Jollibee 50

1.8K 119 85
                                    

Calling: Mr. Jollibee
Accept | Decline

Call connected...

"..."

"Junhui. . ."

"..."

"Hindi ka na naman ba magsasalita? May gusto sana akong itanong sayo."

"..."

"Since madaldal ka naman at sinasabi mo lahat kay Jihoon, pwede rin bang sabihin mo saakin kung anong meron kay Jihoon?"

"..."

"Wala akong alam tungkol sa pamilya niya. Wala akong alam tungkol sa buhay niya maliban kay Seungkwan, sayo, sa trabaho niya. May binanggit kasi siya kanina. . ."

"..."

"Hoy! 'Di ka ba talaga magsasalita?"

"..."

"Sabi niya iniwan siya ng magulang niya pati ng kuya niya. Diba magkakilala na kayo dati pa? Alam mo ba kung anong ibig niyang sabihin?"

"..."

"Hindi ko gustong malaman dahil lang curious ako. Kanina kasi nakita ko yung sakit sa mga mata niya habang nakatingin saakin. Siguro nga tama ka, nasasaktan siya sa ginagawa kong pag-iwas."

"..."

"Aasa na sana ako na dahil may feelings siya saakin pero sa mga sinabi niya kanina, may mas malalim pang dahilan. Lahat na lang daw ng pinahahalagahan niya, iniiwan siya."

"..."

"Hoy! Sabihin mo saakin!"

"B-ba't 'di mo siya tanungin?"

"Ay puta! Nagsalita na!"

"..."

"Ayoko siyang tanungin kasi kung gusto niyang sabihin, sasabihin niya saakin. Gusto kong malaman para maging maingat na ako sa kilos ko, ayoko na ulit makita sa mga mata niya yung sakit na nakita ko kanina."

"..."

"Ayokong umiyak na naman siya dahil saakin. Ayokong matakot na naman siya na iwan ko siya dahil nakagawa ako ng bagay na nagawa sakanya nung mga taong nanakit sakanya. Naiintindihan mo ba?"

"..."

"Nasaktan na siya ng ilang beses, nasaktan na siya ng sobra at ayoko nang maulit pa yun. At mas lalong ayokong ako ang maging dahilan. Kaya gusto kong malaman."

"N-noon. . ."

"Junhui, ba't mo ba binabago yung boses mo? Iba-iba kada nagsasalita ka e."

"..."

"Ay sorry! E ano nga?"

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon