Finally

3.3K 53 11
                                    

"p-panong si ate krisha yun? mabuting tao yun saakin. tsaka close ang family namin sa kanila."

para akong mawawalan ng malay sa mga nalaman ko.

damn, si ate krisha? bakit naman.

pakiramdam ko wala na akong mapagkakatiwalaan..

"malaki ang galit ni krisha sa inyo.. sa family nyo. kaya ganon na lang sya maghiganti."

"no...."

"pero yun yung totoo ariane!"

"pero bakit hindi sinabi saakin ni allyson to?"

"ayun ang iniingatan ni allyson. na malaman-"

"malaman na ano?"

"malaman mo na matagal nang inaasam ni krisha si stephen."

parang nagbubuhol buhol ang utak ko dahil sa mga nalaman ko.

"s-si... a-ate krisha... ma-may pagnanasa kay stephen?.."

di ako makapaniwala..

"oo ariane.. matagal na. kaya nya nagawang lokohin ang kuya mo dahil doon. dahil ang totoo ay gusto nyang makuha si stephen sayo. palabas nya lahat ng minahal nya ang kuya mo. at kagagawan nya ang pagka away ni jc at zeke. pinlano nya yun dahil malaki ang galit nya sa pamilya nyo."

"pero bakit?"

"dahil ang papa mo raw ang dahilan kung bakit bumagsak ang companya nila. ang papa mo ang dahilan nya sa lahat dahil inagaw nyo daw ang dapat sa kanila. pinatigil na sya ni dave sa kalokohan nya pero matigas si krisha kaya mas lalo syang nagagalit sa inyo. lalo na sayo ariane. inagaw nyo na raw lahat, pati ba naman daw si stephen inangkin mo. matagal nya nang gusto si stephen. at hindi si zeke. ginawa nya lang yun dahil gusto nyang mapalapit kay stephen. hindi nya minahal ang kuya mo kundi ginamit nya lang ang kuya mo para mapalapit kay stephen. si dave ang nagpapunta kay krisha sa amerika para patigilin ang kapatid nya sa binabalak nya. ayaw na ni dave ng gulo. sadyang si krisha lang ang may sama ng loob."

"minahal sya ni kuya zeke... halos umiyak gabi gabi ang kuya ko dahil sobra nyang mahal si ate krisha. pero... sinaktan nya ang kuya ko. at ginamit nya pa si kuya jc para mag away ang mga kuya ko."

bahagyang tumango si blaze.

"tinuring namin syang pamilya namin pero ganon nalang ang ginawa nya saamin.. diko inaakalang magiging ganon si ate krisha."

"mag ingat ka nalang sa kinikilos ni krisha. balita ko kaya sya umuwi ng pinas ay para guluhin at sirain kayo."

napailing iling nalang ako.

bago kami magharap ni krisha, kaylangan ko munang mahanap si stephen.

Blaze Alcantara.

alam ko na nakamasid lang sa paligid namin si krisha.

noong huli naming pagkikita ni ariane dito sa may riverside sa moa, nakita ko sya sa may isang gilid at nakasalamin.

alam ko na kami ang pinagmamasdan nya.

at alam ko na may binabalak sya.

hindi ko alam pero sumilay ang kaba ko.

may posibilidad kayang may mas titindi pa sa problemang to kung sakaling magbalik si krisha at maghiganti?


Ariane Gonzales.

ilang araw, buwan nang nakakalipas pero hanggang ngayon wala ka paring paramdam saakin.

para akong isanh batang naagawan ng candy at umiiyak dahil diko na kayang kunin at ibalik saakin ang bagay na iyon.

He's My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon