Chapter 25-Double Purpose (File II)

1.9K 88 14
                                    

Charmwell's POV

Nandito kami ngayon sa labas ng kwarto ni Zhey.

Tsk. Pasaway. Nasabihan tuloy ni Gab ng Prinsesa ka di ka mandirigma! Dapat kasi ang sinabi niya, Abnormal na tao ka! Di ka human shield!

Kung gising lang si Zhey, kanina ko pa sinabi yun.

Nasa loob si Dr. Zydrick at si Lein. Ang cool nga kasi inaassist ni Lein si Dr. Zydrick.

"Charm. Inilatag na namin ang mga possible cases na may kinalaman kay Zhey. Alam mo naman si Zhey maraming kriminal ang binalian nun.",ang sabi ni Bien.

"Pero walang sasalubong sa kanila kapag lumabas na sila.",ang sabi ko.

"Alam naming nag-aalala ka para kay Lady Zhey pero kailangan ka ng SOC. Kailangan ka nila para sa pagtugis sa mastermind na gustong pumatay kay Zhey. Kailangan nila ng Sniper na katulad mo.",ang sabi ni Kuya Jhonmar.

"Bakit? Sniper ka rin naman ah?",ang sabi ko.

"Paano mo nalaman?",ang tanong niya.

"Bago kasi dumating ang mga taga-SOC, nagkwentuhan kami ni Zhey about sa mga taga-SOC noon. At sinabi niya parang combination ka daw namin ni Aubrey.",ang sabi ko.

"Nakakahiya naman. Nga pala magsisimula na ang pagpupulong niyo. Ako nang bahala dito.",ang sabi ni Kuya Jhonmar kaya naman nagpunta ako sa library ng mansion.

Nang makarating ako ay nakita ko ang mga folder ng mga hinawakang kaso namin noon.

"Mr. Briones ito na po ang lahat ng files na may kinalaman sa mga nahuli at naipakulong na kriminal noon.",ang sabi ni Janella at inilapag ang sandamakmak na mga files.

"It's too formal. Kahit Kuya Albert na lang ang itawag niyo sa akin.",ang sabi ni Kuya Albert.

Sa dami ng files na ito mahihirapan kami nito.

"Mukhang tumaas ang crime rate ng Galen ngayon. Pero mas mataas ang crime sa Millon High.",ang sabi ni Kuya Albert.

Patuloy akong tumingin sa mga files nila.

"Christian Alvarez. Suspect noon sa pagkitil sa buhay ni Karmela Evangelista. Ginamit niya noon, scalpel. Naalala kong friname up niya rito si Lein. Pero alam nating lahat na imposible yun dahil nagsleep over tayo noon sa bahay nina Chielo.",ang sabi ni Bien.

"Francis Perocho. Suspect naman noon sa pagpatay kay Susie Gutierrez. Pinalitan niya ng digitoxin ang digoxin na gamot ng biktima. Kaya naman namatay ang biktima.",ang sabi ni Chris.

"Pero may alam ba kayo na suspect na gumamit ng baril?",ang tanong ni Kuya Albert.

"Meron. Sa pagkakaalala ko, Tristan Nerona ang pangalan niya.",ang sabi ko.

"Ah naalala ko pa ang kasong iyan. Siya yung estudyante na salarin sa pagpatay sa limang estudyante. At lahat sila namatay sa pamamagitan ng isang tama ng bala sa ulo.",ang sabi ni Janella.

"Naalala ko pa noon na nadeflect ko noon ang balang iyon dahil ako ay nasa rooftop noon at binaril ko ang balang tatama sana noon kay Freya, yung isa sa mga prime suspects noon.",ang sabi ko.

"Bakit parang pamilyar ang pangalan niyang yan?",ang sabi ni Kuya Albert.

"Oo nga no?",ang sabi ni Aubrey.

"Di ba may kapatid siya?",ang sabi ni Artemis.

"Sa pagkakaalala ko, noong panahon na nahuli natin siya ay Grade 9 na tayo noon.",ang sabi ni Bien.

"Pero bakit hindi ko alam ang tungkol sa kasong iyan?",ang sabi ni Gab.

"Malamang wala ka pa noon dito.",ang sabi ni Janella.

Private Eye's Case Files (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon