Chapter 3:

1 0 0
                                    

Xyrene's POV:

Bago pa ako muling sermunan ni Tiyang sa paglalakwatsa ko kagabi ay nag-ayos ayos na ako para pumasok sa eskwelahan. Masakit pa ang katawan ko pero kailangan kong pumasok. At lalong di ko maaaring pansinin ang kaartehan kong to dahil baka pati sa trabaho ay atakihin ako ng katamaran.

Nag-aaral ako sa isa sa mga sikat na private university sa Pilipinas, ang University for Business Courses. Dito ako ipinasok ng aking magandang magandang nanay para naman daw sigurado ang future ko.

Pero dahil nga dakilang epal ang tiyahin ko tuition ko lang ang ibinibigay nya at bahala na ako sa allowance ko. Di ako pweding magsumbong kasi ayokong mag-away sila ni mama, sila nalang ang natitirang magkamag-anak at ayoko na din na mag-alala pa sya sakin. Kaya no choice ako kung hindi magtiis.

Nagtatrabaho naman ako sa isang coffee shop malapit sa school ko. Kaya pagtapos ng klase ko doon na ako dumidiretso. Wala namang problema sa amo ko dahil alam nya ang sitwasyon ko.

Bago pa ako tuluyang malibang at mahuli sa klase, umalis na ako ng bahay. Naririnig ko pang sinesermunan ni Tiya ang bunso nyang anak. Kawawang Angela.

Mabalik tayo sa nangyari kagabi, totoo ba? Juskoooooo!
Sinuko ko na talagaaaaaa! Nakakalokaaaaaa! Wala pa akong 18 at kakasimula ko pa lang sa college. Baaaaaakiiiiit?

Sinampal sampal ko ang sarili ko para matiyak ko na di ako nananaginip. Masakit. Hehe. Gising na gising ako.
Juskoooooo. Hindi. Huhuhu. Paano na?

Inisip ko ulit kung paano nangyari. Bakit humantong doon.
--

Naglalakad ako pauwi galing sa coffee shop. Nag-overtime ako kasi absent yung kapalit ko dapat. Biyernes naman kaya ayos lang. Isa lang naman ang subject ko bukas at wala akong pasok sa coffee shop.

Pagdating ko sa malapit sa park, may nakita akong lalaki sa duyan. Para syang pamilyar. Lumapit ako sa kanya. Nakita kong nagtataas-baba ang balikat nya senyales na umiiyak sya. Pero bakit?

Hahawakan ko sana yung balikat nya at dadamayan ng bigla syang nawala. Charoooooot
Romance to te. Romance. Hindi horror.

So ayon, hahawakan ko na sana yung balikat nya ng bigla syang nagsalita.

"Leave me alone. Please."

So, tumalikod na ako. Leave me alone daw e.

Pero nung paalis na ako, hinawakan nya kamay ko. (Ay! Tyansing to!)

"Im sorry. I thought you're Irish. Can you please spend a little time with me? I just cant afford to be alone now. I need someone to talk to. Someone who'll listen. Someone i could lean on."

(Pakitranslate naman po. Huhuhu charooot)

Sino kaya si Irish? Jowa nya? Mukhang problemado sya so tinabihan ko sya. Napansin kong ang dami na nyang nainom. Nakayuko lang sya at pana'y kwento ng problema nya. Nakakaawa naman sya. Ang hirap palang maging mayaman. Sino kaya to? Mukhang gwapo hehehehehehe.

Sana humarap sya, sana. At mukhang narinig nya ang iniisip ko (ano daw?) humarap sya sakin, oo humarap sya. nagulat ako. Naaagnas na yung mukha nya. (Charot ulit. Di to horror no!)

So ayon, nung humarap na sya, mga bebe! Yung crush ko palaaaaaa! Kyaaaaaah! Si Hiro Javier mga besh. Si Hiroooo. Oh aking Hiro. Hindi ko pinahalata na kinikilig ako. Pero ang gwapo nya talaga. Pag lasing lang ba nya ako matitignan ng ganito? Hays. Sana araw-araw syang lasing! (Kakire)

Unti-unti syang lumalapit sakin. Tapos tapos, nung hahalikan na nya ako......

Nagsuka sya.

Oo mga bes. Nagsuka sya. Anak ng pitumput pitong puting tupang punyeta. Sinukahan nya ako. Kadiri mga bes. Tapos bigla syang nadukdok sa balikat ko.

**

Not AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon