Chapter 3

20 2 0
                                    

Someone's POV:

Ang sakit sakit makita yung taong mahal mo na masaya kasama ang babaeng mahal niya.Tama ang akala ko may gusto nga siya kay Annie ang tanga ko bakit pa ako umasa na mamahalin niya.

Ititigil ko na wala naman ng patutunguhan tong nararamdaman ko.Hindi ko pa nasasabi sakanya kung sino talaga ako pero di na yun mahalaga ngayon.

Jack's POV:

Bago ako dumiretso sa bahay inihatid ko muna si Annie sa bahay nila.Masaya ako kasi makakalimutan ko na rin si Kate.Oo inaamin ko diko pa mahal si Annie pero alam kong matututunan ko rin siyang mahalin pagdating ng panahon.

Maaga akong natulog pero bago yun tinext ko muna si Annie yung # na pinagtext niya saakin.

-Annie di kita masusundo bukas-
sent

Maaga kasi ako bukas dahil dun sa ipapasa kong project kailangan ko pang ipasagot kay Marge na classmate ko yung part niya magka group kasi kami.

Kinabukasan maaga talaga ako 6:30 ako pumasok 7 kasi ang klase ko.

"Jack akin na yung part ko at sasagutan ko na" sabi ni Marge.

"sige basta yung tingin mong sagot ang ilagay mo opinion lang naman ang hinihingi"

"grabe ka naman Jack para namang anv bobits ko at kailangan mo pang ituro yan" natatawang sabi ni Marge.

"sinasabi ko lang" sinimangutan naman niya ako.

"ang weird mo talaga pag minsan masungit ka,kwela,tahimik ewan ang gulo mo bipolar ka talaga diko ma catch ang mood mo" si Marge talaga ang daming napapansin pero ganun ako eh wala na akong magagawa.

"tapusin mo nalang yan Marge"

Natapos na ni Marge pero nagtataka ako wala pa din si Annie at pandin ko wala din si Kate.Aissshhhh Kate nanaman.Pero si Annie ok lang kaya siya?

Nag umpisa na ang klase pero wala parin siya at si Kate bakit kaya tinext ko si Annie.

Annie ok ka lang ba? May sakit kaba?

sent

Annie text ka naman oh.

sent

Pero natapos na ang klase eh wala parin akong natanggap na text si Kate naman excuse may sakit daw kahit na meron na si Annie sa buhay ko diko parin maiwasan ang di mag alala kay Kate.

Napagdesisyonan kong puntahan si Annie sa bahay nila para malaman kung ok lang siya.

Annie's POV:

Akala ko ba nanliligaw siya saakin pero bakit ganun ni hindi man lang niya ako sinundo pagpasok kaya di na ako pumasok sa school para naman mag alala siya pero ni isang text wala akong natanggap galing sakanya ni hindi man lang niya tinanong kung ano nangyari saakin at di ako pumasok.

Hanggang sa hapon na nagkulong nalang ako sa kwarto naiinis ako sakanya.

"anak may bisita ka bumaba kana jan" si mommy.

Dali dali akong bumaba baka si Jack yun at tama nga si Jack nga ang dumalaw parang sa isang iglap nawala lahat ng inis ko sakanya.

"Annie ok ka lang ba? may sakit kaba? bakit dika pumasok?"-Jack

"eh ikaw Jack totoo bang mahal mo ako o baka namaan trip mo lang di mo man lang ako sinundo bago ka pumasok at dika man nagtext para tanungin kung bakit di ako pumasok" hindi ako galit gusto ko lang mag explain siya saakin.

"what? ilang beses na kitang tinext at oo di kita sinundo pero tinext kita na di kita masusundo dahil may project pa akong dapat tapusin at ilang text na ang sinend ko matanung lang kung ok ka"

Kung nagtext nga siya bakit wala akong natanggap kahit isa.

"Jack wala akong natanggap na text sayo kahit isa..oh tignan mo" sabay pakita ko ng pphone ko sa kanya.

Gulat na gulat siyang nakatingin saakin.At parang gulong gulo siya.

Jack's POV:

Nung makita ko ang phone niya gulat na gulat ako.Ibig sabihin hindi siya yung babaeng nagtetext at naglagay ng sulat sa locker ko? Pero kung hindi siya sino?

"Annie ibig sabihin....hindi ikaw yung nagtext saakin noon"

Halatang naguguluhan na siya sa mga sinasabi ko.

"anu bang sinasabi mo Jack..hindi pa ako nagtext sayo kahit minsan"

"hindi ikaw yung KT?"

"hindi! Umamin ka nga Jack sinabi mo bang liligawan mo ako dahil mahal mo ako o dahil akala mo ako yung babaeng nagtext sayo?!!"

Umiiyak na siya nakikita pa kami ng mama niya.Ano nga ba ang sagot ko sa tanong niya?Mahal ko nga ba siya o nadala lang ako dahil akala ko siya yung KT.

"sumagot ka Jack!"

"diko alam Annie..Im sorry"

"umalis kana Jack...umalis kana please lang"

Wala akong nagawa kundi umalis nalang.Hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman sa ngayon.

Stalker ko Siya?(short story)Where stories live. Discover now