Chapter 8-Void of Yesterday

2.4K 94 5
                                    

Gab's POV

It's been 3 weeks nang malaman namin ang tungkol sa dalawang journal. And what's more? Charm's cousin we're also studying here. Kaya naman ang hinayupak kong bestfriend ay palaging nandun sa room dahil kay Katty.

Sinasabi ni Artemis na nabasa niya ang journal ng isa sa mga orihinal na miyembro ng SOC na si Filomena Sarabia.

Pero dahil sa laki ng taon at kakulangan ng ebidensya at testigo, mahihirapan kaming lutasin ang kaso. Isa pa wala namang nabanggit na may tumestigo laban kay George Hernandez.

Pero ang isang malaking katanungan ay bakit si George Hernandez ang tinutukoy na si Trickster? At ano ang naging batayan ng Lolo ni Miss Rizza at ng ibang miyembro?

Totoo nga ang sinabi ng Lolo ni Miss Rizza. It is a complicated case that make our mind boggle.

Kung may clue man na kayang maglead kay Trickster. Pero bakit hindi naka-indicate kay Mr. Lucas na journal ang totoong katauhan ng Trickster?

"Abno?"

Siguro ay hindi siya sigurado kung si Sir George nga si Trickster. Pero kung ganun nga, hindi ba dapat sigurado na siya. Pero bakit nananatiling misteryo ang kasong ito? Ano nga ba ang ginawa ni Trickster 55 years ago?

"Abnormal?"

Bakit nga ba nabuo ang club na ito? Sino nga tumutulong noon kay Trickster makalusot mula sa gulo?

"Hinayupak na abnormal!"

Nagising ang diwa ko nang makita ko si Zhey.

"O ikaw pala, My Ass. Bakit ka narito?",ang tanong ko.

"Dito lang naman ako madalas tumambay kapag inaantok ako sa mga subjects ko. Eh ikaw bakit wala ka sa klase? Tsk! At isa pa di My Ass ang pangalan ko!",ang sabi niya.

"Katulad mo tinatamad rin. ",ang sabi ko.

"Ang payapa dito ano?",ang sabi niya sabay tingin sa asul na ulap.

"Oo nga eh bago ka pa dumating.", ang sabi ko.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Suntukan na lang oh!",ang sigaw niya at nakaporma na ang kanyang kamao.

"Nah. I hate violence. That's why I'm going to make you as my pillow.",ang sabi ko sabay higa sa may lap niya.

"Oi bumangon ka nga jan! Hindi kita pinapayagan na humiga jan!",ang sigaw niya.

"Will you stop nagging? Let me sleep.",ang sabi ko at ipinikit ang mga mata ko. Sa pagbigat ng talukap ng aking mga mata sumalubog na naman ang ala-alang pilit kong kinakalimutan.

Isang bata. Isang batang lalaki na nakaupo sa sofa.

Nagbabasa ng A Study in a Scarlet ni Arthur Conan Doyle.

Narinig niyang nag-aaway ang kanyang mga magulang kaya naman agad napatakbo papunta sa study room.

"Sawang-sawa na ako! Lagi mo na lang inilalagay sa alanganin ang buhay namin ng anak natin! Hindi mo ba naisip na sa mga ginagawa mo sa organisasyon ay maaaring may bumalik rito para patayin ka?! Raphael! Tama na. Magpakalayo na tayo!",ang pagmamakaawa ni Mom.

"Hindi maaari.",ang pagmamatigas ni Dad.

"Dahil ba kay Celestine?! Mahal mo pa rin siya?! Sabihin mo?!",ang sigaw ni Mom.

"Oo! Mahal ko pa rin si Celestine!",ang sigaw ni Dad at binaril si Mom.

"M-Mom.... Mom!",ang sigaw ko nilapitan si Mom.

Private Eye's Case Files (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon