♥ Prologue ♥

2 0 0
                                    

Kringggg!

Kringggg!

Kringggg!

"Hello." Inaantok na sagot ni Nalix.

"Baklaaaaaa, gumising ka na!!!!!!" sigaw ng nasa kabilang linya. "diba may lakad tayo ngayon? Grabe ka, kinalimutan mo kagad. Hate you na talaga!"

"Lakad?? Pass muna ako. Puyat ako." Wala sa hulog na sagot ni Nalix. "Anong oras na ako umuwi from work. Next time na lang huh. Ge. Bye!" sabi nito sabay baba ng cellphone at bumalik na sa pagkakatulog.

Nalix POV

Actually, hindi talaga ako puyat. Sadyang hindi lang talaga ako mahilig lumabas, magparty at maliwaliw. Pagkatapos ng work, diretsong uuwi ng bahay.

Bakit?

Taong bahay kasi ako.

Takot mainitan.

Ayaw ng napapagod at napupuyat.

At higit sa lahat...

Ayoko gumastos dahil kuripot ako.

Pero dahil daw sa ugali ko na yun eh, hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend pagkatapos magtapos ng 5 year relationship ko sa EX ko.

E ano naman? Okay lang na maging single ako no. Aba, isa lang naman ako sa milyun-milyong single sa Pilipinas. Ayoko na nga magka-boyfriend eh kasi nakakasawa na, nakakapagod na, ayoko na talaga!

Pero...nuks, may pero...

Pero mukhang kinain ko lang lahat ng sinabi ko at panata ko sa sarili na hinding hindi na ako magmamahal at magkaka-boyfriend mula noong makilala ko si Dennis

Eeee...kese nemen eehh... 

Mr. Melancholic and I: A love StoryWhere stories live. Discover now