Paalam

7 0 0
                                    

Mahal kita pero di yun sapat para mahalin mo ko,mahal kita pero di yung katanggap tanggap na dahilan para mahulog ka saken..aking mahal sana masaya ka sa piling nya..ano man yang ginagawa mo sana, sana maligaya ka dahil gustong gusto Kong makita yung kumikinang mong mga mata yung mga matatamis na ngiti sayong labi na naging dahilan upang ako'y lubusang mahulog sa iyo..aking mahal ito na yung oras upang subukang kalimutan ka,upang subukang tanggalin ka dito sa puso't isipan ko..mahirap,sobrang hirap pero kailangan, kailangan kong kalimutan Kung pano kita minahal,Kung pano ko nabaliw sayo aking mahal mahirap pero sabi nga nila tanggapin at saka pakawalan at mag "move on" Alam ko hindi man tayo nagtagal, pero minahal naman kita eh ang problema nga lang di mo ko minahal ako lang ang nagmahal at nagpakatanga sayo,kaya aking mahal sana dumating yung araw makakalimutan at matanggap ko na kailanman hindi pwedeng maging tayo..Hindi pwedeng maging tayo dahil may mahal kang iba..kung lagi nalang ako magpapakatanga edi nonsense lang ang pag iibigan natin kaya sana nung tayo minahal mo din ako katulad ng pagmamahal ko na binibigay sayo..Sana nung una pa lang pala bumitaw nako para di na umabot sa ganito..kasi ang ayoko sa lahat yung lagi ako nasasaktan sa paulit ulit na dahilan kaya't muli paalam..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Words PoetryWhere stories live. Discover now