2nd year highschool na ko wala pa din akong boyfriend sigh.. ni walang nanliligaw, dami tuloy tanung na pumapasok sa isip ko. isa na dun kung panget ba ko o anung problema sa sarili ko, ee paano ba naman samin magkakaibigan ako nalang ata ang hindi pa nagkakaboyfriend tuloy minsan taag nila sakin ms. NBSB.. no boyfriend since birth daw ay saklap lang.. haha.
paano naman sobrang simple ko kasi ni hindi nga ako marunong mag ayos para sa sarili ko ee.. napaka simpleng babae bata pa kasi ako nun malay ko naman kung paano mag ayos.. minsan nga naiingit pa ko sa mga kaibigan ko yung tipong, anu kayang feeling ng may boyfriend, masaya kaya, masarap kaya magmahal pero naisip ko na "siguro masaya, masaya sila ii" pero bigla ko din naisip na "ayoko din muna siguro hindi pa ito yung oras na magkakaboyfriend ako mas ok pa yung crush, crush lang muna at kaibigan mag aaral nalang muna kong mabauti, at pag 4th year na ko siguro pede na kung magkakaroon.
3rd year na ako at hiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko kasi iba-iba na kami ng section may mga naging clasmate man ako nung 2nd year kaso di ko naman mga kasundo haist..
uso pa nun ang alpabetical seat order hanggang ngayon naman diba? ayon syempre lahat tayo pag ganun ang gusto babae ang katabi para may kachikahan pero sad to say lalake ang katabi ko.. C kasi nag start surname ko C means CULLIN "CELLIN KIT CULLIN" aka CEEKHIE. at yung lalakeng katabi ko ang hindi ko inaasahan na magiging !ST love ko.. (PUPPY LOVE)..
kaso masunget ang kua mo hindi marunong ngumiti at mamansin ,. malamang hindi naman kasi kami magkakilala pa ii tsssk..
lumipas ang mga araw naging close kami syempre alam nyo na kilig much ang ate nyo haha.. naging magkabarkada din kami pero habang tumatagal lalo ko syang nagugustuhan ewan ko ba kung anung meron sa kanya basta alam ko cute sya.. pero hindi ko sya naging boyfriend yung classmate ko kasi ang gusto niya ede ayun lonely parin ang ate nyo haha..