Chapter 1

146 6 0
                                    

Eto na nga ba kinatatakutan ko eh.

Ay hindi, mali pala.

Pero hindi ko alam kung takot lang ako? O kaya naman conscious? O kaya naman kikiligin.

Basta eto na talaga.

*too toot*

Received text from  Ashley.

[ uy girl. Andyan na si Ace. Yie..]

Sheyt naman. Kelangan talaga mag text pa? palibhasa mag kakatabi lang sila lahat eh, ako lang nahiwalay ng upuan kaya ayan, inaasar na naman nila ako.

Okay! Breathe in breathe out. Act normal. Baka mamaya isipin ni Ace na ang weird weird ko talaga. Which is ayaw ko naman na isipin niya yun no.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko sa bag at kunwari nag te-text text.  Siyempre todo cover naman ako para kunwari may ka text nga.

At ayan na siya. Palapit na siya sa akin. Este. Sa upuan niya.

Yep! Magkatabi kami. At yun yung hindi ko talaga ineexpect. Wahh! Bakit pa kasi eh.

"Classmate may assignment ka? Pa copy naman oh."

"ah?... ah..... ou..... hmmm.. wait lang kunin ko lang sa bag..................."

Hinanap ko agad sa bag ko yung book ko.

Sheyt naman! Bat nawawala? Ang pagkakaalam ko dala ko naman eh. sinagutan ko pa nga yun kanina eh. San na yun!

"uy, classmate! Eto yun oh, sayo to diba?"

Itinuro niya yung isang book sa table ko.

Whatttttt!

Table ko?!

Like duh! Bat di ko napansin?

Wahhh! Sabi ko na nga ba eh, ang weird ko lagi pag nakakausap ko siya. Why oh why?

"ah... hehehe... di ko napansin.. oh eto..."

Binigay ko yung book ko sa kanya.

Balik ulit ako sa ginagawa ko. ano pa ba? Edi kunwari may ka text. Ang awkward eh.

Ay hindi! Sa akin lang pala. As if naman na may gusto yan sa akin. Feeler!

Ayun. Ang awkward talaga. Ayoko sa pwesto ko promise. Super naiilang ako. Alam mo yung hindi ka makatingin sa side dahil pag tumingin ka, mukha niya unang makikita mo at super lapit pa kasi nga magkatabi lang kayo. yung feeling na hindi ka makagalaw kasi nahihiya ka. Yung feeling na kelangan alam mo lahat at naiintindihan mo yung lecture para pag nagtanong siya alam mo yung isasagot? Yung mga feeling na ganun? Naranasan niyo ba yun? Diba naranasan niyo naman yun? Yung author nga nito nararanasan yun ngayon eh.

Sorry kung medyo OA lang ako. Hindi lang talaga ako comfortable pag andyan si Ace.

 Pero mali eh.

Hindi dapat ako ma inlove sa kanya.

 Dahil ako din ang masasaktan.

May girlfriend na kasi siya. And take note. Ang tagal tagal na nila.

Iniisip ko palang, parang ako na yung kontrabida sa kanilang dalawa which is ayaw ko naman mangyari yun no.

Class dismiss.

Buti tapos na yung klase. Irreg student kasi siya so sa next subject naming hindi ko na siya classmate.

Wah! Buti naman nakahinga na din ako ng maluwag.

Ewan ko ba. Pag tuwing nag didismiss na yung class, parang ayaw kong matapos yung subject. Pero pag sa kalagitnaan naman ng discussion atat na atat na akong mag dismiss.

"kayo kung ano anong trip niyo ah."--- ako

"sus! Kinilig ka lang eh. haha"--- Ashley

"No way. Hindi nga eh. may gf nay un."--- ako

"yuck! No other woman ka pala eh. haha"--- Ven

"Kayo! Isa pa! naiinis na ako ha!"--- ako

"naiinis? O baka naman kinikilig? Yiee.."--- Alice

 "Isa pang asar. lagot talaga kayo sa akin."---- ako

"okay fine! bat ayaw mo bang sabihin sa kanya na crush mo siya? wala namang masama eh."-- Ven

"eh sa may girlfriend nga yung tao."--- ako, sabay kuha ng ipod sa bag ko.

"eh crush lang naman eh. bahala ka, ikaw din magsisisi niyan. sabihin mo na kasi, ga graduate na nga siya eh, hindi mo na siya makikita."--- Ashley

"eh bat ang kulit kulit niyo ha. sabi kong i ke-keep ko nalang yun."---- Ako

Wala nang nagsalita sa amin. Ako naman, sinalpak ko yung earphone sa ear ko at nakinig ng music. ang haba haba pa ng oras namin eh. haba ng break namin. Now playing? This i promise you. Wahh! really love this song.

Ipinikit ko yung mata ko saglit. Feel na feel ko yung kanta eh. 

Minulat ko nalang yung mata ko ng hinihila hila nila Ash and Ven yung uniform ko.

"Ano ba yun?"-- ako

"Look!"-- sabay sabi nila

SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon