Jack's POV:
Nakakawalang gana pumasok wala naman akong dahilan para pumasok maliban sa para ito sa mga magulang ko.Sa school isa lang ako sa mga taong dinadaandaanan lang weird daw ako sabi nila.
No choice ako kaya pumasok nalang ako.Pagpasok ko sakto lang meron na ring mga kapwa ko studyante dumiretso na ako sa room dun nakita ko siya ang pinaka popular girl sa campus.Gusto ko siya nakakahiya man pero talagang gusto ko siya siya yung tipo ng taong NASAKANYA NA ANG LAHAT pero never akong nagdare na sabihin sakanya ang nararamdaman ko di din naman niya ako magugustuhan para saan pa at sasabihin ko.
Dumiretso nalang ako sa upuan ko at binuksan ang cellphone ko.
1 new message
At sino naman kaya toh?Wala naman nagtetext saakin ah.Ini open ko.
-hi Jack! sana kahit isang beses lang makausap kita-
Di naka save yung # sino kaya toh?
Nagreply ako sakanya para naman malaman ko kung sino.Gusto akong makausap?bakla kaya toh?
-sino toh?-
Naghintay ako pero di naman nagreply.Hanggang sa nag umpisa na ang klase.
"jack pwede ba akong magpaturo sayo ng assignment sa Math" sabi ng classmate kong si Annie
"sige walang problema sa library nalang tayo after break" mabait naman ako eh atsaka si Annie lang ang taong nilalapitan ako.
"salamat Jack" at patakbong umalis si Annie.
Pumunta ako sa second subject namin at nakinig lang sa klase walang bago ganun lang naman ang nangyayari saakin araw araw.
Break Time
"Jack tara na!"-Annie
"Una kana Annie may kukunin lang ako sa locker ko" paaalam ko sakanya.
"ok Jack jejeje"-Annie
Pumunta na ako sa locker kinalkal ko muna yung susi sa bag ko.Ayun! Sa wakas nakita ko na.Pagbukas ko may nahulog.
SULAT?
YOU ARE READING
Stalker ko Siya?(short story)
Teen FictionDi ako makapaniwala..siya? siya ang stalker ko.Dapat ba akong matuwa o dapat akong mahiya dahil hindi ako yung tamang lalake para sakanya.