yesss eto na yung pinaka hinihintay ko 4th year na ako.. naisip ko tuloy "magakakaboyfriend na kaya ako?? " classmate ko kaya? "gwapo kaya?? mabait? hmmmm ay bahala na nga.
bago nananamang mga classmate ko yung iba classmate ko nung 1st,2nd, and 3rd yr tapos yung iba galing sa ibang setion at mayroon din transper ..
ayos classmate ko ulit yung friend ko nung 2nd yr kaya may kaibigan ako agad.. 4th year na ako nung maadik ako magtext, ee paanu ba naman dati di uso ang unli kaya katamad makipag textmate sayang ang load haha..
dun nauso sakin ang textmate at clan.. sikat na sikat ata sa kabataan nung ang clan ii.. dun yung makakakilala ka ng ibat ibang uri ng tao mayaman, mahirap, maganda, panget, mayabang, bastos at kung anu-anu pa..
may kilala ewan ko ba kung sa clan yun or sa textmate lang nakalimutan ko na kasi.. mabait naman sya, sweet, caring and wat so ever.. nainlove ako tamis kasi ng dila nakakdala yung mga sinasabi niya and his name is IAN.. minahal ko sya sobra unang boyfriend ii haha.. madalang kami magkita di kasi kami pareho ng skul (sad) pero medjo malapit lang naman sa luagar namin yung bahay nila. ako pa nga dati ang pumupunta sa skul nila makita lang sya ii parang tanga ko no haha 1st tym kasi ayun naexcite ata ako nu feeling ng may boyfriend..
umabot naman kami ng 3months tagal na din nun para sakin. haha 1st time ba naman magkaboyfriend kaya feeling ko matagal na haha.. alam nyo ba kung bakit hindi kami nagtagal???
secret.. :)
joke eto na sasabihin ko na.. kasi anu yun kasi.. eto n nga seryoso..
kasi madami siyang GIRLFRIEND at alam nyo ba kung pang ilan ako pang 9 pero take note hindi pa ako ang last may pang 10 pa haha.. ang gwapo kasi ng kua nio ii haha pero FEELING nia lang yun haha.. pero grabe sobrang sakit sa puso nun as in over lalo na nung nagtext ako sa kanya tapos ang nagreply ay isa sa mga GIRLFRIEND nia tapos ganito pa sabi:
kit: hi ian
gf: hi din bakit andito sya samin girlfriend nia to
kit: ay wala sige sige sorry
gf: cousin ka nya ryt??
kit: huh..
gf: kasi ang name mo dito cous'kit..
syempre ang ate nyo hindi na nakapag reply sa sobrang sakit ng nararamdaman. yun ang unang bese na mabroken hearted ako. sobrang sakit pala no.. akala ko masaya , akala ko masarap magmahal at mahalin yun pala may sakit pala na kapalit yun.. yung sakit sa puso dahil a pagmamahal..
naging kaclan ko sya kaya di ko maiwasan malaman kung may bagao siyang girlfriend uso kasi ang FT. dati diba.. tapos ka clan ko din yung mga classmates ko na girl... hanggang sa isang araw..
nalaman ko sila na ni diane classmate ko sia at friend ko din.. shoooooooooocks!!! sobrang sakit. dun na ako nagstart magloko at maggago sa pag-ibig.. ginawa kong boyfriend yung isang member sa clan namin at nalaman ko na magkabarkada pala sila ni ian ang buset kong ex. biglang pumasok sa isip ko eto na yung time para gumanti at ayun nga.. nagkita kita kami malapit sa skul nila pero syempre hindi nakatagal ang ate nyo sa sobrang sakit parin na ex mo at kaibigan mo magkasama..
nagpaalam na ko sa mga kaibagn ko kay john n bf ko sa clan at kay ian na ex ko..
kit: guys una na ko waa hapon na din naman ii..
jen: maya na girl.
diane :(gf ni ian) ou nga ala ng partner si john (sabay tawa) hahaha
kit: uwi na ko tenxt na ko ng cous ko tatambay daw kami..
ian: di umuwi ka wala ka naman kwenta wee..
kit: (biglang nasaktan sa sinabi) of fine watever feeling mo naman ikaw may kwenta gago..!!
edi alam nyo na ang drama ng ate nyo nag walk out with matching iyak pa haha.. sakit kaya nun tagos sa puso...