Promise #4

10 6 0
                                    

Nang nasa canteen na kami ay umorder lang kami ng onti para di lang kami magutom kasi pareho kaming hindi nakakain ng tama nang breakfast kasi ang aga naming pumasok

Marami rami naring mga tao sa canteen pero halos mga babae ang mga nakikita kong kumakain yung iba tumatambay lang ata dito

May mangilan ngilan namang lalaki kaso bilang lang ata sa kamay

Nang malapit na kaming matapos sa pagkain ay-

''To all students please proceed to the Auditorium for just a short program, thank you"

Tinapos na namin ang pagkain at Dali daling pumunta sa auditorium

Ng makarating kami dun ay marami ng Tao kaya wala kaming choice at sa medyo likuran na kami nakaupo

Napukaw ang atensyon namin ng nagsalita yung babaeng nasa stage mukhang ka-edad lang naman ata namin

Kung titingnan ay mukhang mestiza, matangkad din at may mahabang buhok na kulay brownish na makikita pag nasisinag Ito ng ilaw sa madaling salita ay Maganda siya

"Good Morning, Welcome to the HSU my co-students, I am your student council president Kiana Albert at your service, I hope this year would be a great school year for everyone

We prepared a short welcoming program for all of you but before that It's my pleasure to Present to all of you our Respected Principal, Mrs. Carina Lincoln"

Pumunta sa harapan ang isang babaeng nasa 50s na ata ang edad pero pag tiningnan mo siya ng mabuti ay mahahalata mo na napakaganda nito noong dalaga dahil sa mala mestiza nitong balat at ganda ng mukha

"Thank you Ms. Albert for such a nice introduce" sabi nito habang nakatingin dun sa student council president

"Welcome to HSU students, thank you for choosing HSU over those universities here in Manila, HSU will make sure to give you a highly education and enjoyment , We want students to Enjoy while learning, Again Welcome to High State university" pagkatapos ng kaniyang pananalita ay umupo na ulit siya sa kaniyang kinauupuan kanina

Ipinakilala na nung president ng student council yung mga magpeperform na mga students

Unang nagperform yung dance club sumunod naman ay yung music club na tumutugtog ng mga instruments para silang group

Pero yung huling nagperform ang sobrang nagpadagundong sa gymnasium sa sobrang lakas ng tilian

"May celebrity ba bakit ang lakas ng tilian?" Tanong ko Kay Era na titig na titig sa stage

"Era psst psst"

''Era hello, hello Era'' sabi ko habang winawagayway ko sa harapan niya ang kamay ko

Inalog alog ko pa ang braso niya para naman tumingin siya sa akin pero kahit anong pag-alog ko sa kaniya ay wala paring nangyayari

Kaya napatingin din ako sa kung ano o sino ba ang tinitingnan niya sa stage

Yung banda nga pala malapit na silang matapos sa pagaayos ng mga gagamitin nila Maya mas lalong umingay

"PETER ang pogii mo I Love you na talaaaggaaa"

"TREV!!! Ang cool mo sobraaa!"

"Waaaaahhhhhhh! Flinnnnn! Akin ka na langg please"

"Go TIM We love you! Muah Muah"

"I LOVE YOU BLUE SERPENTTTTTT!!! Waaassshhhhhhhh! "

At may kabi kabila pang fandoms ng bawat isa sa miyembro ng banda

Pero may sobrang nakapukaw ng aking atensyon-

"CK FFOOREEVVEERR!!!"

"Waaahhhhh CK We Love Youuuuu!"

"CK...CK...CK...CK!!Ikaw lang sapat na!"

"CK MY LOVESSS, Ang gwapo mo sobraaaa"

At dun ako nagulat sa babaeng sumigaw ng 'Anakan mo ako CK, mahal na mahal kita' grabe naloka talaga ako grabe naman yung sinabi niya parang sinasamba na niya yung CK na yun"

Tsss akala mo naman artista kung tumili parang kapwa estudyante lang namin yun eh

Nagsimula ng kumanta yung vocalist ng banda kaya natahimik narin yung ibang sumisigaw kanina

🎶Sunday morning rain is falling
Steal some covers share some skin
Clouds are shrouding us in moments unforgettable
You twist to fit the mold that I am in🎶

Maganda nga naman ang boses nung bokalista nila kaya siguro marami talaga ang umiidolo sa kanila plus the fact na magaling silang tumugtog saka ang lakas pa ng karisma sa mga tao

Dahil sa kurusidad ay tiningnan ko ng mabuti ang bawat isang miyembro

 

To be continue....


Way Back Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon