01: First Encounter

10.5K 124 5
                                    

Keithen Arianne Gonzales
(Point of View) 

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko sa side table ko at agad na tumayo kahit na ramdam ko parin ang antok.

Naniningkit na nag unat ako ng katawan ko at agad na bumaba nang maamoy ko kaagad ang niluluto ni mama.

Bacon and Egg  ♡(∩o∩)♡

"Good morning po, ma!" bungad ko kay mama na abala sa pagluluto at agad akong napaupo sa may dining area namin. Napahikab pa ako ng ilang beses dahil ramdam ko parin yung antok.

"Ang aga mo yata ngayong nagising?" Inilapag naman ni mama yung bacon and egg sa table na nasa harapan ko tyaka umupo.

"Ah.. o-opo," luminga linga pa ako sa buong bahay para hanapin ng paningin ko si kuya Zeke pero wala siya. "May biglaan daw po kasing meeting sabi nang mga co-officers ko. Alam niyo naman ma, strikto don.. dinaig pa sa college eh senior high lang naman." Pagmamaktol ko. Tinawanan lang ako ni mama at tumayo ito para kunin ang tubig sa ref.


"Syempre, anak, ganyan talaga. Tuturuan talaga kayo paano maging responsable sa buhay. Pagkatapos niyan, college ka naman na. Pag-tiisan mo nalang."  Iniabot pa ni mama saakin yung french toast at napanguso nalang akong kumain.

"Si kuya Zeke pala, ma? Pumasok naba 'yon?" parehas kaming napalingon ni mama ng makarinig ng mga yapak sa hagdanan. Si kuya Zeke na kakagising lang.

Naniningkit pa ang mga mata ni kuya Zeke habang pababa at papunta sa direksyon namin. Kakagising niya lang at wala pa siyang top na suot. Lakas din ng loob nito maghubad ng ganyan, eh! Kala mo tambay lagi sa kanto. Buti hindi nagkakasakit si kuya sa kalokohan niya! Hilig kasi matulog ng walang pang itaas.

"Mag almusal na kayong dalawa para di na kayo ma-late." Tumango naman ako at agad na kumain. Hinatak naman ni kuya Zeke yung upuan sa tabi ko at kitang kitang kong inaantok parin siya. Mukhang napagod to sa video games.

"Kumain kana," bungad ko nang tignan lang ako nito at hindi pansinin. Mukhang hindi maganda ang gising.. Ang sungit! Sabagay, ganyan naman na talaga ang ugali niya. Palaging seryoso na ang sungit sungit!

Sumabay na saamin si mama at nang matapos kami kumain, naligo na ako at agad na nag toothbrush. Pagkatapos non, nag-prepare na ako at bumaba para antayin si kuya Zeke. Sa kanya kasi ako sumasabay sa tuwing pumapasok ako dahil iisa lang ang university na pinapasukan namin.

Nakita ko narin na prepared na si mama at mukhang papasok na rin siya sa trabaho. Umupo naman ito sa tabi ko habang abala sa pag lalagay ng relo.

"Mauuna na ako sa inyo, anak." tumayo ito at kinuha ang handbag at susi ng kotse niya. "Kayo na ang bahala ng kuya mo rito ha?" tumango naman ako at agad na itong umalis para pumunta sa resto na pagmamay-ari namin.

Bumaba naman na si kuya Zeke at abala sa pagsusuklay. Habang pababa nakasukbit sa kabilang balikat niya ang bag niya. Nakauniform narin ito at basa pa ang buhok nang biglang huminto sa harap ko at inayos ang anggulo ng buhok niya.

"Oy! Ezekiel! late na ako, tara na!" pang-aasar ko at agad na tumayo para kunin ang gamit ko na nasa table sa harapan ko. Narinig niya 'yon at tinigna niya ako ng masama. "Char! Tara na kuya! Anong oras na, oh!" Tinuro ko pa yung wall clock.

"Mauna kana kung gusto mo." seryosong sagot niya habang abala sa pag aayos ng gamit niya. Napa-buntong hininga naman ako at pinag krus nalan ang mga kamay ko sa dibdib ko.

He's My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon