Chapter 1

20 5 1
                                    

"THERE are things in life that you can't have and all that's left for you to do is to just accept it and move forward."

Sa hinaba-haba ng sinabi ng Professor namin sa Psychology kanina yan lang yung nagmarka sakin siguro kasi tama naman, diba? May mga bagay na hindi mo talaga makukuha kasi hindi para sayo at kahit anong effort yung gawin mo hindi yun mapupunta sayo kasi hindi yun para sayo. And I don't know why I am having these kind of thoughts in my mind right now.

"Ehem." Napalingon ako sa harap ng room kung nasaan yung professor namin. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na napansin na nasa harapan na pala sya. Napakabutihin kong mag-aaral, hindi ba?

"Okay class, listen, I want you to debate about LOVE." pagkasabing-pagkasabi nyan ni Miss Samonte ay biglang nagsigawan yung mga classmates ko. Yan kayo eh. Dyan kayo magagaling.

"Buhay na buhay kayo pag usapang pagibig 'no? This debate is only for 2 groups and you have to choose who will be debating in front, I want all your participation. Kasi kahit hindi kayo yung nasa harapan, I'll still call you to hear your opinion." She deep sighed. Na para bang hirap na hirap yung loob nya. She is probably asking us to do this because she needs answers. I don't know. Not my business. "Sinong pipiliin mo? Yung mahal mo o yung mahal ka?" Yung mahal ko. Tinatanong pa ba yun?

Hinati na kaming magkakaklase at ako yung napili ng mga kagrupo ko na maging leader nila.

"Leaders, come here." Dahil ako nga yung leader ng group 1 kaya lumapit ako sakanya. Sakin nakasalalay yung idedefend namin, iniabot sakin ni Miss Samonte yung lalagyanan at bumunot ako and it said "mahal mo" Madali lang 'to idefend. Galing sa puso e.

"You need to defend that on our next meeting. Give your best shot. Those who will win the argument will be exempted for their prelim exam. Galingan nyong lahat." Nakangiti saad ni Miss Samonte bago lumabas. Ngiting pangasar, exactly. Nakakainis din. Di ko alam kung anong mas maganda. Prof na matandang terror o Prof na bata pero ang lakas mangtrip? Ang sakit sa ulo.

Dapat kami yung manalo. Tinatamad akong magreview.

Tumayo na ko at lumabas ng room ng biglang may sumulpot sa harapan ko.

"Ano ba yan Nathan! Feeling ko nalaglag yung puso ko dahil sa gulat! Umayos ka nga!" Singhal ko sa kanya na ikinangisi lang nya at sinampayan pa ko ng kamay sa balikat ko.

"Badtrip ka na naman, Okay lang malaglag, bes. Sasaluhin ko naman eh." At kinindatan pa ko. "Tara, libre kita."

Sya si Nathan. Nathaniel Sarmiento, sya yung dahilan kung bakit nadadalian ako sa topic namin, magbestfriends kami at mahal ko din sya. Hindi naman ako assumera pero alam ko at ramdam ko na katulad ko may nararamdaman din sya sakin. Sakin lang naman sya ganyan kumilos.

"Dude, binabakuran mo na naman si Hillary kaya walang nanliligaw dyan eh." Nakangusong saad ni Eros habang kinukuha yung body bag na nakasabit lang sa balikat ko at naparoll eyes na lang ako. Kung makapagusap kasi parang wala ako dito ah! Sya nga pala si Ezekiel Eros Esquivel or Zeke for short pero I prefer calling him Eros, I am the only one who is allowed to call him that. I smirked. I don't know but it warms my heart

"Para namang gusto kong may manligaw sakanya." Sagot naman nitong si Nathan. See? Di ako nagaassume pero pareho talaga kami ng nararamdaman. We are just taking this relationship slowly because that's how it should be though hindi naman talaga namin yun napaguusapan. Pero halata naman diba? Saka sabi nga nila, "Actions speaks louder than words."

"You're whipped, Tol!" Tumatawang sabi ni Zachary Reid Del Valle na nasa likuran ko na pala. Hindi ko alam kung kanina pa ba sya dyan, since nakatalikod ako kaya di ko sya nakikita.

"Hill, dito!" Lumapit kami sa table na inuupuan ni Greg, nasa gitna ng cafeteria yung table na napili nila. They love attention that much. Tapos hinila nya yung kamay ko at pinaupo sa katabing upuan nya. Sya naman si George Miguel Buenaventura.

Magkababata sila Nate, Zeke, Zac and Greg at hindi ko rin maintindihan pero sobrang sikat nila sa school, simpleng magaaral lang din naman sila, mga gwapo nga lang at mayayaman. Ang swerte ko ba? Ewan. Pero hindi din, pinapanangga nila akong lahat sa fans nila eh. Kung hindi man sa obsessed exes naman nila. Ang gagaling nila, hindi ba?

"Hoy! Ano yan? Tabi kami ni Hill!" Hindi maipinta yung mukha ni Nathan habang sinasabi yan. Napakaswerte ko lang na nilalang. Yung taong gusto ko, gusto din ako. Isa akong pinagpala. Lol.

"Panget mo dude!" Sambit ni Eros habang tumatawa.

"Wag nyo na pagkaisahan si Nate! Kayo talaga!" Natatawa ko ding sambit.

"Ayun! Pinagtatanggol!"

"Gwapo! Pa-autograph, Tol!"

Pinagsisigaw ni Greg at Zac sa Cafeteria na kinapula ng pisngi ko at nagsmirk pa 'tong pasimuno ng lahat at nagwink pa!

Nasa center table kami! My Goodness! Ang daming nakikinig, ang daming naiinggit at madami ding namamangha kasi di nila alam na ganyan pala kachildish yung idols nila.

"Bagay si Hill at Nate 'no?"

"Mali ka. Mas bagay si Zeke kay Hill at si Nate naman ay bagay sakin." Napakunot noo ko nung narinig kong sinabi yun nung mga nasa likod ko. Haharap na sana ko sa kanila pero napatigil ako dahil sa narinig kong sinabi nung isa pang kasama nila.

"Tingnan mo yung kislap ng mata ni Zeke habang nakatingin kay Hill. Parang si Hill lang yung babaeng nakikita nya. Diba? Grabe lang." Napatingin ako kay Eros para kumpirmahin yung sinasabi nung dalawa sa likod ko at hindi ko mawari kung anong kislap yung nakikita nila when in fact he has his dead set eyes staring at Nate while gritting his teeth. Moody na naman sya, palagi naman ganyan. Inaaway na naman nya sa utak yung future boyfriend ko! Tinadyakan ko na sa paa para ako naman ang tingnan nya at ang hudyo kinindatan lang ako nung nakita nya kong nakatingin sakanya.

Seriously? Ang laki ng sapak ng taong 'to?

Nawala yung atensyon ko sakanya nung naramdaman kong may nakasampay na naman na kamay sa balikat ko. Sino pa nga ba? Edi si Nate. Imposibleng si Eros dahil nasa harap ko sya. Sila lang naman dalawa mahilig sa ganyang gestures. Ay mali! Sila palang lahat!

Pero alam kong si Nate yun dahil masyadong familiar sakin yung pabangong naamoy ko. Yun yung niregalo ko sakanya nung Christmas eh.

Naglean sya sakin tapos bumulong sa tenga ko, "sabay tayo umuwi, ah? Hatid kita sainyo. May sasabihin ako sayo eh." Then he chuckled after saying that.

Nagnining-ning yung mata kong napatingin sa kanya, aamin na sya sakin! OMG! Damn it! Parang sasabog yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok at ramdam na ramdam ko din yung pagwawala ng mga kulisap sa tyan ko. OMG!

"S-sige." I muttered. Get a grip of yourself, Hill! Dalagang pilipina tayo! Wag mong ipahalata na dead na dead ka sakanya! Ano ka ba naman.

Naramdaman kong may sumipa sa paanan ko kaya napaangat yung ulo ko para tingnan ang may sala. Si Eros, ginagantihan ako sa ginawa ko kanina at sakin naman sya nakatingin ng masama. Tinaasan ko lang sya ng kilay at sumandal na lang ulit sa balikat ni Nate. Sobrang bango!

Nakita kong may crinumple si Eros na tissue at binato kay Nate. "May sarili na naman kayong mundo na parang wala kami dito." He said that ng nandidilim ang mukha. Inaano ko 'to? Di ko na nga sya pinansin at ginantihan nung sinipa nya ko kanina eh. He stared at me longer then walked out. Galit na naman ang hari at hindi naman alam kung anong dahilan.


~▪🌟▪~

Unedited, forgive my grammatical errors and/or misspelled words if there is. Thanks for reading!

-RoanneXYZ 💕

Just South of Knowing WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon