♥ Chapter One ♥

4 0 0
                                    


Nalix POV

Ako nga pala si Nalix, short for Naara Calixta Palma. 26 years old. Employed at ulirang panganay na anak. Nuks!

Pero siyempre, joke lang yung pagiging uliran. Hindi naman ako perfect daughter eh. Sakto lang. Talagang focus lang ako sa pagtulong sa family ko kasi hindi naman kami mayaman at sagana sa magagandang bagay. Simple lang ang pamilya namin at syempre simple lang din ako.

Tamang eyebrow lang

Lipstick

At Johnson's baby powder

Maganda na! (Down to earth pa ako nyan huh)

Hindi din ako mahilig sa mga branded na damit kasi nga can't afford ako dahil di naman kataasan ang sweldo ko sa trabaho. Mas mabuti pa na ibigay ko na lang sa magulang ko yung pera ko kesa ibili ko ng branded na damit na hindi ko naman masusuot ng madalas.

Mas bet ko pa bumili ng damit from UK. As in Ukay-ukay.

Simple nga lang talaga kasi ako. As in.

At dahil simple lang ako, simple lang din ang pangarap ko sa buhay...

Ang magkaroon ng sariling pamilya, magkaanak, maging uper healthy at maging simpleng masaya.

Pero dahil may mga kaibigan ako na kontrabida, palagi nilang sinasabi na paano ko raw matutupad ang pangarap na yun kung wala naman akong Boyfriend.

26 years old na daw ako pero nga-nga pa rin. Walang jowa na nagmamahal. Ganern!

TT__TT

Haist...minsan nga naiisip ko kung mga kaibigan talaga sila...

So bakit nga ba sa edad kong to eh wala pa akong bf/asawa? Simple lang ang ... Simple lang nang sagot. AYOKO PA. It's my life. It's my personal choice. Andami na din na kasing-edad ko na wala pa ring asawa kasi wala pa silang boyfriend. So bakit big deal diba? - LOOOL -

♩ ♪ Ngunit lahat ay nagbago. Nang may biglang dumating sa buhay ko. Hindi ko sinasadyang mahulog ang aking mundo sa kanya... ♩ ♪ ♫ ♬ ♭ ♮ ♯ lalalalalala

Sabi nga dun sa kanta ng Parokya ni Edgar.



Dennis POV

Love? Relationship? Hindi ako naniniwala dyan!

Noon.

Minsan na kasi akong nasaktan at iniwan. Minsan na akong naniwala na pwede akong mahalin sa kabila ng pagkatao ko.

Minsan na akong umasa na matatanggap ako at ang kondisyon ko.

Alam mo yung pakiramdam na umasa ka...umasa ka sa wala?

Pero hindi ko sila masisisi kung bakit nila ako iniwan. Hindi kasi ako normal tulad nila. Hindi kahit kelan.

I grew up In a broken home. So basically, hindi ko naramdaman ang pakiramdam ng taong may kumpletong pamilya. My parents were separated from each other when I was young. My memories of my childhood were littered with disappointments.

I felt even more disappointed when my mom decided to work abroad and left me with my dad. Lumaki ako na pariwara, gusgusin at parang walang patutunguhan.

Pero ganun talaga siguro ang fate ko.

Hindi nga kasi ako kasing swerte ng iba.

Lumaki ako nang may hinanakit sa mommy at daddy ko, sa mga tao sa paligid ko, sa kuya ko, at sa mundo.

Sinisisi ko silang lahat kung bakit naging ganito ako. Nagbabago-bago ang mood. Masaya, madaldal at pagkatapos ay biglang malulumbay at ayaw makipag-usap.

May depression

May mood disorder

In short...

BIPOLAR.

  ✲ ✲✲✲✲✲ 

Nalix POV

Tama ang nabasa nyo, nagbago ang pananaw ko sa pagkakaroon ng boyfriend mula ng makilala ko si Dennis.

Paano ko ba sya ididescribe? Hmmm...Let's start with his physical features

5'9 (172 cm) ang height

Gwapo pero di masyado makinis yung face nya.

medyo gym-buff

may sense of style

with light skin tone

Hairy

with bold and thick eyebrows

with thin kissable lips

Medyo nahahawig sya kay Sir Chief ng Be careful with my heart at medyo may pagka Luis Manzano. Ganern!

Sa personal qualities naman hmm...

mysterious

gentleman

direct

Timid

Paano ko nalaman? Simple lang, kasi naging ka-workmate ko si Dennis. Naging magkaibigan at 'NAGKAMABUTIHAN'.

...

...

Kinikilig ako. Shet lang.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Melancholic and I: A love StoryWhere stories live. Discover now