Chapter 2

19 1 0
                                    

Someone's POV:

Nakakahiya pero ok lang yan kesa naman mag sisi ako na diko nasabi sakanya na gusto ko siya.Si Jack matagal ko na siyang gusto pero nahihiya ako eh kaya dinaan ko nalang sa text at sulat.

Sana balang araw mapansin niya ako pero mukhang may iba siyang gusto eh.

Jack's POV:

Tinignan ko yung nahulog na sulat.Para kaya saakin toh? Kanino naman galing?

Binuksan ko nalang yung sulat.

Hi Jack matagal ko na tong gustong sabihin eh pero diko kaya kaya dinaan nalang kita sa sulat.

Actually I love you pero di ko alam kung mamahalin mo rin ako.

-KT

KT? Sino naman ang KT?At anu daw mahal niya ako? May babaeng kaya akong mahalin?Gusto ko siyang makilala.

Muntik ko ng makalimutan si Annie kaya dali dali akong pumunta sa library.

"Jack ang tagal mo naman"-Annie

"sorry may ginawa lang"

Tinuruan ko si Annie sa Math niya at pag katapos umuwi na ako.

Pagdating ko sa bahay cellphone agad ang tinignan ko at nagulat ako kasi may nagmessage at siya nga.

-KT ang pangalan ko-

So siya rin ang may pakana nung sulat.Iisa lang sila pero wala naman akong kilalang KT ah.

-KT? wala akong kilalang KT-

sent

new message

-kasi di naman yun ang tunay kong name-

-so nagpapanggap ka?-

Sent

Baka naman scum toh.

-hindi..basta malalaman mo din kung sino ako-

Magrereply pa sana ako pero may assignments pala kami na kailangang tapusin kaya ginawa ko muna habang tinatapos ko ang A.P. ko nagvibrate ang phone ko.

-oo nga pala may assignment tayo ngaun-

What the? ibig sabihin classmate ko siya.Pero sino?Isang tao ang agad na pumasok sa isip ko.

Si Annie?

Kinabukasan maaga akong nagising at pumasok ewan ko ba feeling ko may dahilan ako para pumasok ng maaga sa school.Malakas ang kutob kong si Annie.

Pagdating ko sa room nandun na si Annie pero diba kailangan ko munang manigurado.Nagtext ako maya maya lang may biglang nag ring na phone kanino yun?Pagtingin ko si Annie nga.Si Annie talaga sigurado na ako.

Pagkatapos ng klase agad kong hinanap si Annie.Gusto ko siya makausap.Kakamadali ko may nabangga ako.

"miss sorry ah" pagtingin ko sa nabangga ko si Kate Torres.Ang babaeng gusto ko.

Tinulungan ko siyang tumayo at pinulot ang mga gamit niya.

"anu kaba ok lang ako Jack"

"sorry talaga nag aapura kasi ako eh"

"baka may hinahabol ka" bulong niya sabay iwas niya ng tingin.

"wala akong hinahabol..una na ako" hanggang ngayon torpe parin ako pero nandyan naman na si Annie.

Nagpunta ako sa Library at doon ko nga siya nakita.Tumabi ako sakanya pero mukhand di niya napansin.

Annie's POV:

Akala siguro ni Jack diko napapansin na may gusto siya kay Kate.Nagseselos ako tuwing nakikita ko siyang nakatingin sakanya.

"boooo!!!"

Sa sobrang gulat napaatras ako ng upo at dahil don  natumba ang upuan akala ko babagsak na ako sa sahig pero pagdilat ko ng mata ko.

Jack?

Hawak hawak niya yung kamay ko at nagsalubong ang mata namin doon ko nakita ang pag aalala sa mga mata niya.

"Annie ok ka lang?"

"ok lang ako..ahmmm ah Jack yung kamay ko"

Feeling ko pulang pula ako sa nangyari hindi ako makatingin sakanya nahihiya ako eh.

"Annie can i court you?"

Totoo ba toh si Jack gusto akong ligawan.Sobrang sayo ko sa mga narinig ko.

"oo Jack pinapayagan kita"

Stalker ko Siya?(short story)Where stories live. Discover now