Special A

1.8K 58 27
                                    

Khael's POV

Niyakap ko ang unan na may design na saging, thinking it is Special A.

"Argh! Boring na talaga dito!" Nagtatalon ako sa kama ko at nag isip ng magagawa.

Ilang linggo pa bago ang pasukan. We're now entering a higher level. Hindi na kami mga high schoolers, mas higher level na, mas complicated na ang lahat. Hays. Sana maka survive ako.
Sabi pa naman nila, being a College student means hell.

Pero naniniwala ako sa kakayahan ko. Isang Khael Alonzo yata ako.

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog at nag flash sa screen ang pagmumukha ni Silvan.
Aba, biruin mo, marunong na siyang mag video call?

Pag answer ko, handa na sana akong asarin siya pero nabitin ng makita ko ang mukha ni Amber.

"Special A!" Masayang bati ko habang kumakaway pa.

Ngumiti sakin si Amber at parang nagliwanag ang mundo ko.
"Hi Khael. Kumusta na?"

"Kanina bored na bored ako, pero ngayong nakita na kita, nawala na at sumaya na ako. Ikaw? Kamusta kayo dyan?" Nasa Hongkong kasi kami simula nung bakasyon. May inasikaso dito si Mom kaya isinama ako.

"We're good. We're here at the Vander Mansion today, Mommy is celebrating her birthday. Sinurprise kasi namin siya."

"Talaga? Hays. Sayang talaga. Dapat nandyan din ako. Anyway, san si Silvan? Bakit gamit mo phone niya?" Tanong ko. Nilayo niya sa mukha niya ang phone at nilipat niya sa mukha ni Silvan.

"Alonzo. What's up?" Nakapikit pa 'tong si mokong.

"Hoy Silvan! Akala ko nasa party kayo? Bakit nakapikit ka?"

Idinilat ni Silvan ang isang mata niya bago sumagot.
"Napagod lang ako sa pag asikaso dito sa party kanina."

"Ahhh. Sayang talaga hindi pa ako makauwi dyan."

"Kelan ka pala babalik?" Muling bumalik sa mukha ni Special A ang camera.

"Bakit? Miss mo na ba ako, Special A?"

"Patayin mo na nga yan." Narinig kong sabi ni Silvan so I just laugh.

I know, Silvan likes Amber a lot. Siya din ang unang nakilala ni Special A. Gusto ko si Amber, but I'm giving way for my best buddy since I know her feelings for me is not mutual.

I always saw the look she and Silvan shared. Yung alam at ramdam ng makakakita na there's something in them, yet they are not acknowledging it. Or maybe, ayaw lang muna nila lagyan ng label since they are young. Pero alam kong gusto nila ang isa't isa.

"Si Gray, namiss ka yata." She smile as she tease Silvan.
The smile I know that only comes out when she's with him.

Hinilot ko ng pasimple ang dibdib ko at ngumiti ulit sa kanya ng binalik niya ang tingin sa akin.
"We're not girls na ilang araw lang hindi makita ang mga kaibigan eh nami miss na agad." Sabi sa kanya ni Gray and sumimangot siya.

"Tss. Ayaw pang aminin na namimiss niya ang best friend niya."

"He's not my best friend. Tsk."

"Weh? Pero ikaw nagpatawag sa akin sa kanya? And you let me use your phone."

"It's not that I'm not allowing you to use my phone. In fact, you can use it anytime you want. Kasi lahat naman ng sakin ay sayo."

"Shut up. Korni mo." She says Silvan is nuts but her eyes and smile tells otherwise.

Nakalimutan na nga ata nila na nandun ako sa tawag dahil nag aasaran na sila. Pero pinagsasawa ko ang mata ko sa nakangiti at medyo namumulang pisngi ni Special A.
Kahit hindi yun dahil sakin.

Yes. I do like her. Pero ano pang saysay ng pagkakagusto mo sa isang tao kung alam mo umpisa pa lang na hindi kayo parehas ng nararamdaman. She's kind, sometimes mean, strong, independent and has a good heart woman.

Nung pinatay ko na ang tawag, alam ko at tanggap ko na naman sa sarili ko.
Even though I'm not her man, she will always be my special person.

My special A.

Detective Files By ShinichiLaaaabs (Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon