Chapter 6

58 1 0
                                    

"Kyla! Kain na................."

Tawag sa akin ni mommy. Nasa kwarto ko kasi ako ngayon at may ginagawa.

Guess what kung anong ginagawa ko?

Ano pa ba? eh di yung letter.

Hmmmm.. la nga akong maisip na isulat eh..

Pano ko ba sisimulan?

[Dear Ace, may gusto ako sa iyo. Love Kyla.]

Eh, masyadong mabilis... eto kaya......

[Dear Ace, ang tagal tagal na kitang gusto, kaso kasi may girlfriend ka eh.]

Eh, pangit pa din niyan.. ano ba? Wala talaga akong maisip.

***************************************************

*toot* *toot*

***** 1 message recieved ***

From: Ash

Gawin mo na girl. wala namang mawawala eh. 

***************************************************

Okay fine, eto na..........

Nag umpisa na akong magsulat. Nilagay ko lahat lahat ng gusto kong sabihin sa kanya dati pa.

Dear Ace…………………………

ACE’s POV

Hello

Ako nga pala si Ace Del Rosario. 20 years old. Irregular BST student at *toot* University. I have a girl friend named_____________. Mag 1-1 year na kami next month. Next month na din pala ako ga graduate. Parang ang bilis bilis lang ng panahon. Parang kahapon lang kakasimula mo palang ng college tapos kinabukasan ga graduate ka na.

Ang dami dami ko ding ma mi-miss sa school na to. Yung mga first times ko. Siyempre yung mga tropa ko. At ang pinaka mahalaga sa lahat, yung nakilala ko yung babaeng mamahalin ko, at yun ay ang gf ko.

On my way na ko sa classroom ko. Last meeting na naming sa subject na *TOOT*. Next week kasi exam week na naming.

Pagkabukas ko ng pinto, walang katao tao. May nakasulat lang sa board na “ All class that are under of Mr. Narvaez, please proceed to the auditorium for seminar”.

Paalis nasana ako kaso may bigla lang akong nakita na papel sa table na inuupuan ko.

Lumapit ako at kinuha ko yun.

Haha natawa naman ako. Parang pambata yung papel. Yung tipong may design design pa? Tapos yung envelope pa nun katerno sa papel. Ewan!

Nako! Mukhang sulat ata. Hindi naman masama na tingnan ko diba? Malay mo sa akin.

Since hindi naman siya naka scotch tape o ano mang pandikit, tiningnan ko nalang din.

Dear Ace Del Rosario.

Huh? ako? Para sa akin ‘to?

HMMM….

Umupo muna ako sa upuan at pinagpatuloy basahin yung sulat.

Hello. Uhmm.. sorry hindi ko alam kung paano sisimulan. Wahhhh… ang corny corny ko talaga at ang OA OA ko. siguro after mo basahin to, itapon mo na agad at isiping hindi mo ‘to nabasa. Uhmmm. Kaya naman nagsulat ako sayo ay para masabi ko sayo yung feelings ko for you. Oo! Gusto kita, matagal na. Na crush kita.Na ikaw ang inspiration ko. Hindi naman siguro masama yun diba? Paghanga lang naman eh. Hindi ko naman sana sasabihin sayo ‘to kaya lang kasi kinukulit ako ng mga kaibigan ko. wala din namang masama kung I ta try ko din eh. At least nasabi ko diba? Hehe. Na gegets mo pa ba sinasabi ko? Sorry, first time ko rin kasi ‘tong ginawa. Nakakainis nga eh, na the moment na sasabihin ko sana sayo yung feelings ko, bigla namang may sisingit. Alam mo yung nasa restau tayo? Na sinabi mo na may sinabi sayo si Jack? Akala ko nga nun na alam mo na na may gusto ako sayo. Grabe nag assume lang ako dun. Winiwish ko nga nun, if ever nga na nalaman mo, sasabihin mo din sa akin na gusto mo ako. Kaso hindi eh. Nagkabaliktad ata. Yung time nay un, sasabihin ko na din sana, kaya lang bigla naman dumating gf mo. Diba? Daming barriers. Pero habang tumatagal, na rerealize ko din na, masyado na akong nagpapaka OA na feeling ko super broken hearted ako, na feeling ko binasted ako. Siguro hindi lang ikaw yung hinahanap kong guy. Sorry, ang OA ko na ba? Last na talaga to. Im super happy to the both of you. Na sana mas tumagal pa relationship niyo. Pwedeng mag request? I pag pray mo naman na sana mahanap ko na yung right guy for me. Na sana yung katulad mo. Hehe. Yun lang. And Advance happy graduation pala sayo. Good luck sa career mo. Bye!

SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon