#1 Intro

212 4 0
                                    

Gabi na at gumagawa ako ng project naming essay sa table ko malapit sa bintana ng kwarto ko. Pagtingin ko sa orasan, akmang akma namang naging 11:11 pm. Nabasa ko kasi sa internet na kapag daw nahuli mo yung orasan na nagchange into 11:11, magwish ka daw kasi magkakatotoo. Kaya tinry ko naman. Wala rin namang mawawala eh.

"Sana makita ko na ang lalaking para sa akin na makakasama ko until FOREVER." Oh diba, taray ng wish ko. Atat lang talaga eh noh.

Habang nakapikit pa ang mga mata ko, nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Naku naman! matatakutin pa naman ako! Sana naman walang magpakita saken. Sana rin hindi magnanakaw, wala rin naman syang mananakaw samen eh!

Pagdilat ko ng aking mga mata, nakita ko ang isang lalaking umaakyat sa bintana sa kapitbahay namin.

"HOY!"

"Ay anak ng kalabaw! Shhhh~ miss, tumahimik ka nga." Pabulong bulong pa tong magnanakaw na to, di ko tuloy narinig.

"Magnanakaw! Tita Sunye, may magnanakaw po!!!"

"Psssh~ Hoy miss hindi ako magnanakaw! Nakatira ako dito! Ano ba! Tumahimik ka na nga dyan!" Ano dawww? Labo naman kausap nito. Korean ba sya? Hindi ko kasi naiintindihan ang mga pinagsasabi nya!

Mayamaya lumabas na si tita Sunye. Tita tawag ko sa kanya kasi matagal na kasi namin syang kapitbahay tsaka close kami nun. Sya lang mag-isa ang namamahala sa boarding house nila.

"Oh, Sohee, nasan ang magnanakaw?!" At may dala dalang walis tambo at dustpan pa talaga si tita. Maglilinis lang??

Tumalon pababa yung lalake na akala kong magnanakaw at lumapit kay Tita Sunye.

"Pasensya na po kayo. Naiwan ko kasi ang susi ko sa loob. Ayaw ko naman po kayong gisingin kasi late na."

Lagot, isa pala sya sa mga boarders ni Tita Sunye. Aba malay ko ba? Sya kaya tong umakyat sa bintana na parang magnanakaw at naka-all black pa talaga sya!

Dali dali naman akong bumababa at pumunta sa kanila.

"Sorry ha. Hindi ko kasi alam. Sorry rin po tita, nabulabog ko pa tuloy ang pagtulog nyo."

"Ok lang yun hija. Kakalipat pa lang nya kaninang hapon. Sya nga pala si Sehun.Sehun, sya si Sohee, kapitbahay natin"

"Sorry talaga Sehun. Hindi ko kasi alam." Hindi nya lang ako pinansin. Ni hindi man lang sya lumingon. Hindi ko tuloy nakita yung mukha nya. Naka-black t-shirt sya at black pants. Emo kid siguro to, o di kaya holdaper.

"Sige papasok na ako. Sumabay ka na sakin Sehun. Wag ka na ulit dumaan sa bintana."

Hindi lang sya umimik at sumunod na kay tita. Ang weird naman ng taong to. Wala pang mBomrs! Hindi talaga ako nilingon?!! Tss~

Kinabukasan, naglalakad ako papuntang school since malapit lang naman yung bahay namin sa school nang na-notice ko na para bang may sumusunod sa akin. Naku naman~ baka holdaper o adik o snatcher o RAPER? ang sumusunod saken! At hwag naman sanang asong ulol!

Kinakabahan na ako at dinalian ko ang paglalakad. Malapit na ako sa gate ng school pero sinusundan parin nya ako kung sino man sya.

"Good, malapit na ako sa gate. Nandun si manong guard, at least safe na ako." Para na akong ewan na nakikipag-usap sa sarili dahil sa kaba ko nang biglang....

BUGSHH!

Napapikit lang ako nang biglang may humablot sa braso ko.

"RAPE! TULONG! MAY NAGSNATCH NG BRASO KO! HINOLDAP AKO! HELP!"

"Tanga!" Bigla na lang akong binitiwan ng taong humablot saken at pumasok sa school.

Pagdilat ko ng mga mata ko, nakita ko ang likod nya. Naka black t-shirt at dark colored pants. Another emo? Ano ba naman yan~

(ONHOLD) Diary of my LOVE story. (EXO Maknae Sehun Fanfic) ^ㅅ^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon