Kung gaano kabilis naging kami ganoon din kabilis ang paghihiwalay namin.
Hindi ko alam kung paano naging kami. Nanligaw ba ako? Siya ba ang nanligaw?
Hindi ko sigurado. Ang alam ko lang paggising ko isang araw kami na pala.
Masaya ako kapag kasama ko siya, hindi ko itatanggi iyon.
Mabilis ko siyang mamiss kapag nagkakahiwalay kaming dalawa.
Pero ano nga bang nangyari at gumising nalang din ako isang araw wala na pala kami.
“Pare, yan ba ung girlfriend mo?” tanong sa akin ng isa sa mga kaibigan ko.
“Ah, oo” sagot ko naman sa kanya.
“Nagbago na ba ang taste mo sa babae?” tanong ulit niya.
Hindi kasi siya ganoon kaganda katulad ng mga nakaraan kong nakarelasyon kumbaga hindi siya gaano bibigyang pansin kapag nandyan siya, normal lang na babae. Hindi siya sexy, hindi siya payat, hindi mataba, katamtaman lang ang katawan niya. Hindi rin siya katangkaran, hanggang balikat ko lang siya.
“Hahaha! Pare! Sigurado ka bang ihaharap mo to sa sandamakmak na ex mo na aattend sa party?” tanong sa akin ng isa sa mga kaibigan ko.
Dapat sagutin ko siya, dapat ipagtanggol ko ang girlfriend ko pero iba ang binigkas ng mga labi ko.
“Hindi ah! Hindi ko siya isasama.” Sabi ko pero ang totoo gusto ko siya isama doon.
---------
“Hon, may aattendan akong party mamayang gabi. Okay lang?” Paalam ko sa girlfriend ko.
“Oo naman. Ingat ka dun” Nakangiti niyang sagot sa akin.
Isa rin yan sa nagustuhan ko sa kanya, never niya ako pinagbawalan. Lahat ng gusto ko sinusuportohan niya.
---------
Sa party…
“Pare, seryoso ka ba sa girlfriend mo ngayon?” tanong ng isa sa mga kaibigan ko.
“Haha! Oo nga pare!” pagkantyaw pa ng isa sa mga kaibigan ko.
Dala siguro ng hiya kaya iba ang sinagot ko kumpara sa gusto ko talagang isagot.
“Ano bang tingin niyo sa akin? Malamang hindi. Naglalaro lang ako” sagot ko naman.
“Yoooooooon!” sigaw nila at nagtawanan na kaming lahat.
Hindi ko alam, invited din pala siya sa party nay un, pinsan niya pala ung nagpaparty at narinig niya ang sinabi ko.
*Pakkkkkk*
Natahimik ang lahat, napatingin ako sa kung sinong sumampal sa akin.
“HON!” gulat kong sigaw. Ang girlfriend ko na hindi na maitatago ang luha dumadaloy sa mga pisngi niya ang bumungad sa aking harapan.
“Laro lang pala? G*go ka! Nagtiwala ako sayo! Sana pala nakinig ako sa mga kaibigan ko, bakit nga ba ako aasa sa isang katulad mo?! Ngayon naniniwala na ako, ang mga katulad mo hindi na dapat pinagkakatiwalaan!” sabi niya saka nag walk out na.
Pero nakakailang hakbang palang siya nang humarap ulit siya.
“Break na tayo kung tayo man talaga” sabi niya sabay pahid ng mga luha niya saka tuluyan ng umalis.
Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam ang gagawin ko.
Naging kami nang di ko namamalayan at natapos kami ng ganun ganun lang.