18;

341 21 4
                                    


hoshi's

Kumain na kaming lahat at umuwi na ang iba dahil sinabi ko na may susundo sa akin.

Natira na lang ay ako at si Dokyeom.

"Hyung gusto ko sanang mag-usap tayo." Simula niya.

Nakaupo lang kami dito sa benches salabas ng airport. Dito din kasi kami kumain dahil may mga restaurant naman dito.

"Sure! Ano ba gusto mo pag-usapan?" Sagot ko.

"Alam kong hindi maganda ang paghihiwalay natin hyung pero natutuwa ako ngayon at okay ka na." He said.

Bigla ko naman naaalala bigla ang mga napagdaanan ko ng nakalipas na tatlong taon.

"Dokyeom, alam kong ang sama ng mga ginawa ko sayo dati and im really grateful na nagkita tayo ngayon. I just wanted to say kahit matapos na ang tatlong taon na, im sorry and im really glad na minahal kita." Sagot ko.

"Noong na realize ko na hindi talaga tayo para sa isa't-isa sobra akong nasaktan. Lagi akong naniniwala na ikaw ang dahilan ng pag papagaling ko, hangga't sa narinig ko na nahanap mo na talaga siya, ang fated partner mo." Siguro bihira na lang kami magkikita kaya sasabihin ko na sakanya ang mga hindi ko nasabi noon.

"Noong narinig ko yon, gusto ko magpakamatay dahil nagsisisi ako na pinakawalan kita, pero nagkakamali pala ako. Kasi doon ko nalaman na may mga tao pala na nagmamahal sakin at kailangan nila ako. Doon ko naramdaman na kailangan niya ako." Tumayo ako at humarap sakanya.

"Dokyeom hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita. Thank you, sobrang nagpapasalamat ako sayo."

Inangat niya ang ulo niya at nakita ko ang mga luha niya.

"Hindi kasi talaga tayo para sa isa't-isa." Dagdag ko.

Hahawakan ko na sana ang mukha niya para punasan ang mga luha pero hindi ko itinuloy.

Dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag ginawa ko ito.

"Salamat hyung, uuwi na ako hahaha." Tinignan ko na lang siya at ngumiti.

Pinunasan niya ang luha niya at tumalikod.
"Hyung sa binyag na lang ah!" Sigaw niya bago naglakad paalis.

Bigla ko naman naramdaman na may yumakap sa likod ko.

Pagkatingin ko si Airine pala. The person na kahit sobra kong sinaktan ay hindi sumuko sa akin.

Noong gusto ko na magpakamatau dahil nalaman ko na may iba na si Dokyeom, siya ang nagbigay pag-asa sa akin na may dahilan pa para mabuhay ako.

She's the one who loved me so much at kayang gawin ang lahat para sa akin.

Im really glad na nakilala ko siya.

"Hahahaha!" Tawa ko ng malakas.

"Babe?? Nababaliw ka nanaman ba??" Panic niya bigla.

"Hindi, masaya lang ako. Im back Airine."
Ngumiti siya sa akin.

"Sinabi ko na sa chat kanina eh!! Pero welcome home babe!!"

-

relationshit ⇝ soonseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon