- Chapter Eleven -

692 46 45
                                    

Gemini Ysabelle's POV

Pagkatapos ng performance ni Kernel which is sya ang last contestant, umakyat na sa stage si Mr. Cortez na may-ari nitong university na tatay ni Vincent.

Nagbigay lang sya ng congrats sa mga staffs, nagpathank you, nangaral, blah blah blah.

Then announcing of winners na.

Kahit naman wala ng computation sa criteria, halata namang si Aries na ang panalo. Actually he has all the criterias. Kung ako lang ang judge, panalo na panalo na sya.

Hindi naman sa bias ako, pero ganon na nga.

Pero deserve naman kasi nya!

Pagkatapos ng paraffle, umakyat na yung emcee para sa winners.

"Our third runner up goes to....." Tumigil muna sya at tumingin sa papel. "Congratulations Mr. Nathaniel Cunanan!"

Mula sa backstage, lumabas si Nathan ng nakangiti. Habang yung mga judges including Mr. Cortez ay umakyat at kinamayan sya at binigay ang maliit na trophy pati narin yung cash.

Naalala ko nanaman tuloy yung first encounter namin ni Mr. Cortez. Sobrang sama tsk tsk. E bwiset naman kasi non si Vincent, ipakilala ba naman akong girlfriend sa tatay nya?

"Our second runner up goes to..." Again, tumigil sya at tumingin sa papel. "Congratulations Mr. Kelsey Francisco!"

Nilabas ko agad ang phone ko at pinicturan si Seysey. Agad naman nya akong nakita kaya nakangiti sya sa mga picture ko.

Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita si Monique na masayang nakatingin kay Seysey. Tsk tsk.

She really has a crush on him.

Biglang nag ring ang phone ko kaya sinagot ko at medyo lumayo ako ng konti.

"Papa?"

[Anak.. Umuwi ka dito sa bahay mo. Ngayon din.]

Pagkatapos nun inend nya na ang Call.

Bakit di nalang sya nagtext?

Habang napapaisip ako, di ko namalayan na naawardan napala yung first runner up which is Jean Delavin. Inabot narin sakanya ni Mr. Cortez yung trophy at cash.

First time nyang maging first dahil lagi syang winner. But I know he's humble at inaaccept nya lahat with heart.

At dahil sya nga ang first, natural na si Kernel na nga ang winner! Kaya napuno ng hiyawan dito at palakpakan hindi paman sya natatawag.

"Congratulations to our winner Aries Zeon Tan! A round of applause for him." Sigaw nung emcee.

Kahit naman di na nya sabihin na pumalakpak kami, sobrang dami na ng pumalakpak.

Meron pang mga grupo ng babae na umakyat sa upuan nila at itinaas ang mga kanya kanyang banner.

Whew! Grabe ah?

Tumingin naman ako sa stage kung saan kakalabas lang sa stage ni Kernel na halata pang umiyak pero nakangiti. Mas lumakas ang hiyawan dito.

Sinalubong sya ng aming judges at kinamayan pati narin kinongratulate sya. Inabot naman sakanya ni Mr. Cortez yung trophy pati narin yung Cash at nagkamayan sila.

Then pumwesto sila para sa picture taking.

After nun, bumalik na sya sa backstage.

Para sa closing remarks, magsasalita si Mr. Cortez at pati narin yung ibang guess judges.

"Maraming maraming salamat sa suporta nyo sa event na ito. Congratulations to all the winners specially the first runner up Mr. Delavin and our winner Mr. Tan." Nakangiting sabi ni Mr. Cortez. "Next time nalang siguro sasali ang anak ko na si Vincent kapag hindi nako kasali sa judge at baka maging bias ako hahaha!" Biro pa nya.

Love In The Train Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon