Kahati

17 0 0
                                    

Mahal naalala mo pa nung una tayong nagsimula?sa kung paano ang ngiti sa ating mga labi ay di mabura basta tayo ay magkasama,sa kung paanong ang yapus mo at halik ang gamot sa lahat ng sakit at nagpapagaan sa bawat bigat at bumubuo sa araw kong kulang kulang..

Mahal naalala mo pa ba ang bawat saya?at away na pareho nating nalampasan dahil mahal natin ang isa't isa,bawat luha na pareho nating pinunasan dahil di kita kayang mawala at ganun ka rin diba?kaya nga tayo nagtagal,kaya nga tayo nagtagal ng pansamantala...

Pero mahal naalala mo din ba nung una mo syang makilala?nung unang beses kayong nagkasama nung unang beses ka nyang napangiti pati ang mapupungay mong mga mata! noong nagtetext kayong dalawa na parang kayo lang dalawa!na parang walang ako walang tayo sa mundo nyo..

Mahal naalala mo paba ang una kong pagiyak ng dahil sa kanya? malamang hindi sa nakalimutan mo na o may amnesia ka malamang hindi dahil pinilit kong ilihim ang SAKIT!pinilit kong sarilihin ang PAET ng SELOS at PAGKAINGGIT!dahil mukang meron ng PAPALET!mali! dahil meron ng PUMALIT sa pwesto ko sayo..Hanggang sa hindi ko napigilan tinanong kita ng walang alinlangan may gusto kaba sa kanya?pero ang sabi mo,ano ba?kaibigan ko lang sya...

Mahal naman hindi ako tanga!hindi ako tanga para hindi malaman ang special sa kaibigan lang!hindi ako bulag!para hindi makita sayong mga mata ang saya na tila kakaiba pagdating sa kanya!Pero naniwala parin ako na wala lahat sa inyong dalawa,ang pagtiis mo sakin na hindi ako kausapin habang kausap mo sya,oo wala lang yun! ang pagtetext mo sa kanya at pag lalambingan nyo habang nagkukulitan kayo sa mga bagay bagay na pagkakapareho nyo pala,oo wala lang yon!ang pagbabahagi mo sakanya ng paborito mong kanta habang sabay kayong nag aaliw sa ilalim ng musika,oo wala lang yon!dahil gaya nga ng sabi mo kaibigan mo lang sya at ako di dapat mangamba siguro nga masyado lang akong MALISYOSA para pag isipan kayo ng hindi maganda,kaya nais kong humingi ng tawad sayo at sa kanya dahil nasaktan ako ng makita kong mas kaya nyang pasayahin ka patawad kung NAGALIT at NAGSELOS ako nung makita kong nabubuo nya ang araw mo kahit magulo tayo..

Mahal patawad dahil kinailangan ko ng SUMUKO sa laban ng pag ibig na to!dahil kung alam kong ako na ang talo at ngayon kung magbabago man ang ikot ng mundo at sasabihin mo pang mahal mo pa ako at itatanong mo sakin kung pwede pa ba tayo at sasabihin mong bumalik ako sayo pakiusap lang WAG NA AKO!kung pipili ka sa pagitan namin ng kaibigan mo WAG AKO!hindi dahil sa mas maganda siya,hindi dahil mas matalino siya,hindi dahil sa mas kaya ka nyang pasayahin ka kung sa tingin mo isa sa nakaraan mo ang bubuo sayo WAG AKO!wag ako hindi dahil sa hindi kita kayang PANINDIGAN,wag ako hindi dahil hindi ko sya kayang TAPATAN,wag ako hindi dahil hindi ko sya kayang HIGITAN,wag ako hindi dahil hindi na kita gusto o ayoko na sayo,wag ako dahil hindi ako si BASHA ng second chance..

Wag ako dahil di mo dapat ako BALIKAN!dahil ako ang SUMUKO at ng iwan!pero sana hindi mo ako binigyan ng DAHILAN!wag ako dahil ayoko ng mawasak sa parehong paraan,wag ako dahil ayoko ng masaktan sa paulit ulit na dahilan!at kung magmamahal kang muli WAG AKO!!

Kung ipinagpalit mo ko sa iba wag kang mag alala di ako magmumukmok o iiyak at di ko iisipin na pangit ako o may mali sa pagkatao ko ipapakita ko sayo kung sino ang babaeng ipinagpalit at iniwan mo dahil lang sa isang babaeng pinagtatakpan mo at matagal mo ng mahal..At ipapakita ko rin sayo na maganda ako at hindi ka isang malaking kawalan sa buhay ko!!

Spoken Words PoetryWhere stories live. Discover now