[HORROR]-"DEADLY OBSESSION"

3.9K 43 8
                                    

Title: DEADLY OBSESSION

GENRE : YOU'LL FIND OUT.

S P G

[JUST A VERY VERY SHORT STORY]



Hi I'm Ysa Quijano, a graduating nursing student. Nag-iisang anak ng isang sikat na doctor sa syudad namin. Being a perfectionist daughter gives a lot of pressure to me. Lahat ng bagay dapat ginagawa ko ng tama. Lahat ng bagay dapat naaayon. Strikto ang daddy ko, lahat ng bagay na ginagawa ko dapat alam niya. Pag may mali akong nagawa, pinaparusahan niya ako sa isang marahas na paraan na di ko sasabihin sa inyo.



Lahat ng bagay alam niya bukod sa isang bagay na pinaka iingatan ko.

Ang pinakamamahal kong lalaki, si Drew.



Ayaw ni daddy na magka boyfriend ako. BAWAL MAGMAHAL ANG ISANG TULAD KO. KASI LAHAT NG LALAKING MAMAHALIN KO AY MAPAPAHAMAK.
At bukod pa dun, ayaw niyang mabaling sa iba ang atensyon ko at pabayaan ang pag aaral ko.


Pero mahal na mahal ko si Drew at mahal niya rin ako. Lahat ng bagay kaya kong gawin wag lang siya mawala sa akin.



Tutol ang pamilya niya sa relasyon namin, sapagkat ayaw nila sa akin. Ewan ko. Ewan ko bakit maraming may ayaw sakin. Lagi nila akong nilalayuan. Tila ayaw nilang mapalapit man lang sakin




Di ako nag abalang alamin kung ano ang mali sa akin. Ang mahalaga lang sakin ay si Drew.




After few months...






Nalaman ni daddy ang tungkol sa amin. Pinaglayo niya kami pero dahil mahal ko si Drew wala siyang nagawa.



Napagdesisyunan namin na magtanan at iwanan ang mga bagay bagay at maging makasarili.


Kasi mahal ko siya. At mahal niya ko. Yun ang mahalaga.

Kasalukuyan akong kumakain kasama si Drew. Nag lilive in na kami ngayon.



"Balita ko patay na daw yung babaeng patay na patay sayo. Si Megan. Remember her? She was found dead yesterday sa banyo ng school. Pugot daw. Sinong walang puso ang gagawa nun? " Yumuko ako at napaiyak sa nalaman ko. Kawawa naman si Megan. Naging close friend ko yun for a short time. She's too sweet.



Hinalo ko ang kape ko at ininom ito.



Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Drew. Di man lang siya nagsalita. Siguro ay wala na naman siya sa mood. Hinayaan ko lang siya at nilagyan nalang ng pagkain ang plato niya.



"Kain ka na. Mamaya pupunta dito si daddy para kamustahin tayo. Alam na niya lahat at okay na siya. Napaiyak pa nga siya dahil sa tuwa. " I giggle habang inaalala ko yun.


"Ang galing diba? Dati ayaw na ayaw niya sa atin ngayon napapaiyak nalang siya at napapaluhod sa tuwa. Jahahahaha. "


May kumalat na ketchup sa bibig niya kaya pinunasan ko ito para sa kanya.

"Ako na. Ang dungis dungis mo talagang kumain. " saka pinunasan ko ng maayos ang bibig niya.


Tingin ko kailangan ko ng sabihin sayo to.. Karapatan mong malaman to kasi asawa na kita kahit di pa tayo kinakasal.



Hinawakan ko ang kamay ni Drew, at pinisil ito.


"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo Drew? Yung lagi kong sinasabi? " diretso lang na nakatingin ang bilugan niyang mata sa mga mata ko.


Ni di siya kumukurap. Gustong gusto niya ata talagang malaman ang sasabihin ko kaya sasabihin ko na.


"Mahal kita ng sobra sobra. Kaya gagawin ko lahat alisin lang yung hadlang sa pag-iibigan naten. " yumuko ako at sunod sunod na tumulo ang mga luha ko.


"I killed your mom. " I smiled. Pinandilatan niya lang ako ng mata dahil sa gulat.



"I also killed Megan. I'm so sorry Drew....inalis ko lang ang mga hadlang."

"Sana wag ka magalit sakin... "


"Oh! Dad is here! "


Kinuha ko ang kahon na nasa tabi ko at pinatong iyon sa mesa.



"Hi daddy. " kumaway pako sa kanya.






Sa pugot niyang ulo.





Natatawa ako habang naaalala ko kung paano siya magmakaawa sakin habang tinatali ko siya sa upuan at dahan dahang ginigilitan sa leeg.



"Ang kulit niya kasi. Mahal nga kita eh. Bakit di niya tanggapin yun? "


Biglang nahulog si Drew sa kinauupuan niya.

Masyado ata siyang nagulat sa mga nalaman niya...


Tinulungan ko siyang makatayo.



"Aish! Kainis ka naman eh. Bumaon tuloy lalo yang pako sa noo mo.! " inis kong sabi at hinampas siya ng mahina sa braso niya. "



Biglang sumakit yung ulo ko ng makita si Drew na duguan.

Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha at inalala ang huling araw na nakausap ko siya.


Nasaktan ako.


"Pinaglaban naman kita pero ginalit mo ko.


Sabi mo di mo nako mahal. Sabi mo break na tayo. Sabi mo may sakit ako. Sabi mo baliw ako. Sayo lang naman ako baliw eh. Ang kulit kulit mo kasi, sabing mahal kita. Pinaglaban kita. Ginawa ko ang lahat ng di nagagawa ng mga matitino. Pero tumalikod ka. Hadlang ka din sa pag-iibigan naten. Kaya yan tuloy nakahandusay ka na at wala ng buhay.... Sorry Drew. Mahal na mahal lang talaga kita. "

Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ang mga labi niyang puno ng dugo.

Wala akong kasalanan. Wala... Wala....

Minahal lang kita at di kasalanan ang mahalin ka....






AUTHOR : ICEWINTER01 [COPY AND CREDIT] NO PLAGIARISM.



A/N: Try ko lang manakot. Pasado na ba? Hahaha, peace tayo.



Icewinter's  Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon