko nang tumunog ang bell, ibig sabihin ay tapos na ang recess. Lumapit ako sa Librarian at di tulad ng iba, hindi sya ganun ka strikto pero maalaga sya sa mga libro ng library.

"Oh, hihiramin mo ba yang mga yan Icel? Kaya mo bang basahin yan sa dalawang araw lang??" Sambit nya habang naka ngiti at ngumiti rin ako at tinanguan sya. Tatlong libro ang hiniram ko since iyon ang maximum ng pwedeng hiramin at ang dead line ng bagbabalik ay after two days. Isang Nancy Drew (The Hidden Staircase) at dalawang Sherlock Holmes(The Valley of Fear; The Sign of Four)Inabot ko ang library card ko sa kanya at nagmamadaling lumabas na ng library.

Shit! Bakit kasi walang Library sa JS department?! Kailangan ko pa tuloy pumunta sa ibang building at tumakbo papunta sa classroom tuwing bell na! Nasa second floor pa naman yung classroom namin! Pero ok lang, at least may babasahin ako tuwing bored ako at walang ginaga-- Aray! Anak ng?! Ano ba yun?!

Nahulog yung mga libro! Fuck! Shit talaga! Kapag may nasira dito, lagot ako! Napaupo ako sa lakas ng impact at naka suporta yung kamay ko sa likod upang hindi ako papahiga.

Pinulot ko na yung mga libro at tinignan kung may napunit o nasira. Hay, buti nalang talaga at walang nasira! Tinignan ko yung nakabangga sa aakin. Hindi man lang tumigil sa paglalakad lumingon man lang!! Argh!! Pasalamat sya nag mamadali ako, kundi uupakan ko yun!! Tumayo na ako, pinagpagan ang suot ko, at isinuot ang nalaglag kong salamin. Tss, nasugatan pa tuloy yung palad ko. Tsk, mahihirapan nanaman akong mag sulat nito.

Nakarating na ako sa classroom na mukhang asong ulol kakahingal. Hay! Next time talaga, aagahan ko na!

"Oh! Hi Ice-- pfftt anong nangyari sayo?!" Sabi ni Myrah na naputol pa ang pagbati dahil natawa pa sa itsura ko. Ok, ako nang madumi.

"Bwahaha! Oo nga! Hala, sabi ko kasi sayo sumabay ka nalang saamin eh!" Sabi naman ni Karl na napalingon sa akin. Lumapit si Myrah sa akin at tinulungan akong pagpagan ang sarili ko. Ugh, mukha akong pulubi! Napansin ko pang napunit pa pala yung laylayan ng damit ko. Ganun ba kalakas yung pagkaka bagsak ko kanina?! Bakit parang di man lang natinag yung nakabungguan ko?? Tss, kailangan ko ata mag work out.

"Ano bang nangyari sayo??" Sabi ni Karl na medyo natatawa parin. Upakan ko kaya ito? Tawanan ba naman ako?!

"Nadapa lang" sagot ko. Alangan namang sabihin ko na may naka bungguan ako, hindi na matatapos ang tanong nila nun.

"Sige, upo na tayo at papunta na si Miss Bernal, mamaya ka na mag palit." Sabi ni Myrah. Well, mukhang kailangan ko ngang mag palit. Dumating na yung teacher namin sa English kaya tumahimik na ang lahat. The thing about E students, kapag aral, seryoso. Walang kikibo kapag may teacher na, lahat nakikinig ng tahimik. Walang mga makukulit, walang madaldal, walang maingay, lahat seryoso. Ako? Well, nakikisabay nalang ako. I listened intently to the teachers, I really try hard. Pero hindi ko maiwasang ma bore o antukin. Why? I never knew why. Maybe dahil alam kong hindi ito ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi mag aral ang purpose ko sa school na ito. Maybe to forget. I want to start a knew life. Gusto kong maging ordinaryong estudyante lang. Yung masaya lang palagi. Yung walang ginawa kundi dumaldal sa klase. Yung magaling lang sa recess. Yung walang ibang prinoproblema kung hindi paano mapapansin ni crush. Yung kung ano ano yung pinag chi-chismisan. Yung namomroblema sa kung ano ang ipapasa na project dahil hindi nagawa nung malayo pa ang dead line. Yung hindi nag re review tapos mangongopya nalang. Yung panay ang lakwatsa at hang outs. Yung may barkada na kinasasangkutan ng mga baliw at di mo alam kung saang planeta nanggaling. Gusto kong maranasan yun. Pero ngayong nandito ako sa 8E, pakiramdam ko hindi kami mga normal na estudyante. No, para kaming mga hindi normal na tao. Para kaming mga robot. Pakiramdam ko ang taas taas ng expectation namin sa isa't isa. Walang bond, walang group activities, puro individual. Pagalingan. Pataasan. Patalinuhan. Ramdam ko rin na magkakaibigan kami pag nakaharap. Pero pag grades na ang pag uusapan, alam kong lahat kami mag kakakumpitensya. Lahat kami mag kakaaway. Walang kaibi-kaibigan. What's worst is, crab mentality. I know every smile they give me has danger inside it. Tumunganga lang ako sa labas ng bintana at tinignan ang scenery na kinasanayan ko nang tignan pag bored ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Guns and BadgesWhere stories live. Discover now