Chapter 1
Going Back to BeforeM I R A I H A N
"Mirai! Wake up! Malapit na mag—"
Mabilis akong bumangon at tinakpan ang bibig niya. Grabe naman 'tong kambal ko. Ang aga-aga pa nag-ala orasan na! Gusto ko pang matulog!
"Maya naaa!" Tinanggal ko ang pagkakatakip sa bibig niya saka bumalik sa pagkakatulog sa aking comfy bed.
Hays! Ang sarap talagang matulog—
"No can do! Ano ka ba, Mirai? Ngayon natin im-meet ang pamilya ng fiancé mo!" Bigla akong napabangon uli. Ay syeteng patis! Ngayon nga pala iyon!
"Sorry, Hea! I forgot." I smiled apologetically bago kumaripas ng takbo papunta sa banyo. For the first time in my life, nagpasalamat ako na may sari-sarili kaming mga banyo. Tapos tiled floor pa with bathtub and shower.
Well, perks of being rich.
Bago ko pa maisara ang pinto ay biglang sumigaw si Hea. "Don't forget to put your make-up on!" Sumagot pa ako ng 'Oo' sa kaniya bago tuluyang isinara ang pinto ng banyo.
Nagsimula na akong maghilamos at pagkatapos ay magsepilyo. Kainis naman. Ano na kayang oras? Ang alam ko, 8 AM ang time of meet-up.
Habang nagsesepilyo ako, napaisip ako bigla. Buti pa iyung pamilya ng fiancé ko, makikilala ko. Pero iyung mismong fiancé ko, hindi. Hay, buhay. Iintindihin ko nalang. Eh sa pumayag naman ako kahit hindi pa ako sure sa arranged marriage na 'to.
Kasi naman, I'm just 16! I'm only a mere highschool student kaya bakit naman maiisipan ng mga magulang ko na magkaroon ako ng fiancé biglaang di'ba? But me being me, I'll keep understanding. Wala eh. I'm their good girl. Hindi naman ako katulad ng kambal kong si Hea. She's the bad girl type. Pero napakabait niya naman sa'kin kaya thankful ako.
Ayish. Kumuha ako ng tubig at inilagay sa baso na kinuha ko malapit sa sink saka ako nagmugmog. Dapat tigilan ko na 'tong mga iniisip ko! Baka ma-late pa ako. Kawawa naman ako kapag masesermonan ako nina Mama at Papa.
Kumuha ako ng isa sa mga towel na nagpatong-patong sa mini-shelf na nakakabit sa cream walls ng banyo at pumunta sa tabi ng bathtub para makaligo na ako. I have a long day today.
Isinara ko iyung curtains tapos ini-on iyung shower na siyang nakapag-pasigaw sa'kin.
"KYAAAH! ANG LAMIG—SHEEETTT!" Mabilis akong umiwas sa parteng nababasa ng shower at sinet sa warm ang temperature ng tubig.
Wooh! Ang lamig nun ah. Graabee!
Nang maramdaman kong warm na ang tubig, saka uli ako sumalang sa shower. At gaya ng usual kong gawain, kumanta ako.
"Lagi kong naaalala~ Ang iyong tindig at porma~ At kapag siya ay nakita, kinikilig akong talaga~ Ah~ 'Di naman siya sobrang gwapo~ Ngunit siya ay type na type ko~ Bakit nga ba ganiyan, ang tinitibok ng puso ko?~"
Hindi ko na kinanta pa iyung chorus. Hindi ko kaya, masyadong mataas.
Pagkatapos kong maligo ay tinuyo ko muna ang katawan ko bago kumuha ng bagong towel at ipinulupot iyon sa katawan ko. Kumuha pa ako ng isa para ipulupot sa ulo ko. Ayan! I'm finished.
Pagkalabas ko ay doon lang ako nagsimulang kabahan.
Ay nalokong tinapa!
Anong gagawin kong ayos sa sarili ko?!
R E E C E H E A
"Ree, can you fetch your sister upstairs? She's taking too long."
Tinanguan ko si Mama saka agad na nagtungo sa taas. Ba't ang tagal ni Kambal? She's taking too long. Pag-akyat ko ay sa kwarto niya ako dumiretso. Ngunit ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko matapos kong buksan iyung pinto ng kwarto niya.
What in the world?!
Ang gulo ng kwarto niya! Hindi naman ganito iyung nakita ko kanina. What happened? It's as if a tornado came rushing in here. Maraming nagkalat na damit sa bawat sulok ng kwarto. Kahit sa higaan meron. But what surprised me the most was when I saw Mirai's face.
Pfft! She looked absolutely like a clown from a circus!
It took me a great amount of self-control to prevent myself from laughing. Seriously, mukha talaga siyang clown. HAHA!
Doon lang nag-register sa utak ko ang mga nangyayari. Oo nga pala. Mirai doesn't know how to fix herself. Kaya siguro mukha siyang tambay sa kanto dahil sa suot niya. Nakatuck-in iyung hati ng red long-sleeved shirt niya tapos iyung hati nakalabas. Nakasuot din siya ng oversized maong pants na abot hanggang paa niya tapos nakatupi pa iyon sa dulo. Oh, God. Ano na bang nangyari sa fashion sense ng babaeng ito?
Siguro noong nagpaulan si Lord ng taste sa fashion, ayun at nagkukulong lang siya sa kwarto niya habang nanunuod ng anime. Really a weirdo. Pero mahal na mahal ko iyan. She's my other half, my other self and my other personality. She's my complete half. And I'll not just hurt anyone who dares to lay even a finger on her.
"Heeaaaa! Huhu! Tulooong! I don't know what I'll wear! Hindi ko din alam kung paano maglagay ng make-up." Naka-pout na parang bata niyang sabi.
I really find her cute when she does that. Well, pouting.
Ngumisi ako sa kaniya. "Leave it to the goddess, Mirai."
After a few minutes...
Isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa mga labi ko dahil sa nagawa kong transformation kay Mirai. This is one of the best so far.
Namamangha niyang tinignan ang salamin sa harap niya. Fair makeup lang ang nilagay ko sa kaniya dahil maputi naman na siya. Hindi niya na kinailangan ng false eyelashes dahil dati ng mahaba ang mga pilik-mata niya. Bumagay naman sa kaniya iyung pink lipstick niya.
Ayaw kong gamitin niya iyung red. Bagay niya naman pero mas gusto kong pink nalang. Para innocent and kind ang dating niya. Ayaw kong balang araw ay maging kagaya niya ako na playgirl, warfreak at maldita sa ibang tao. It makes me sad.
Nginitian ko siya nang tumingin siya sa'kin. Dahan-dahan siyang tumayo at nahihiyang hinaplos ang dress na suot niya. She's wearing an off-shoulder peach-colored dress that reaches her knees. She's also wearing cream-colored flats. Ipinagpilitan niya na mag-heels para hindi naman nakakahiya pero mas nanaig ang kagustuhan kong magflats nalang siya.
It's still because of my personal reasons.
I smiled. Dalaga na ang kambal ko. Lels. I feel like an old woman. Issh.
"Tara na?"
Time to meet your fiancé's family...
BINABASA MO ANG
Never His Living Toy
Teen FictionAng akala nila sa'kin, mahina. Isang lampa. Walang makakayang gawin. But that time is now over. I'm not going back just for revenge, I'm going back to make them taste what I've turned into. They're greates...